Destiny’s Point of View:
"Aish! Bakit wala pa si Kaitlyn!" pagmamaktol ni Lex. May deal kasi ata yung dalawa, kaya ayan, nagliligalig si bruhita.
"Wag ka nga maligalig!" Asar kong reply sakanya. Nakakaasar e. Ingay kasi. Ewan ko nga e, ang ingay ni Lex ngayon tapos si Ken ang tahimik.
Ang laki talaga ng sayad nung dalawa -__- Iniwan ko muna si Ken at Lex, pati narin yung bag ko. Ayaw pa kasi nila umalis dun sa tambayan namin. Umalis ako kasi mahina yung signal dun.
Pero, hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Nakita ko na lang na nasa harap na ako ng canteen. Gutom na ba talaga ako? Hays.
"Ate, dalawang fruit drink yung magnolia. Ipagsama mo na sa isang plastic." Sabi ko at nagbayad na. Medyo close kami nung tindera lagi kasi kami dito kumakain ni Ken pag recess. Minsan, kasama namin yung dalawang monggoloyd.
"Eto o," inabot nya saakin yung inorder ko, pero bakit wala sa plastic? Nakalagay sya sa Styrofoam na cup e. Iba siguro pag maganda!
BOOGSH!
Pagtingala ko natapon yung drink ko, tapos yung drink nya rin saakin. Aish! Coffee pa naman yung natapon! Epal talaga na monggi to! Tsk.
Hindi sya nagsalita, habang ako kumuha ng tissue para kahit papaano mawala yung kape. Kaso hindi talaga e.
"Tsk. Excuse me! Bakit ka ba paharang harang jan! Epal na monggi! Tss." Nagroll ako ng eyes ko at tumingin sakanya—
A-ang.. Gwapo 0///0
Pero hindi! Monggi parin sya! Vice president pa naman ako nun. Pakulong ko sya e. Kainis! Natapon na nga yung drink ko, natapunan pa ako!
"Ako pa talaga yung sinabihan mo ng ganun? Look at my uniform. And pasalamat ka pa at starbucks yang natapon sayo," aba! Bastos to a! First, I am the vice president sa student council. Tsaka, second, I'm a member of KADS! Ang tinitingala ng lahat ng tao dito sa school.
Sino ba sya para ganyanin ako?! Tsk. Porket transferee sya, akala nya papalagpasin ko lang to?! No way!
"Starbucks?! Anong tingin mo saakin?! Hindi pa nakakatikim no'n?!" Asar kong sabi sakanya. Nakakaasar na nakakainis.
"Oo," ngiti nya pa. Hindi porket gwapo sya at ang tangkad nya mangaasar na! Tsaka, anong hindi pa ako nakakatikim ng starbucks?! Kung may mas malapit na starbucks dito bibili ako ng tigi-isang order para sa students.
KASO, malayo at madamot ako. Ayoko nga sila bigyan.
"Look, I am the Vice President of SSG at isang member ng KADS na tinitingala ng lahat ng students dito!" I shot back.
YOU ARE READING
Forced Friends, Perfect Lovers
Novela JuvenilBeing forcely friends with your enemy is hard as it is. And believe me- being hot, incerdibly handsome and smart doesn't change the fact that their attitude is the ugliest thing ever. ××× ↪STARTED↩ DRFTD: PBLSHD: ↪FINISHED: ---↩ NOTE: THIS STORY IS...