CHAPTER 1

26 1 0
                                    


Hi, ako nga pala si Lexy. 19 years old, mabait, matalino, maganda at sexy. Nag- aaral ako ngayon sa isang Private School and I'm doing good. Okay naman pag- aaral ko kahit may lovelife ako. Magkaklase pa nga kami. Yun nga lang kahit sanay na ko na palagi kaming magkasama, hindi ko pa rin maiwasan ang magduda sa kanya. Palagi ko nalang naaalala lahat ng sakit na naramdaman ko kahit ipinapakita niya ngayon sa akin na ako lang talaga.

Throwback 2012...

"Pahinging piso! Oy, pahinging piso! Pst. Pahinging barya!"

Ganyan ako. Sobrang buraot ko noong high school pa lang ako. Kahit hindi ko kakilala, hinihingan ko ng pera. Nga pala, hindi ako pulubi or something ha? Natutuwa lang kasi ako. Ang dami kasing tao dito sa park. Paano ba naman, pag- uwian, dito ang tambayan ng mga estudyante. At ako? Itong park na ito ang pangalawang bahay ko. Haha joke, mas madalas pa kasi ako dito kaysa sa bahay. Dito kasi kami palagi nagpapractice ng sayaw. Oo nga pala, isa rin akong dancer sa school namin, kaya tuwing may activities, lagi kaming nagpapractice. Third Year High School na ako ngayon. Nakakapagod man pero okay lang dahil hilig ko talaga ang pagsasayaw and dancing is my drug. Maya- maya may nagsalita na lang bigla sa likuran ko.

" Oy, magkano na ba yan? Tara bili tayo ng softdrinks."

The who? Siya lang naman yung bagong transferee sa'ming school dahil na-kick-out siya sobrang bait tapos pati ba naman sa school namin wala siyang ginawa kundi ang makipagbangayan. Halos laman nga ng guidance yan e. Bakit kaya may mga ganung tao? Bakit hindi sila natatakot sa ginagawa nila? So ayun nga, lagi ko siyang nakikita sa school pero ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. At, at, at.... Ang gwapo niyaaaaa! Pero no. Turn off ako sa kanya dahil sa ugali niya. Sobrang sama kaya niya. Halos lahat ng estudyante sa school namin pinagtitripan niya. Parang siyang isang hari na gusto palaging masusunod ang gusto niya. Well, hindi ko siya talaga kilala at wala akong balak na magkaroon ng interes sa kanya.

"Close tayo?"

"Hindi nga e, kaibigan ko yung boyfriend ng best friend mo."

"Ah....."

"Tara na, dun sa gilid. Oy, Joseph tara."

At nag- aya pa talaga, edi wala naman ako nagawa. Breaktime din namin sa sayaw kaya ibinili ko nga yung pera na naipon ko.

"Sige tara."

(Pagkayari magmiryenda)

"Alis na kami."

"Okay."

Hindi man lang nagpasalamat. Napakabugok talaga nayun. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya e. Pero mukhang nautakan ata ako ng lalaking yun ah. Pambihira oo...

Kriiing! Kriiing! Kriiing! (7:16 am)

Pusang gala naman oo! Late na naman ako. Sino ba yung tumatawag?

Calling...

BFF Bea

"Oh hello, eto na gagayak na ko. Bye! (Sabay baba ng telepono)

Hays, kung kailan naman na- elect na 3rd Year Representative ng school namin, tsaka pa ako tinatamad mag- aral. Ganito ba ang dapat tularan? Hahaha...

(Pagdating sa school)

"Good morning Ma'am."

Teacher: Ms. Dela Cruz, late ka na naman ha?

"Sorry Ma'am."

Bea: First day ng school, napagalitan ka agad. Hahaha.

"Tumigil ka nga diyan, wag kang magulo.

Love is SacrificeWhere stories live. Discover now