High School Unlimited - Secret Love

180 2 3
                                    

M.U. Madramang Usapan

(seriously, madrama talaga sya.)

by: Monii

Introduction

St. Monique Academy High School Department. Ito ang paaralan kung saan umiikot ang buhay naming tatlo. Ako, si Yuhee at si Casy. Ang lugar kung saan ka maaaring mangarap, umibig, mapahiya, lumuha, madapa, at maligaw. . .

Maligaw.. malamang!

malaki ang school eh.. kya dapat stay close ka lang sa department niyo. huwag nang magagagala sa Grade-school at College Dept.

STUDENT'S PROFILE:

Name: Maria Daniella Geneva N. Mendoza

Nickname: Madge

Personal Discription: (according to friends)

*Mabait

*Tahimik

*Mahinhin

*Matalino

*Pinakamatino saamin

*In-Love kay Zac.

Name: Zachary Kristian A. Merabella

Nickname: Zac / Zakky

personal description: (according to most people)

*Gwapo

*Popular

*Magaling sa sports

*Hot and Sexy

*Super Talino

*Mahal na Mahal ni Madge

*Mahal na Mahal si Madge

*Pinsan ni Joshua

Chapter 1 

.Ang buhay pag-ibig ni Madge. 

ay ako yun.. hehe..

Ako nga pala si Madge, Maria Daniella Geneva Mendoza ang buo kong pangalan. Ako'y isang ordinaryong mag-aaral ng St. Monique High School. Simple lang naman ang aking “rules of survival”. Mag-aral ng mabuti, Iwasan ang “girl drama” at higit sa lahat, BAWAL  ANG BOYFRIEND. Nasa ikatlong taon na ako sa high school at noon pa man ay mayroon na akong pagtingin sa kamag-aral  kong si Zac.  Hindi niyo naman ako masisisi. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Bukod sa gwapo, mabait, at likas na palakaibigan, ay sadya  namang napakatalino niya. Sa katunayan, halos taon-taon ay siya ang napipiling kumatawan sa paaralan upang lumaban sa Math and Science Quiz. Subalit, hindi niya naman ako napapansin. Sa dinami-rami din naman kasi nang nahuhumaling sakanya, ay siguradong maliit pa sa butil ng bigas ang tyansa na mapansin niya rin ako. Siguro nga’y dapat na muna akong makuntento sa patingin-tingin lang, tutal alam ng puso’t isipan ko na wala kaming pag-asang magkamabutihan. 

Lumiban sa klase ang matalik kong kaibigan na si Yuhee, naospital daw kasi siya kaya nga bibisitahin ko siya mamaya at nasa bakasyon naman si Casy. Kaya Mag-isa lang ako buong umaga. Mag-isang nag-snack, mag-isang nag-momobilize sa mataong hallway ng Lapus Building. Sa di kalayuan, nahuli ko ang mga mata ni Zac at nginitian niya ako. Napansin ko na biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang ganda ng mga ngiti nya! at sa isang sulyap lamang noon, ay agad nang nakumpleto ang araw ko. Nang mapansin ko na napapatagal na ang titigan naming dalawa, ay bigla akong umiling palayo sa kanya. Hindi ko napansin na mas mapula pa sa kamatis ang mukha ko at unti-unting nagkakaroon na ngiti sa mga labi ko. 

"Madge! Madge! Uy!" tawag ni Cristina saakin habang papasok ng Science room. 

"teka? ba't ang pula pula mo? Nakita mo si Zac no?!"

High School Unlimited - Secret LoveWhere stories live. Discover now