Jacky's POV
Nasa madilim at masukal na lugar ako. Sugat sugat ang mga paa ko sa kalalakad. Sa di kalayuan namataan ko ang isang lalaking nakatalikod na tila may kausap din ngunit hindi ko maaninag kung sino. Sinubukan kong lumapit para makita nang masisinan ang dalawang lalaking nag-uusap. Habang papalapit ako sa kanila unti-unting kong narinig ang pinag uusapan nila.
"Alam mo ang ganda at ang bait mo...."
Ano daw? Tinry kong lumapit ng kaunti pa.
"Pagtulog. Amoy laway ka pa."
Aba aba. Konting lapit nalang makikita ko na kayo.. konting konti nalang ma---
KaBuuuuugsh!
"Araaaaaaaaaay!" Sabay hawak uko sa ulo at balakang ko.
"Wahahaha! Kung hindi pa kita hinulog di ka pa magigising Leigh." Tawang tawang sabi ni Tommy.
Lang hiya. Hanudaw?
"Hoy ikaw! Sino nagpapasok sayo?Ang laki mong istorbo ah." Na asar kong sabi.
"Si Mama. Bakit ba?"
"For your information noh, never pang nagkaroon si mama ng kabit at nagkaroon ako ng kapatid sa labas. Kaya wag mo syang matawag tawag na mama! Akin lang ang mama ko!" Sabi ko habang papalapit sa kanya.
"Mawalang galang ho. Magtoothbrush kna muna dahil nasusuffocate nako sa amoy patay na daga mong hininga!" Sabay takip nya sa ilong nya.
Ay grabe naman oh. Eh ako nacurious naman inamoy ko yung hininga ko. Pati ako napangiwi.
"Yak oo nga. Tabi na kasi jan!" Pagmamadali ko may pasok pa pala kmi.
Nagmadali akong naligo at nag ayos para pumasok.
Before anything else I'm Jacky Leigh Robertson ang bunga ng matamis na pagmamahalan nina Celestine at Timothy Robertson. Oh diba my name sounds mayaman. Haha. Pero kabaliktaran po kmi nun. Oo nga't napagkaitan kmi ng makinang na tahanan pero sagana naman sa pagmamahalan. Kasulukuyan kming nakatira sa isang simpleng bahay at simple ring namumuhay. Isang patunay na hindi hadlang ang kasalatan sa buhay para maging masaya.
Wala na akong mahihiling pa sa buhay. Araw araw kong ipinagpapasalamat ang lahat sa Poong Maykapal
Kasalukuyan pa akong nag aaral sa isang paaralang pang pampubliko bilang 4th year highschool. At yung kanina? Yung dahilan kung ba't ako nahulog? Yun si Cleign Thomas Rodriguez. Siya lang naman po ang ultimate bestfriend ko since childhood. Sa totoo lang ang gwapong nerd nitong kaibigan ko na to. Maraming nagkakagusto sa kanya pero napakapihikan. Minsan nga nasagi nasa isip ko na baka hindi babae ag tipo niya. Hihi.
"Jackjack anak! Ang tagal mo naman! Kanina pa naghihintay si pogi dto oh!" Sigaw ni mama mula sa baba
Dali dali akong bumaba.
"Ha?? Pogi? Asan? Asan? Asan?" Hanggang sa napalabas pa ako ng pinto. Pero wala akong nadatnan na poging nilalang.
"Ano kaba Jackjack andito ako sa sala oh!" Sigaw naman ni papa.
Si papa talaga oh.
"Ay oo nga pala ang nag iisang pinakapogi sa balat ng lupa!" Pabalik kong tungo sa sala kung saan naroon si Papa at si Tommy.
"Syempre naman kaya hindi ako maiwan iwan ng mama mo. E nung araw halos magkandarapa na yan kakahabol saakin." Patawang pahayag ni papa
"Hoy hoy hoy. E pano ko yan iiwan e nung isang beses na iniwan ko yan magpapatiwakal na sana. Hahaha." Bawi naman ni mama.
BINABASA MO ANG
Of All The Lies
HumorThere was this ordinary girl who was contented of what she have. What if fate disrupted her simple life? Matatanggap ba niya ang lahat? Ang pagpapanggap. Ang kasinungalingan. Ang paglaro sa kanya ng tadhana. Pagsubok ang naging dahilan ng pagk...