Chapter 1

1 0 0
                                    

Star POV

"Parating na ang P.R.B.G!"

Ang maiingay at masasayang mga estudyante ay biglang tumahimik at nagsimulang matakot...

Ang iba ay natigil sa pagkukwentuhan ....ang iba naman ay nanatiling nakatayo sa pwesto nila...

Samantala, ang iba naman ay busy sa pagsipat sa mga parating na estudyante

Nandito ako sa glassarea kung saan wala halos tao

Mula dito, natatanaw ko ngayon ang paglalakad papasok ng apat na lalaking bumubuo sa tinatawag nilang P.R.B.G; Power Respect Bravery Gang

Ang grupong sinasabi nilang pinakamakapangyarihan DAW sa lahat

Ang grupong tinitingala at nirerespeto DAW di lang ng mga estudyanteng nandito kung di pati na rin ng mga estudyante sa ibang paaralan na kadestrito namin

At ang grupong kung saan takot DAW sa kanila ang lahat at walang sumusubok na kalabanin sila kahit na ang iba pang gang groups

Pero ibahin mo ako...

Para saakin, si God pa rin ang pinakamakapangyarihan at pinaka dapat irespeto at tingalain sa lahat

Ni kahit 1% na respeto o takot sa kanila, di ko nararamdaman

Wala naman talaga akong pakialam sa kanila eh

Kahit sila pa ang may-ari ng eskwelahang ito

Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa apat na lalaking nandun ngayon sa gitna ng field

Mula sa pinakalikod, dun laging nakapwesto si Wilbrylle Sumilang; ang mahiyain, tahimik at halos walang imik sa kanila sa grupo. Lagi siyang nakasimangot at parang laging may problema.Pero kahit ganun,gwapo pa rin naman DAW ito. Ok lang naman ang itsura niya, sadyang di lang ako tinatamaan ng mga kagwapuhan ng mga lalaki ngayon... ewan ko ba

Sa bandang harapan naman niya sa may bandang kaliwa, nandun ang nakangiting kumakaway na si Tyler Clay Sandroval , ang playboy type naman sa kanila. Halos every week, iba iba ang nagiging girlfriends nito. Minsan pa nga, sabay sabay pa sa isang araw ang mga babae niya.

Syempre, gwapo din DAW ito kaya nga maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. At isa pa, happy go lucky siya sa buhay

Sa bandang kanan naman ni Tyler ay si Dustin Blue Mendrez, ang genius type naman sa kanila. Ito ang nanguguna sa batch namin (oo,kabatch ko siya, magkaiba lang ang course namin) at president din siya ng ilang clubs ng school na ito. Halos lagi mo siyang makikitang hawak ang libro at hindi katulad ni Tyler, hindi siya interesado sa mga babae. Pero nagkaroon naman na DAW ito ng girlfriend. Gwapo din naman DAW ito kahit na may suot siyang salamin

At ang pinakahuli, ang nasa harap nilang lahat na nasa gitna;katapat ni Wilbrylle at pinagigitnaan nina Tyler at Dustin,nandun ang leader ng gang nila na si Ghost Reid Escobar. At base sa pangalan nitong ghost, itsura pa lang,nakakatakot na. Pero kahit ganun,sobrang gwapo pa rin DAW nito. Lagi siyang seryoso pero sabi ng iba,hihimatayin ka DAW pag nakita mong ngumiti at tumawa ito. Halos natatakpan ang kanang mata nito ng buhok niyang purong itim. Sabi nila,kaya niyang magpatumba nang 15 na lalaking malalaki ang katawan itself. Kaya nga siya ang leader ng gang nila. Pero pinagdududahan ko iyon, dahil mukhang masungit lang ang isang to kaya marami ang takot

"Mukha naman siyang mayabang" bulong ko pa sa sarili ko

At silang apat ang bumubuo ng P.R.B.G. Bukod pa run,silang apat din ang may ari ng eskwelahan na pinagaaralan ko ngayon.

Mayayaman sila. Kung ang mga nagaaral dito ay puro elite, mas mayayaman pa rin silang apat.

Kaya siguro ganyan sila umasta. Bulong ng isip ko

"Wishing Star!" Napalingon ako sa tumawag saakin. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Tara! Pasok na tayo sa room!" At sabay hila saakin.

Siya naman si Sopia Isabelle Rhias, ang bestfriend ko at masasabing nagiisang kaibigan. Bakit ko nasabi? Malalaman niyo rin. Katulad ko lang siya, isang average na mamamayan di tulad ng lahat ng estudyante rito.

Pero di tulad ko, nagbabayad siya ng buo para sa tuition fee. Ayaw kasi niyang mag apply bilang scholar.Di tulad ko,scholar ako ng paaralang ito. Walang bayad ang sa tuition. Pero kasabay nun ay ang pagiging 'janitor' mo sa classroom niyo at dahil doon...

"There you go. The janitor already arrived, at last. Tara let's start the party" at pagpasok namin,nagbatuhan na ng mga papel kung saan saan. Halos tamaan na nga kami eh.

Nagtagal ng ilang minuto ang batuhan. At nang matapos na, nilapag ko na ang mga gamit ko sa upuan at nagsimulang magwalis at magpulot ng mga kalat

"Hahaha. Yan ang nababagay sayo. Ang kapal kasi ng mukha mo para magaral dito. Di ka ba na-a-out of place? Wala kang mga mamahaling bagay tulad namin. At luma lang ang mga gamit mo. Hahaha. Anyway,here" sabay buhos niya saakin nang tubig. Naririnig ko pa ang tawanan ng buong klase "That's what you deserve" at kahit basa na ako,tinapos ko pa rin ang paglilinis ko

Nang matapos ako,agad akong nagpalit ng bagong uniform. Sanay na ako dito. Halos araw-araw na nilang ginagawa saakin yun. Simula nang pumasok ako sa paaralang ito,puro pangungutya,panlalait at pagmamaliit na ang nararanasan ko. Tama naman kasi sila, di ako nababagay dito. Di ko kayang bumili ng mga mamahaling gamit. Ni palitan nga ang bag ko,di ko magawa.

Di ako mayamam at sunod sa layaw katulad nila. Pero di tulad nila, ako,sigurado akong may direksyon ang buhay ko. May determinasyon ako at handa sa pagsubok ng buhay. Marunong akong magpahalaga kahit sa napakaliit lang na bahay.

Ako nga pala si Star Miracle Faith, pilit na tinitiis ang pakikitungo ng mga taong nasa paligid ko para sa pangarap nang mga magulang ko. At sa kuya kong nagturo saakin maging malakas at matatag.

d

Garden of StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon