Miracles in December

2K 55 43
                                    

Rei's Corner: Sana magustuhan niyo ang storya na 'to. Dedicated to AteBebangLoves :))

--

(Play the vid on the side)


Napatingin ako sa may orasan.


11:55 PM


Limang minuto nalang at pasko na. Ngunit hanggang ngayo'y wala ka pa.


Ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Umaasang sa pagbukas nito, ikaw ang aking makikita.


Flashback


"Joooohn!"


Lilingunin ko sana yung babae na tumawag sakin ng bigla siyang sumakay sa likod ko.


Halos matumba ako dahil sakaniya kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong masigawan siya.


"Ano ba naman yan Reyes! Mag-ingat ka naman sa susunod oh."


Naramdaman ko siyang mula sa aking likod. Humarap ako sakaniya at napatingin nanaman sakaniyang magagandang mata.


"Ang sungit mo naman! Minsan ko lang naman gawin 'to ah. Ikaw talaga. Ang KJ mo."


Nagpout siya at wala na akong ibang nagawa kundi ang akbayan siya.


"Ang cute cute mo talaga neko."


"Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako pusa, ha?! Nakakainis ka na John. Makakatikim ka na talaga."


Tinaas niya yung kamao niya sakin at inambahan ako ng suntok.


"Oh chill hahaha. Ano ba kasing kailangan mo ha?"


Ngumiti naman siya ng nakakaloko at itinaas yung kilay niya.


"Mukhang ayaw ko yang sasabihin mo ah." Nakakapagtaka naman kasi ang pusang ito eh. Sarap bigwasan. Kade joke lang. Animal cruelty yon.


"Hindi mo pa naman alam nagcoconclude ka na kaagad! Huwag na nga lang!" Tignan mo 'to, siya na nga yung may kailangan tapos siya pa may ganang magalit.


Pinitik ko ng malakas yung noo niya. Sinapo niya ito at naupo sa may sahig.


"Bubwit ka talaga John!"


"Ano na nga kasi? Pag hindi mo pa sinabi, aalis na ako. Sinasayang mo oras ko eh."


Tumayo naman na siya at pinagpag yung damit niya. Sa pag-angat ng kaniyang ulo ay nakita ko ang kaniyang matamis na ngiti.


"Sa araw ng pasko, mahihintay mo ba ako?" Kasabay ng kaniyang mga salitang binitawan ay ang pag-ihip ng malakas na hangin.


"A-anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sakaniya. Anong bang ibig sabihin ng kaniyang mga tanong?


Ngumiti siya at iniling ang kaniyang ulo. "Sabi ko, wala. Osha, aalis na ako. Babayooooo!"


Tumalikod siya palayo sa akin. Hanggang nawala na siya sa aking paningin.


End of Flashback


Napatingin ulit ako sa orasan. Dalawang minuto na lang ang natitira.


Nagsimula ng bumuhos ang nyebe. Hudyat na malapit ng sumapit ang kapaskuhan.


Napatingin ako sa kalangitan na puno ng mga bituin, mga bituing na nagniningning katulad ng iyong mga mata.


Binalikan ko ang araw kung kailan tayo umamin sa isa't-isa tungkol sa ating nararamdaman.


Flashback


"Neko, asan ka na ba?" Bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.


Halos magdadalawang linggo na simula nung huli tayong nakapag-usap. Hindi ka na muling nagpakita.

Miracles in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon