Traydor
"Nakita niyo ba si Lelaine?" sabi ko sa kanila. Natapos na kasi ang klase namin sa umaga pero di siya pumapasok. Absent na naman?
"Sabihin niyo na kasi" bulong ni John kay Lordson.
"Kayo nalang Baka mabogbog ako niyan" bulong din ni Lordson kay John at Patrick.
"Tawagan niyo nalang si Manuel at papuntahin niyo dito." bulong ni Patrick
"Bakit nasaan ba kasi si Manuel at James?" tanong ko. Magbubulongan kayo diyan eh, dinig na dinig ko naman. Mga Gag* talaga.
"A-ah. Absent siguro" sabi ni Lordson.
"Si James?" tanong ko. Di pa kasi kami nakapag-usap dalawa, lalaki sa lalaki.
"Absent din siguro" sabi ni Patrick
"Ah Bro! Diba sem-break na bukas punta tayo sa inyo doon sa Surigao. Bakasyon lang ng kahit tatlong araw. Sige na" sabi ni Patrick at inakbayan ako.
Kinuha ko ang kamay niya at pinanliitan ko sila ng mata. May hindi tama sa mga inaasal nila a. Ang kabado nila at hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Sige ba. Nakita niyo si Lelaine? Hindi ko kasi siya nakita kanina. Mukhang di pumasok" kuryuso kong tanong.
Nagkatinginan ulit sila at nanlaki ang mga mata. Parang may gusto silang sabihin na di nila gustong marinig ko. Pinandidilatan nila ng mata ang isa't isa.
"Ano?" ulit ko.
"Baka absent/nasa canteen/may sakit" sabay nilang sabi tatlo.
"A-ah. Ang ibig naming sabihin. Baka absent kasi may sakit o baka nasa canteen bro" sabi ni Lordson.
"May gusto ba kayong sabihin sakin?" seryoso kong sabi sa kanila. Last Chance na nila ito. Kung hindi sila magsasabi ng totoo sorry nalang.
"Wala daw tayong pasok mamaya Paul kaya pwede na umuwi lahat ng mag-aaral" biglang sulpot ni Princess sa likod ko. Siya ang parating nag-aannounce ng mangyayari sa loob ng classroom namin bilang isang Presidente dapat respetohin siya.
"Ok. Salamat" hinarap ko na siya.
"Narinig ko na nakauwi na sina Tita Sophia at Tito Peter, Paul? Kumusta sila?" tinutukoy niya ang Mama at Papa ko. Close kasi ang family namin.
"Ok lang naman. Sige Princess may pupuntahan pa kami eh. Ingat" sabi ko
Kumaway ako sa kaniya. Ngumiti lang siya na parang may kung anong sinasabi ang mata niya. Yung feeling na may mabigat siyabg problema.
"Bro mukhang gusto ka ni Princess ah?" sabi ni Patrick
"Wow! Swerte mo bro. Matalino, maganda, Ms. Intrams at Mabait ang nagkagusto sayo" sabi ni Lordson
"Gusto mo sayo nalang? Alam niyo naman kung sino ang gusto ko diba?" frustated na sabi ko. Bakit kasi di ko siya makita-kita ngayon. Saang lupalop ba siya nagtatago o nagpunta? Iimbitahan ko sana siya para bukas, magdi-dinner kasi kami sa bahay at dadalhin ko sana siya para ipakilala.
"Bro punta tayong Mall tara!" inakbayan ako ni John parang iniiwasan nilang pag-usapan si Lelaine.
"Oo nga. May bibilhin tayo bro." sinuportahan naman ni Patrick ang sinabi ni John.