CHAPTER 3

9 1 0
                                    



Lumipas ang bakasyon at siyempre sinulit ko talaga, halos puro gala ata ang ginawa ko haha. Magpapasukan na at napagdesisyunan ko na mag- aral sa isang Catholic School din na halos 15 mins lang ang byahe mula sa bahay namin. Di ko akalain na doon din mag aaral si Jake dahil gusto daw niya ay nababantayan ako. Haha wala talaga akong kawala. So ayun, sabay kami nag enroll nung bakasyon at di ko rin akalain na magkamukha pa kami ng kursong kinuha at magiging magkaklase pa. Kinuha naming ang kursong Hotel and Restaurant Management na morning class para sa hapon ay makakapaglibot pa kami sa mall.

June 2014

Pasukan na maaga akong nagising dahil maaga rin ang pasok ko, 7am kaya tinawagan ko agad si Jake.

Calling.....

"Mahal, goodmorning, gayak na tayo. Bilisan mo lang ha? I love you."

Jake: Sige mahal. I love you too.

Makalipas ang 45 minutes ay dumating na si Jake at nagtricycle kami papuntang school. Pagdating namin sa school ay nakaramdam ako bigla ng kaba. Di ko kasi alam kung paano ko magsisimula makisalamuha. Hinanap naming ang room naming at nakakapagod ha? Kasi ang layo pa ng nilakad naming at nasa 3rd floor pa ang room namin kaya pagdating namin sa room ay hiningal ako haha. Pagpasok sa loob ay marami ng nandun kaya kami naman naupo nalang sa harapan dahil doon nalang may bakanteng upuan. Maraming may kakilala kay king at yung iba dati pala niyang kaklase. Ako naman, may ilan akong nakikitang pamilyar pero hindi ko talaga kilala. Hay nako dapat pala nagdala ako marami pagkain. Hahaha.

Girl1: Hi, magkapatid kayo?

"Hi din hehe hindi, boyfriend ko.

Girl1: Ay talaga? Ang sweet naman magkaklase pa kayo. Ano palang name mo?

"I'm Lexy. Ikaw?"

Girl1: I'm Jocy, nice to meet you.

"Nice to meet you too Jocy."

Buti nalang at may kumausap kung hindi ay napanis na ang laway ko. So ayun, si Jocy yung unang nagging close ko kasi naman ang friendly rin nya. Nahihiya kasi ako makipag-usap e. Akala naman nila ang tahimik ko e ako nga yung taong sobrang ingay sa room naming nung high-school haha. Maya- maya pa ay dumating na ang adviser namin.

Jocy: Ay akala ko estudyante, gwapo naman ng teacher natin.

Boy1: Ou nga. (At nag-usap usap na nga ang mga nasa likod ko habang ako tahimik lang. Kailangan kong kumalma dahil nandyan ang bf ko noh haha.)

Sir: Goodmorning students.

We: Goodmorning Sir!

Sir: So ayan dahil ngayon palang tayo nagkita-kita. I want to introduce yourself in front para naman makilala nyo ang isa't- isa and kindly tell na rin kung bakit HRM ang pinili niyong kurso. Simulan natin sa first line.

Naku po. Nasa unahan pa naman. Kinabahan na naman ako.... Hanggang sa ako na yung magpapakilala.

"Hi, my name is Lexy Dela Cruz. I'm 16 years old. I live in Santa Rosa, Nueva Ecija. My hobbies are dancing and playing volleyball.

Sir: So Ms. Dela Cruz, why HRM?

"I chose HRM because I want to be a Pastry Chef someday and I want to have my own Hotel or maybe a restaurant."

Sir: Thankyou Ms. Dela Cruz. Next...

Boy 1: My name is Juanito Santos. 19. Nakatira sa bahay. Joke lang nakatira ditto lang din sa Cabanatuan. Pinili ko ang hrm dahil gusto kong mamalantsa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love is SacrificeWhere stories live. Discover now