CHAPTER 2

13 1 0
                                    


1 YEAR LATER

Pasukan na naman. Yey, 4th Year na ko, malapit na ako maka-graduate ng high school. Saan kaya ako mag- aaral ng college? Hahaha, hindi pa man ako nakakagraduate, iniisip ko na kung ano kukunin kong kurso. Papunta na ako ngayon ng school. At dahil first day of school na naman, siyempre OOTD ang peg.

Bea: Bff! Kamusta bakasyon? Tumaba ka ata? Hiyang ba kay Mr. Beley?

"Tumigil ka nga, gusto mo batukan kita? Kaaga-aga iniinis mo ko!!

Bea: Hahaha, parang poon, di mabiro? Tsk. Pasok na ko sa room bff. Byeee labyu :*

"Okay bye"

Hayy, si Bea talaga. Sobrang kulit. Kapatid na nga ang turing ko dyan e, mas madalas pang matulog sa bahay namin kaysa sa kanila. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko yung ex ko. Aba, tinitigan ba naman ako. Gandang ganda na siguro sa'kin. Hahaha dati kasi nung kami pa e as in sobrang pangit ko talaga. Hindi ako nag aayos, nagsusuklay. At yung buhok ko? Sobrang buhaghag. E ngayon? Sinong mag- aakalang kilala ako sa school namin dahil sa mga sinasalihan ko at siyempre dahil din sa pagiging dancer. Sobra kong nag ayos ngayon dahil naisip ko nun na ayaw ko na ulit masaktan. Kaya eto, pinagbubutihan ko talaga ang pagpapaganda. Joke lang, siyempre ang pag- aaral ko rin.

So ayun nga, ang dami nangyari noong mga nakaraan. Lumaban ako bilang President ng school namin. Actually hindi naman talaga ako dapat lalaban kasi barkada ko rin makakalaban ko kaya nga lang one of my friend ay umatras na siyang dapat tatakbo bilang president. So,pinilit niya ko na kung pwede ako nalang daw ba tutal naman daw ay sanay ako sa mga ganito. Ayaw ko sana kasi alam kong mas malakas sakin yung kalaban ko dahil mas kilala siya sa school namin pero for the sake of my members sinubukan ko.

July 2013,

Election Day na. Wala akong ineexpect na kahit ano. Masaya na ako na naging successful ang laban nato and naging mas close pa kami ng mga friends ko sa isa't- isa. Pagdating ng hapon...

Shaine: Bes, tapos na yung botohan. Basta Manalo man o matalo, magcecelebrate tayo.

"Oo namn tara tingnan naten."

Nang makita namin ang results. Eto talaga yung inexpect namin una palang. Hindi kami nanalo but konti lang ang lamang kaya para sa amin okay nayun. Pinuntahan namin yung mga kaklase namin na nanalo and nagyakap- yakap. Siyempre masaya rin ako kasi they are all my friends. Barkada kumbaga. Back to normal na naman kami kasi tapos na ang laban.

Student 1: Hi, ate lexy. Congrats kahit di ka nanalo. Sobrang bait mo. Para sa'min ikaw parin.

Student 2: Oo nga ate, thankyou sa lahat dahil sinama mo kami sa pagsasayaw.

Student 3: Ate Lexyyyyy. So proud of you.

Hays, ang sarap sa pakiramdam. Yung feeling na kahit hindi ikaw yung nanalo, ramdam na ramdam mo parin yung suporta ng iba sayo. I'm so relieved! Thank you Lord.

July 23, 2013

Wooaaah! It's our 1st Anniversary. Sa wakas may umabot rin ng taon sa akin. Hahaha. Kagigising ko lang ngayon and si Jake? Nasan kaya yun? May pasok nga pala ngayon. Mabilis akong gumagayak and guess what? Ako 'tong babae pero ako yung magsusurprise sa kanya. Pagdating ko sa school ay kinausap ko agad yung mga kaklase ko at kinuntsaba para maging successful itong gagawin ko. Pagdating ng recess time, nagpunta na agad kami sa canteen. Etong si Jamy naman ay nakita na si Jake kaya agad piniringan sa mata ng panyo at inalapit sa amin. Shet, kinakabahan ako hahaha. Nagtayuan na ang mga kaklase ko at pinalibutan na nga kaming dalawa habang kinakantahan kami. Kinuha ko agad yung necklace na sobrang pinag ipunan ko at isinuot sa kanya. Pagkayati ay tinanggal na nya yung piring sa mata nya.

Love is SacrificeWhere stories live. Discover now