Star POV
Pagbalik ko ng classroom namin, sakto namang pasok din ng teacher namin.Since first day, kung ano ano lang ang pinagawa samin. Pero kahit boring,kailangan ko pa ring makinig at gawin yun.
Halos makatulog na ang buong klase nang tumunog na ang bell
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Sa wakas at break na rin
Nandito kami ngayon ni Sophia sa locker area para magsauli ng mga gamit na di na namin kailangan. Medyo maraming estudyante ngayon dahil nga break time.
Yung iba naman,nagkukwentuhan lang at busy magtawanan.
1 hour kasi break dito. Nakakatawa nga eh
Nang matapos na kami ni Sopia,biglang nagkaroon ng bulungan. At biglang nagkagulo. Kaya pinuntahan namin iyon at pati kami, nabigla
"Oh my gosh. Sign of PRBG"
"Ano kayang ginawa niya?"
"For sure, yari siya"
"Nakabangga niya ata kasi si Reid"
"Kawawa naman siya"
Iyan ang usap-usapan. Pagbukas kasi nung lalaki nang locker niya, wala na ang mga gamit niya at may nakasulat doon gamit ang pintura
P.R.B.G : BE CAREFUL. YOU'RE DEAD
Marami na ang nabigyan ng ganyang banta. At sa lahat ng nabibigyan ng ganyang banta, lahat sila lumilipat ng school kinabukasan.
Kaya duda ko, baka pati siya,bukas wala na rin dito dahil sa takot. Kaya walang kumakalaban talaga sa PRBG. Bukod kasi sa mayayaman sila, maimpluwensya at matatawag nang makapangyarihan sila.
Di lang sa locker kung magbanta sila. Sabi nila,swerte ka pa pag sa locker ka lang sinulatan ng P.R.B.G. Mas malala daw kasi kapag nabigyan o nakatanggap ka ng black card at doon nakasulat sa pulang letra ang "P.R.B.G: BE CAREFUL. YOU'RE DEAD"
Lalo tuloy akong nainis sa grupong P.R.B.G. Wala silang mga puso. Porkit sila ang may-ari ng eskwelahan na ito,ang lakas ng loob nilang mag hari-harian dito.
"Tara na,Wishing Star. Kain na tayo" yaya saakin ni Sophia.
Siguro nagtataka kayo kung bakit Wishing Star ang tawag niya saakin. Kasi ang katumbas daw ng Miracle at Faith ay kayang mabigay at makuha sa Wishing Star. Yun ang sabi niya eh
Habang nakain kami, napag-usapan naman namin ang P.R.B.G
"Grabe talaga. Ano kayang nagawa ni kuya at nakatanggap siya ng banta sa P.R.B.G? Pero isa lang ang nasisiguro ko. Kailangan niyang lumipat dahil kung hindi, yari ang buhay niya" sabi niya habang nakatingin sa malayo
"Mga walang puso talaga ang P.R.B.G. Porket mayayaman at may-ari nitong school,kung umasta sila parang sila ang Diyos. Nakakairita" sabi ko naman sabay kagat sa sandwich ko
"Eh sila ba naman galing sa prominenteng pamilya eh. At saka, gwapo. Lalo na si Ghost Reid Escobar. Hihihi"
"Sus. Ano namang kinagwapo nun? Mukha namang mayabang. At tsaka mukha yung masungit" sabi ko naman sa kanya
"Anyway, bahala ka kung yan ang tingin mo. Let's change the subject na lang. Inis na inis ka na kasi eh. Sorry pala ha. Di man lang kita natulungan kanina. Alam mo naman kasi" sabi niya at bigla siyang nalungkot
"Ano ka ba naman? Ok lang yun. Kesa naman madamay ka ulit tulad ng dati" sabi ko sa kanya sabay hug sa kanya
Panandaliang nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Tinapos na rin namin kasi ang mga kinakain namin. At bigla siyang nagsalita ulit
"Bakit ba kasi hinahayaan mong apihin ka nila? And seriously, paano ka nakatagal dito nang halos tatlong taon na ganyan ang pakikitungo nila sayo?"
Base kasi sa kwento ko sa kanya, simula pa lang,ganyan na sila saakin. Lumipat kasi siya sa school nito last year lang.
Ang sabi ko sa kanya,nasanay na rin ako. At saka sayang naman yung 3 years kung aalis ako dito. Dalawang taon na lang naman,ga-graduate na ako sa course kong HRM. Kaya tiis tiis lang
"Bilib talaga ako sayo. May determinasyon ka. Matapang. Matatag. Ikaw na" at sabay kaming tumawa dalawa
Nang bumalik kami sa classroom,as usual, maingay ang classroom. Tahimik lang ako sa upuan kong nagbabasa ng libro. Nang dumating ang teacher namin, tumahimik din sa wakas ang classroom
At hayun,tulad ng iba,halos walang saysay at walang nagturo ng lesson. Buti nga,puro kwento at wala silang pinagawa
Lunch break na. Isang subject na lang at uwian na namin. Busog pa ako kaya napagpasyahan kong umakyat sa rooftop nitong school.
Second time ko pa lang aakyat papunta dito. Nang makaakyat ako,tanaw na tanaw ko ang buong lawak ng school grounds na ngayo'y napakaraming estudyanteng nakatambay.
Grabe! Ang peaceful sa pakiramdam. At ang lakas ng hangin. Kaya napagpasyahan kong umupo sa nagsisilbing harang nito. Gawa sa semento. Kakaupo ko pa lang nang may marinig akong magsalita
"Delikadong umupo dyan. May namatay na" halos mahulog ako sa gulat sa taong nagsalita. At doon ko nakita kung sino iyon.
Tumayo si Wilbrylle mula doon sa isang nakausling semento na nagpapahiwalay sa dalawa dito sa rooftop. Bumaba ako at saka sinabing "Sana di ka nanggulat. Mas malaki ang posibilidad na nahulog ako dahil sa ginawa mo. Buti na lang nakakapit ako. At saka teka, di ba ikaw si Wilbrylle Sumilang? Di ba dapat kasama mo ang P.R.B.G?"
Naalala ko kasi ang inis ko sa kanila. Mga walang puso
"Sorry kung nagulat ka. Di ko sinasadya. Lagi akong nandito. At saka bakit ang sama mong tumingin?"sagot niya saakin pero ang cold lang ng boses niya
"Wala. Sige aalis na ako" at umalis na nga ako.
Nakakainis! Sa dinami-dami nang pwedeng nakatambay doon, bakit kailangan na member pa nang gang na yun?
Pero kasi sa pakikitungo niya, parang mabait naman siya?
Hay!! Ano ba tong iniisip ko?
Naglakad na ako papunta sa classroom namin. Napag-alaman kong wala ang teacher namin para sa next subject kaya bakante na kami. Napagpasyahan kong naman nang umuwi.
Pumunta ako kung saan ko iniwan ang bisikleta ko. Ito kasi ang gamit ko para makapunta at makauwi mula dito sa school.
G:e_܊,
BINABASA MO ANG
Garden of Star
RomanceMasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... Masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... At higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...