Chapter 2

18 0 0
                                    

(Sidney POV)

"Kumapit ka lang saken Sidney" Ayan ang huling salita naaalala ko bago kami magkahiwalay ni Moimoi. Tinangay na ako ng tubig hanggang sa hindi ko na alam ang susunod na nangyari saakin. 

Pagkagising ko, Isang boses ng matandang babae ang naririnig ko "Hay salamat gising kana iha! Halos isang araw ka din natutulog simula nung nakita ka namin ng asawa ko."

"Nasaan po ako?" Mahina boses ko sinabi sa babaeng nasa harapan ko. 

"Andito ka sa aming bahay na malapit sa Angat Dam, Kaya ka namin nakitang walang malay" Tugon ng matandang lalaki saakin.

"Si Moimoi po, Andito din po ba siya?" Tanong ko agad sakanila mag-asawa

"Iha! ikaw lang mag-isa ang nakita namin walang malay nung araw na iyon" Paliwanag ng matandang babae saakin.

*Pinipilit ko itayo ang aking katawan pero kahit umupo ay hindi ko magawa. Iniyak ko nalang ang nalaman ko mag-isa lang ako nakita ng mag-asawa sumagip sa akin buhay.  Walang araw na hindi ko inisip ang trahedya naranasan ko. Nakakatakot at Nakakaiyak sa tuwing naalala ko iyon.

Makalipas ang ilang taon, Ako'y magtatapos na sa high school at kukuha na ng kursong abogasya sa kolehiyo dahil ayun ang pangarap namin dalawa ni Moimoi. 

"Atty. Sidney Lopez" Sarap pakinggan diba Inay? Tanong ko sa kumupkop saakin

"Oo anak!" Sobrang nakakatuwa kang makita maging matagumpay balang araw at dala dala ang ala-ala ninyo ng kababata mo.

"Ay oo nga po pala Inay at Itay, Pwede ninyo po ba ako samahan sa lugar kung saan niyo ako nakita" Pakiusap ko sakanila

"Kung ayon ang gusto mo anak, Sasamahan ka namin doon" Antayin mo kami sa labas. Sabi ng mag-asawang kumupkop saakin.

Inabot din ng 30 minuto simula saamin bahay hanggang sa lugar kung saan ako natagpuan. Pagkakita ko palang sa tubig na umaagos, hindi ko na napigilan umiyak at sumigaw na. "Moi! Kung asan ka man, ipapangako ko sayo TUTUPARIN KO YUNG PANGARAP NATIN DALAWA.

Ipinag-tanong tanong din namin sa mga tao doon kung mayroon sila nabalitaan batang lalaki natagpuan sa lugar na iyon ngunit ni isa walang nakapagsabi saamin mayroon sila natagpuan. "Mas masakit tanggapin ang pagkawala ng Taong hindi mo alam kung buhay paba o hindi na kesa sa Taong kasama mo hanggang sa huling hininga niya." Ayan ang nasa isip ko habang nasa harap ng ilog na iyon. 

Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ng abogasya sa isang unibersidad sa Maynila tulad na naipangako ko saakin kababata. Namuhay ako mag-isa at hinarap ang mga pagsubok saakin pagtupad ng amin pangarap ni Moimoi. 

"Uy Sidney! Baka magkasakit kana niyan sa ginagawa mo?" Nag-aalalang tanong saakin ng ka-trabaho ko sa isang restaurant

"Hindi naman siguro" Pagod na pagkakasabi ko sakanya.

"Anong hindi, Ehh kung ikukumpara natin yang katawan mo nung unang pasok mo dito ibang iba na yang pangangatawanan" Sobrang payat mo na kaya! Pasigaw na isinagot saakin.

"Kailangan ko magtrabaho para may pang-gastos ako sa araw-araw, Kaya please wag moko isusumbong kay boss" Pakiusap ko sakanya.

"Osige na! Ako na tatapos niyan ginagawa mo at magpahinga kana dun Sidney" Kinuha niya yung mop saakin at siya na talaga ang nagpatuloy ng ginagawa ko.

Sobrang nakakapagod din talaga maging working-student. Kailangan ko pumasok ng maagang  maaga sa school sabay diretso sa pinagtratrabahuhan hanggang closing na ng restaurant iyon pero hindi padin ako susuko dahil isang taon nalang naman gragraduate na ako at makakapag take na ako ng bar exam at sigurado ako papasa ako doon kasi hindi naman ako nagiisa, kasama  ko si moimoi sa puso't isip ko sa pagtupad nito.

Dumating na nga yung araw na inaantay ko. Nakapasa ako. Tinawagan ko agad yung kumupkop saakin upang ibalita ito.

