April 20, 2030
" Tita, saan ko po ito ilalagay? " Sabi ng pamangkin kong si Camille habang bitbit ang kahon na maliit.
"Dito nalang sa tabi ko, titignan ko pa kung ano ang nasa loob niyan." Ani ko. At agad-agad naman niya itong inilapag.
Kasalukuyan kasi akong nalilinis ng mga gamit, matagal na panahon na rin na hindi ko nagamit ang kwartong ito.
Binuksan ko kaagad ang maliit na kahon para maitapon ko na ang dapat itapon at itabi ang mga kakailanganin pa.
Bigla akong napangiti ng bumungad sa akin ang isang kulay itim na notebook. Kaagad ko itong kinuha at pinunasan dahil nasakop na ito ng alikabok.
"Ano 'yan tita?" Tanong ni Camille.
Binuksan ko ang pahina nito. Tama ako!
This journal is belong to
Love Alexandra Denuman"Journal ko." Sabi habang naka-ngiti.
"Hala! Tita, basahin natin." sabi niya saakin habang dali-daling lumapit sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya.
Huminga ako nang malalim.
Handa na akong balikan ang nakaraan.
YOU ARE READING
Take Me Back To The Past (On-going)
Teen FictionNew title: Take Me Back To The Past Old title: Diary ng Bitter Updated: April 24, 2020 Status: On-going