Crush
"Sige mga Bro. Hahanapin ko muna siya!" tinapik ko ang balikat nila isa-isa.
"Suotin mo muna to Bro" inihagis ni James sakin ang wig na suot-suot ko araw-araw.
"Baka makalimutan mo na ikaw si PAULA na matalik niyang kaibigan. Hahaha" Tumatawa sila sa sinabi ni John.
Umiling nalang ako sa kanila at aalis na sana.
"Kailan ba yan matatapos Paul?" tanong ni Patrick
"Mind Your Own Business People" sabi ko.
"HAHAHA, sige. Kita nalang tayo mamaya sa practice bro." sabi nila at umalis na.
Nakita ko siya sa corridor malapit sa mga locker. May nilagay ata siya sa kanyang locker. Nakita niya ako kaya lumapit siya at....
"Huy Paula! Kanina pa kita hinahanap bakla ka ha. May sasabihin sana ako sayo eh" *pout* please. Huwag mo yang gagawin please. Pigilan niyo ako, pigilan niyo ako!
"Ano kaba sis! Nagpapaganda pa kasi si Aketch. Ano ba sasabihin mo?" sabi ko sa boses babae kong tono. Ganito na ang role ko araw-araw. Hindi na mahirap para sakin kasi lagi ko na 'tong ginagawa.
"Nakakaloka talaga si Kristina, kilala mo siya diba?" tamango lang ako "Kasi si Jayson, yung last ex ko na hiniwalayan ko kahapon? Ayun sinagot agad ni Kristina" sabi niya at parang may malungkot sa kanyang tinig.
Putang-*nang Jayson kasi yun eh. Sabi ko ng wag niyang sasaktan si Lelaine. Eh nakipaghilakan ba naman sa likod ng laboratory namin at ako pa ang nakakita. Ayun binugbog ko/namin ng mga barkada ko. Ang hambog eh kala mo kung sinong matapang.
Hinagod ko ang likod niya.
"Okay lang yan sis. Ang pangit kaya ni Papa Jayson." inirapan ko siya. 3 buwan kung tinutunan pano umirap ha. ANG HIRAP MGA TSONG! "If I were you, mag fofocus nalang ako saking studies" tumingin siya sakin at ngumiti. Sana kalimutan mo na yung Jayson na yun. Please lang!
"Ok lang ako sis. Ano kaba. Sinabi ko lang sayo kasi nga diba sabi mo sakin noon na hindi matinong lalaki si Jayson? Di ako nakinig sayo kaya ayan nasasaktan ako ngayon. Tama ka kasi palagi sa lahat ng manliligaw ko sis" she hugged me and then cry.
Ito ang role ko sa loob ng tatlong taon. Being her crying shoulder, bestfriend, secret keeper, love adviser.
"Oh My Gheeee! Wag kanang umiyak. Sayang namang yung tears mo sis oh." wag mo iyakan yung gagong yun. Nandito lang ako "Sige ka magmumukha kanang Lola Auring nyan. Ang pangit-pangit ng iniiyakan mo ano kaba. Yuckks atey!" sabi ko.
"Kalimutan na natin siya sis. 'Lika na baka mapagalitan na naman tayo ni Teacher Emma" sabi niya sabay hila sakin sa unang subject namin.
Nakarating kami sa 2nd floor na magkahawak ang kamay. Araw-araw kong hinahawakan ang kamay niya. Wala akong pake, di naman niya ako mahahalata.
"Hingang Malalim sis! Inhaleeeee, Exhale! Whoo!" habang tumaas baba ang dibdib niya.
"Keribels nayan sis. Pumasok na tayo" hinila ko na siya para pumasok.
Pumasok na kami. Nakaupo kami sa likuran. Bale, 2nd to the last. Ako yung nakaupo malapit sa bintana at siya naman sa tabi ko.
May lumapit saming magbarkada, mga kinakatakutan kuno dito sa school. Mga kaaway ko. Ang lampa naman kung makipagbasag ulo. Pwee! Umupo sila sa tabi ni Lelaine.