Mae's POV
"Oh my gosh!"
"Besty? Nicole?!" ani ko habang ako'y di pa rin makapaniwala.
"Oh em gheeee!! Besty!!! Maeeee! My ghad!" ani niya habang humihiyaw.
Napapatingin tuloy ang ibang estudyante sa amin.
"Hala uy shhh adik ka wag ka maingay!" sabi ko habang sumesenyas sa kanya na huwag siyang maingay.
Nakuha naman niya iyon at lumapit sa akin.
At niyakap ako aba namiss ako ng babaitang ito."Besty my ghad lalo kang gumanda!" papuri sa akin.
"Eh besty ano nangyari sayo? Nanaba ka? nabuntis ka na ba? Ghad besty! Isinuko mo na agad ang bataan?!" sabi ko ng may halong pagkagulat.
*Pak*
"Aray naman Nicole! Di ko alam kung kasama yan sa paglilihi mo! Pero wag kang nang hahampas!" ani ko habang himas himas ang arm ko.
"Gaga di ako buntis! Masarap lang talaga kumain!" sabi niya habang naka pout. Pacute ang batuta.
"Ay Hahahahaha sorry na!" habang naka peace sign na sabi ko.
"Teka anong section mo?" bigla kong tanong.
"Section 1A, Eh ikaw ba?" nagtatakang tanong rin niya.
"Gaga pumunta na tayong room malalate tayo anong oras na oh! 7:00 klase natin halika na kaklase kita bilis!" ani ko habang nagmamadali.
Lakad takbo ang ginagawa namin habang papuntang classroom.
Paano naman kasi Phase IV yun room namin at 4th Floor pa ito. Jusmeeee!
Nang malapit na kaming room inayos muna namin ang sarili namin.
Kakatakot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.
Nagulat ako kung sino ang iniluwa nito.
Ang kaniyang Ex boyfriend noong high school.
Mahal niya pa ito. At hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakamove on dito.
"Joshua Pioree."
YOU ARE READING
Oo nga pala, Hindi nga pala "TAYO"
RomanceNaranasan mo na bang umasa? Umasa sa taong mahal mo? Na kahit alam mong hindi KAYO Ay yun pag ibig mo patuloy paring dumadaloy para sa kaniya. Ikaw ay aking inaanyayahan na basahin ang istorya ni Mae Andreda. Isang babaeng pinaasa ng lalaking hihint...