"Inay! Naipasa ko yung exam. Magiging Abogado nako." sobrang saya ko sinabi sakanya

"Talaga? Congrats anak! Isa kana ganap ng abogado niyan." Sagot saakin ni Inay

"Opo opo! Luluwas po ako diyan para i-celebrate natin itong pag pasa ko ah" Excited ko sinabi kay inay.

"Sige anak, Aantayin ka namin sa terminal ng bus. Magiingat ka ah!" 

*Ngayon isa na ako ganap na Abogado, natupad ko na ang pangako ko kay Moimoi. Ako na si Atty. Sidney Lopez.... Bumalik ako doon sa ilog at itinaas ang license ko sabay bigkas "Moi! Natupad ko na ang pangarap natin dalawa, Sana andito ka sa tabi ko at sabay natin natupad ang pangarap natin." Tumulo ang luha ko at  bakas padin saken mukha ang lungkot sa nangyaring trahedya sa lugar na iyon. Nagdidilim nadin noon kaya umalis nadin ako at umuwi saamin bahay upang makapagpahinga. 

*6 months na nakalipas, Nagkaroon na ako ng isang kaso susubok sa akin kakayanan bigla isang abogado. 

"Ma'am! Gusto ko lang ipaalam sainyo, dapat alam ko lahat ng nangyari upang mapadali itong kaso at maipanalo natin to" Bungad ko sa client ko bago kami pumasok sa loob.

"Nasabi ko na po sainyo lahat attorney" Sagot niya saakin

"Mabuti na yung malinaw at nagkakaintindihan tayo" Tara pasok na tayo.
(Pumasok na kami sa loob) 

Nakaramdam ako ng kabog saakin dibdib ng pagkapasok ko kaya't kinausap ko ang aking sarili "Sidney! Kaya mo yan. Para kay Moi, ipanalo mo yang kaso hawak mo" Oo Tama! ipapanalo ko to dahil ako ang mas magaling saamin nito ewan na lalaki sa kanan ko na kung makatingin akala mo hindi abogado.

Unang nagpakilala ang aking kasama abogado na nagngangalan Atty. Moises Reyes. Sumunod ako magpakilala at nakita ko parang nagulat at parang nagtataka ang kalaban ko abogado pero dedma lang ako. Baka tactics niya lang iyon para maipanalo ang kaso.

Pagkatapos ng sesyon lumabas agad kami ng client ko upang mapag-usapan ang susunod na plano ngunit nakita ko yung abogadong ewan na parang gusto kaming kausapin kaya hinarap ko siya ng mataray at masungit ng abogado. 

"Anong kailangan mo?!" Pasigaw ko sinabi sakanya

"Aa ako nga pala si Moises"

"Oo kilala kita, At magkalaban tayo sa kaso ito kaya pwede lubayan mo kami" Hindi pwede yang ginagawa mo lumalapit sa kalaban mo sa korte.

"Chill! Mukhang mainit ang ulo mo miss Sidney" Sige see you on court nalang kung ganun. *Tumalikod at naglakad na palayo.

Disyembre 12 iyon, ang huling araw at malalaman na ang hatol ng hukom sa kaso hawak ko. Maaga ako nag-bihis at dumiretso na agad sa korte. Sa sobrang excited ko, ako ang nauna sa lahat ng tao sa korte at may pakiramdam ako may mangyayari hindi ko inaasahan. 

So ayun na nga, hindi ako nanalo sa unang kasong hinawakan ko at pinawalang sala ang client ng kalaban ko. Pero bakit parang hindi ayun yung kutob ko mangyayari hanggang sa lumapit yung Moises na iyon may itanong saakin.

"Naaksidente kaba nung bata ka?" Tanong niya saken, Nagulat ako sa tanong niya iyon

"Oo! Kasama ko yung kababata ko si moimoi, naaksidente kami sa Bulacan" Sagot ko sakanya

"Moimoi? Ikaw nga, Si Sidney! Tignan mo to, Yung Asul Na Lastiko bigay mo saken ito bago tayo magkahiwalay noon. Naalala mo ba?

"MOIMOI! Kay tagal ko ipinagdarasal sa panginoon, ilang beses din ako pumunta sa ilog kung saan tayo nagkahiwalay. *naiiyak na sagot ko sakanya

"Kalimutan na natin ang nakaraan Sidney, Ang mahalaga nagkita na ulit tayo at kita mo naman sa isang korte pa. Pareho natin nakamit ang pangarap natin

"Oo nga, So paano 1-0 tayo ah. Susunod hindi nako papayag na matatalo moko" Pursigidong sagot ko sakanya

"Sige ba, May The Best Abogado Wins Hanggang sa muli" Sabay pag-abot ng kanan kamay niya saken na parang makikipag shake hands.

"Paalam Atty. Moises!"

.

.

.

.

.

.

To be continued

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blue RubberbandWhere stories live. Discover now