Chapter 50:Half Sister

5.7K 251 5
                                    

Ally's POV

"Aakyat na ako kuya"sambit ko .

"Sige matulog ka na"sambit ni Kuya at umakyat na rin sa kwarto nya.

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko humiga agad ako.Salamat lang talaga at bati na kami ni Kuya i explain everything at payag sya na ligawan ako ni Kurt but may kondisyon .

Flashback

"Kuya sorry na"sambit ko.

"Bakit hindi mo sinabi ?"tanong ni Kuya.Sobrang seryoso ng mukha nya kaya hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nya.

"Kuya hindi naman talaga naging kami ni Lance .Nagpapangap lang kami"sambit ko.

"Mukhang hindi nga naging kayo dahil ikaw ang binubully nya dati .At bakit kasi hindi mo man lang sinabi sakin na nagpapanggap lang kayo.At ano naman ang pumasok sa utak mo at pumayag ka ?"tanong ni Kuya.

"May kasalanan ako sa kanya"sambit ko.

"Okay fine .But totoo ba na nililigawan ka ni KL ?"tanong ni Kuya.

Tumango naman ako at naintindihan na nya ang ibig kong sabihin .

"Sasagutin mo ba sya ?"tanong ni Kuya .

"Hindi ko pa masasabi"sambit ko.

"Ako na bahala sa kanya .Kailangan nyang malagpasan yung mga pagsubok na ibibigay ko bago mo sya sagutin"sambit ni Kuya at nakatingin lang sa daanan.

"Papahirapan mo sya ?"tanong ko.

"Hindi naman mahirap .Medyo lang .Kahit papano kaibigan ko pa rin sya"sambit ni Kuya.

"Sige kuya pero sana wag ka ng magalit sakin"sambit ko at nagpout.

"Hindi naman kita matitiis e"sambit ni Kuya.

End of Flashback

Kinuha ko ang phone ko at may mga message akong nareceive .

From:Kurt

Matulog ka ng maaga .Susunduin kita bukas .I love you <3

To:Kurt

Sige .Aagahan ko nalang gumising .Ingat

From:Kurt

Walang i love you too ?

To:Kurt

I love you too your face

From:Kurt

Sungit :(

To:Kurt

Sige na matulog ka na .

From:Kurt

Sige .Good night :* Sugardreams .

Bakit ba sobrang bait nya ?Kurtleng ang tawag samin dati Sya si Kurt at ako si Lengleng =Kurtleng

From:Monster Lance

Hoy miss nerdy panget .Mag-ingat ka ,tanga ka pa naman

To:Monster Lance

Tawa tayo :D

From:Monster Lance

Tawa your face

To:Monster Lance

Sungit :(

From:Monster Lance

Bye !Nandito na si Alexa

Sana lang talaga maging masaya si Lance at Alexa .Pero sana mas maging masaya ako.Lance deserve much better .

-----

Nagising ako dahil sa sinag ng araw.Ugh !Inaatok pa ako.

"Little sis wake up"sambit ni Kuya at niyuyugyog pa ako kahit gising na ako.

"Kuya gising na ako"sambit ko.

"Nakapikit ka pa tapos sasabihin mo gising ka na .Psh .Bilisan mo bumangon ka na"sambit ni Kuya.

"Bakit ba kuya ?"tanong ko.

"May bisita tayo at actually may bisita ka rin"sambit ni Kuya.

"Good morning"sambit ng isang pamilyar na boses kaya napabangon ako.

"K-kurt ?"tanong ko.

"Oo hindi ka namamalikmata"sambit ni Kurt .Tumayo agad ako at tumakbo papunta sa banyo .Baka may tulo laway pa ako.Sobrang nakakahiya !

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko bumaba na agad ako at may hindi ako inaasahang bisita bukod kay Kurt.

"Ano po ang ginagawa nyo dito ?"tanong ko .Nandito yung tunay kong daddy at may kasama syang babae na papasok ng bahay .

Pagharap nung babae.

O_O

"Alexa ?"

"Ally ?"

Teka ano naman ang ginagawa dito ng Alexa na to ?Inis na inis yung mukha nya na parang hindi makapaniwala.

"May kailangan po kayo ?"tanong ko.

"Anak may sasabihin sila sayo"sambit ni Mommy .

Umupo muna ako sa sofa bago ako makinig sa ikukwento nila at katabi ko si Kurt.

"Ano po yung sasabihin nyo ?"tanong ko.

"Anak sya si Alexandra .Half sister nyo"sambit nang tunay kong daddy .

Ah half sister ko si Alexandra .Ano ?T-teka Half sister ko si Alexandra ?Si Alexandra Dela Merced ?

"Paano po nangyari yon ?"tanong ko.

"Anak ko sya sa asawa ko ngayon"sambit nang tunay kong daddy.

Napatingin naman ako kay Alexandra .Yun siguro yung dahilan kung bakit naiinis sya kanina kahit wala naman akong ginagawang masama.

"Sana maging mabuti ang samahan nyo"sambit ni Mommy.

"Sana nga mommy"sambit ni Kuya na kakababa lang galing sa kwarto nya.

"Salamat .Sige pumasok na kayo .Alexa sumabay ka na sa kanila"sambit ni Dad.

"Ako talaga dad ?Okay fine"sambit ni Alexandra "Pasalamat sila Kapatid ko sila"bulong ni Alexandra .

Habang nasa byahe kami binulungan ako ni Alexandra .

"Hindi talaga ako makapaniwala na kapatid kita"bulong ni Alexandra .

"Ayoko ng gulo Alexandra"sambit ko.

"Calm down sister hindi ako nang gugulo"sambit ni Alexandra."By the way .Good luck sa pageant .Sana manalo ka.Pero im sure na ako talaga ang mananalo"sambit ni Alexa.

Naiinis na ako sa kanya .Ilang beses nya ba ako balak inisin ?Kaimbyerna !Half sister ko ba talaga ang babaeng to ?Hindi ako makapaniwala .Walang akong ganitong kadugo .

"Excuse .Rest room lang ako"paalam ni Kurt.

"Sumabay ka na sakin"sambit ni Alexandra ng makarating kami sa school.

"Psh"

"Wag na pala may pupuntahan pa ako.Mag-ingat ka sister tanga ka pa naman"nakangising sabi ni Alexandra .

Ilang beses ba nyang balak sirain ang araw ko.Sana pala hindi ko nalang nalaman na kapatid ko sya  

Me And The Campus King (Major Editing And Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon