Walang tao, ginawa
para mag-isa
Lahat tayo kailangan
ng kasama
Kasamahang mapagkakatiwalaan
Taong maituturing
na kaibiganLahat tayo naghahanap
Lahat gustong makaranas
Lahat gustong makaramdam
Nang isang kahalagahanSubalit mapagsamantala
ang iilan
Kakaibiganin ka sa sariling kapakanan.
May nagbabalatkayo't
nakipagplastikan
Mapasama lang sa isang samahanNakakalungkot ang mabuhay
na mag-isa
Mahirap ang tumayo na
Walang kasama
Pero wala ng mas malungkot
at mas mahirap pa
Kung kilala ka nang lahat
pero maskara.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Aking Gawa
PoezjaAng kuwadernong ito Naglalaman ng tula ko Tulang galing sa obserbasyon At maging sa isip ko Ang iba naman ay galing sa aking nararamdaman Galing sa utak at sa aking puso Mayroong katotohanan at kathang isip lamang. Hindi man seryoso ngunit...