Chapter 1

24 0 0
                                    

Ang bilis ng mga pangyayari kung paano kami nagkahiwalay. Ang sugat na sariwa padin sa aking isipan. Ang oras na bumuhos ng malakas ang daloy ng tubig sa ilog sa kadahilanan araw iyon ng pagpapakawala ng tubig sa Dam.
.
.
.
.
Nakakatakot balik-balikan ang mga alaalang iyon ngunit hindi ko kailan man kayang kalimutan ang araw na huli ko siyang nakita.
.
.
.
.
"Bakit ba lagi kang may suot na lastiko sa kanan kamay mo Moises?" Ayan ang kadalasan tanong ng mga kamag-aral ko
"Aabutin tayo ng ilang oras dito kapag ipapaliwanag ko kung para saan at bakit suot ko ito kaya ipaubaya niyo nalang saken ito."
"Suuus! Sabihin mo pare, Kaya suot mo yan kasi hindi mo pa din nakakalimutan yung kababata mo"
.
.
.
.
Ito talaga si Lando, hindi matigil yung bunganga. At dahil lumipat sila ng bahay malapit saamin nung nasa elementarya palang kami sakanya ko nakuwento yung tungkol sa isang babaeng minsan naging parte at mananatiling parte ng aking kahapon.
.
.
.
.
Ako si Moises, Ikalawang taon ko na sa isang unibersidad sa may Intramuros. Sa totoo lang hindi ko aakalain na makakapasok ako sa isang unibersidad dahil mahina ang pangangatawanan ko at hindi kakayanin ang mahaba-habang lakaran kaya naman hatid-sundo ako ng magulang ko kahit nasa kolehiyo na ako.
.
.
.
.
Bakit kasi hindi padin mawala-wala yung tubig sa baga ko? Ang hirap palang mag-aral dahil maingay at magulo pero sa ngayon puro saya nalang ang nararanasan ko kasi alam ko sa sarili ko hindi na ako naiiba sa mga kaedaran ko at buti nalang kasama ko si Lando. Lalakeng daig pa ang mga babae kung mag-ingay at dumaldal.

*Classroom 
Me: Lando, Saan tayo kakain pagtapos ng klase natin?
Lando: Ahhh pre, Gusto mo sumama ka nalang saamin ng jowa ko sa canteen kami.
Me: Sige, Wala naman ako magagawa kung hindi sumabit nanaman sayo. haaaay!
Lando: Ayoooos! Sagot ko nalang lunch mo para medyo cool ako sa patingin ng jowa ko. HAHA
Me: suuus! sa pagkakakilala ko sayo, wala naman tumatagal na babae sayo.
Lando: Loko ka baka may makarinig sayo. wag kang maingay. Bwahahaha
Me: Oo na! Sige na, bumalik kana sa upuan mong lintik ka. 
.
"Goodafternoon class, Get 1/4 sheet of paper. We have a short quiz today then dismiss." Ang bungad ng prof sa klase namin. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makakain ako ng maaga o mabwibwisit ako dahil nagpa-surprise quiz tong professor namin.   
.
.
Pagkatapos ng walang hustisya quiz sa subject namin pinuntahan namin yung jowa ni Lando sa canteen at kumain pero pagdating namin doon sinalubong ang kaibigan ko ng sampal at sinabing break na sila dahil manloloko siya.  Sobrang tinik talaga nitong si Lando sa mga babae kaya minsan ako ang naiipit sa babae niya.
.
.
.
.
Noong isang araw nga ay may lumapit saking isang babae. Humihingi siya ng tulong at nagtatanong ng "paano ba makalimot?" gawa ng pag-iwan sakanya ng kaibigan ko. Grabe talaga itong si Lando, ginagawa laruan ang mga nagiging kasintahan niya pagkatapos gamitin ay iiwan luhaan, kaya ang mga babae ay nawawalan ng tiwala sa aming mga lalaki dahil sa tulad ni Lando.
.
.
.
.
Kapag kasama ko si Lando, pakiramdam ko lahat ng babae ay nakatingin saamin hindi dahil malakas ang aming dating kung hindi dahil nagawan na ng kasalanan ni Lando ang mga babaeng iyon.
.
.
.
.
Hanggang sa nakapagtapos kami ng pag-aaral, hindi padin matigil ang kamandag ng kaibigan ko at patuloy padin ginagawa ang mga paraan nung kami'y nag-aaral pa.
.
.
At dahil dito, Dumating ang araw na nagkamali si Lando sa isang babae at nabuntis niya ito ngunit ayaw panagutan ang babae. Nagkaroon ng demandahan at umabot sa korte ang kasong isinampa sa kaibigan ko.
.
.
.
.
Dahil tapos ako ng abogasya, Ako ang tumayong abogado ng aking kaibigan. Hindi na din naman bago saken ang kaso hinahawakan ko tulad nito ngunit pakiramdam ko ay iba ang mangyayari. Kinakabahan ako at hindi ako mapakali sa aking kinakatayuan habang nagsasalita ang hukom sa aming harapan.
.
.
.
.
Isang pamilyar na babae na parang nakita ko na kung saan, Singkit ang kanyang mata, Morena at nakaipit na asul ang kulay.  Hanggang sa nagpakilala kaming dalawang abogado na kadalasan ginagawa sa unang pagpupulong sa korte.
.
.
.
.
Ako ang unang nagpakilala at sumunod ang aking katunggaling abogado, Sidney Lopez ang kanyang ngalan. Bigla may sumagi sa-aking isip ng oras na iyon na at napaisip na may kilala ako nagngangalan Sidney.
.
.
.
.
"Ako nga pala si Sidney, Ang paborito kong kulay ay asul kaya ito lastiko ito na pang-ipit ko sa aking buhok ay asul. Iyo nalang! Para hindi moko makalimutan"

