Ako yung taong,
ignorante sa pagmamahal
Kaya di ko nabigyan ng kahalagahan
Ang ipinakita mo,
Aking MAHALAkala ko nung una
Na wala itong halaga
Akala ko nung una
Ito ay isa lamang paghangaHinahangaan kita
Sa lahat ng iyong ipinapakita
Nandito ka lagi at nagpapaligaya
At ikaw yung una na nagpahalagaUna kong naranasan
Itong aking nararamdaman
Akala ko'y ito'y paghanga
Subalit, ito'y lumalaGusto kong sabihin
Gusto kong aminin
Na tinamaan mo ako
Tagos hanggang pusoSubalit, wala akong lakas
At di ko mabigkas
Sa iyong harapan
Itong aking nararamdamanDumaan ang araw
Tayo'y laging tampok
Sa bawat araw
Ang bilis nitong tumibokLalong-lalo na
N'ong ika'y nagbigay
Sa akin talaga
Ng dalawang bagayAko talaga'y namangha
Sa iyong ginawa
Ang puso ko'y tuwang-tuwa
Ngunit di ko maipakitaNgayon, Gusto kong sabihin
Gusto kong isigaw
Ang laman ng damdamin
At ang kan'yang sinisigawSubalit, di ko mabigkas
Kapag nandjan ka na sa harap
Di parin lalabas
At di ko kayang humarapDi ko alam ang sasabihin
Di ko alam ang gagawin
Kapag nand'yan ka na
Di ako makapagsalitaMananahimik na sana ako
Ngunit ayokong maulit ito
Kaya ang aking ginawa
Ay gumawa ng 'sang tulaTula na para sa'yo
At di sa kong sino
Isang tulang nagmemensahe
Sa tunay at totooHindi ko alam kong,
huli na o hindi
Hindi ko alam kong,
Tama ba 'to o Mali
Ngunit gusto kong malaman mo
Ang sinisigaw ng puso koKahit di mo man 'to marinig
Mula sa'king tinig
Kahit di mo to makita
Sa aking kilos at gawaGusto kita
Simula pa nung una
At magpahanggang ngayonMAHAL PARIN KITA
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Aking Gawa
PoesieAng kuwadernong ito Naglalaman ng tula ko Tulang galing sa obserbasyon At maging sa isip ko Ang iba naman ay galing sa aking nararamdaman Galing sa utak at sa aking puso Mayroong katotohanan at kathang isip lamang. Hindi man seryoso ngunit...