.
Tama! Siya nga yun, Yung babaeng kasama ko sa ilog kung saan ako naaksidente sa kadahilanan nagpakawala ng tubig sa Angat Dam nung araw iyon. Naaalala niya pa kaya ako? Siguro hindi na pero susubukan ko, pagkatapos nito kakausapin ko agad siya.
.
.
.
.
Noong nakita ko siya sa paradahan ng mga kotse, agad ko siyang nilapitan at nagpakilala pero tinitigan niya lang ako at sinabihan na wag ko daw siyang kausapin dahil magkalaban kami sa korte. Napaisip ako kung alam niya bang ako yung kasama niyang naaksidente o baka hindi niya lang matanggap na nalamangan ko siya sa korte kanina, kaya't hinayaan ko nalang muna.
.
.
.
.
Makalipas ang halos isang taon naming pagtutuos, nagkaroon na ng hatol ang hukom at pinawalang sala ang aking kaibigan na si Lando dahil napatunayan namin hindi siya ang ama ng dinadala ng nagrereklamo. Ngayong tapos na ang kaso, kailangan ko na alamin kung siya ba talaga ang kababata kong nagbigay sa akin ng Asul Na Lastiko. Isinuot ko iyon sa kanan kamay ko at lumapit sakanya.

Me: Sidney! May gusto lang sana ako itanong sayo, Naaksidente kaba nung bata ka?

Sidney: Oo, Sa bulacan kasama ko yung kababata kong lalaki si Moimoi sa ilog, nagkahiwalay kami dahil rumagasa yung tubig at nadala ako sa agos ng tubig. Mabuti na lamang ay may nakapulot saken at sila ang naging dahilan kung bakit ako nandito. "Pangarap namin dalawa ang maging abogado!"

Me: Ikaw nga yung matagal ko na hinahanap. Sidney! Ako to, si "Moimoi" yung kasama mong naaksidente nung araw na iyon, Ito oh yung binigay mo saken asul na lastiko, naaalala mo ba?

Sidney: Moi! Kay tagal ko pinagdarasal sa panginoon na magkita na tayo. Nawalan nako ng pag-asa ng nabalitaan ko sa lugar natin hindi ka raw nakaligtas nung araw na naaksidente tayo.

Me: Hindi Sidney! Ito ako oh, Buhay na buhay. Alam mo bang sa tuwing umuuwi ako ng bulacan, pinupuntahan ko yung ilog kung saan kita huling nakasama at nagbabakasakali ako doon bumalik ka roon.

Sidney: Dalawang beses ko sinubukan balikan yung lugar na iyon subalit sa tuwing nakikita ko ang lugar na iyon. natatakot lang at naiiyak dahil ikaw ang naaalala ko.

Me:  Kalimutan na natin ang nakaraan Sidney, Tignan mo tayo ngayon oh pareho natin nakamit ang pangarap natin at  sino ba naman mag-aakala dito tayo magkikita sa korte na magkalaban pa tayo sa isang kaso."

Sidney: Oo nga, 1-0 na tayo ah. susunod hindi nako papayag na tatalunin mo ulit ako.

Me: Sige ba! May The Best Abogado wins. Hanggang sa muli Sidney. 

Sidney: Paalam. 

*Shake hands!
.
.
Muntik nako sumuko sa paghahanap kay Sidney, Sa babaeng matagal ko na iniibig. Sa ngayon masaya ako na nagkatagpo muli kami at parehong namin nakamit ang pinangarap na maging abogado noon.
.
.
Ngunit kailan ko kaya masasabi ang tunay ko nararamdaman para kay Sidney? 

Blue RubberbandWhere stories live. Discover now