Chapter 9

3K 53 1
                                    




"O-oo..." Nagsinungaling si Mia. Hindi niya aamining halos kalahati na ng puso niya ang umiibig kay Idan.

"May balak ka pa bang mag-asawa?"

Papilig na umiling ang ulo ng dalaga. "Masyado nang personal ang mga tanong mo, sir."

"Answer me,"giit ni Idan.

"Let me go, please"

"I desire you, Mia. Habang may relasyon tayo, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo—except marriage, of course."

Pumikit si Mia para hindi mabasa ng lalaki ang mga mata niya. Being married to Idan Alvarez would be a dream true! Pero mananatili lang na panaginip ang ganoon.


"H-hanggang kailan ang—ang relasyon...?"Hindi niya natapos ang tanong.

"Kung hanggang kailan natin gusto."

"T-two months and a half?" Ewan kung saan nanggagaling ang mga tanong niya. Interesado ba siya...?

"Why not?" Isang bahagi ng sarili ni Mia ang tila biglang nagrebelde. "Remember what Jerome said about you being uptight and immature? That you're frigid and cold?" Nang-uusig rin ang mga tanong na nagpapaalala sa pangit na tagpo ng maikling kumprontasyon nila ni Jerome noon.

Masakit masabihang hindi kumpleto ang pagkababae niya. Na hindi siya marunong magpadama ng pag-ibig.


Bakit palalampasin niya ang pambihirang pagkakataong iniaalok ni Idan? Ang relasyong no-strings-attached at secret ay isang napakagandang oportunidad para matuto siya at maranasan niya kung paano maging isang ganap na babae. Walang makakaalam. Makakabalik siya sa dating buhay na parang walang nangyari...


"Tutulungan kitang makalimutan ang lalaking nanakit sa'yo, Mia."Tila nahulaan ni Idan ang unti-unting pagbuway ng pagtutol ni Mia. "And you won't lack for nothing."

Umiling si Mia. Gusto niyang matiyak na malinaw ang isipan habang gumagawa ng isang pangahas na desisyon.


Malakas ang loob niya sa ibang bahagi ng buhay niya. Matagal na siyang nabubuhay na mag-isa lang. Bata pa siya nang sabay na yumao ang mga magulang.

Si Tita Anabelle na isang matandang dalagang abugada na lamang ang natirang kamag-anak at nagsilbing tagagabay niya hanggang sa magtapos sa kolehiyo.

Ngunit magmula nang mabigo at masaktan kay Jerome, halos naubos ang kumpiyansa ni Mia sa sarili.

"I-ilalayo mo ba ako kay Bella?"

Isang maikli ngunit mabigat na katahimikan ang lumipas bago tumugon si Idan.

"Mananatili ka dito habang walang nagiging problema."

Ang ibig sabihin ay welcome lang siya dito habang hindi nabubulgar ang sikretong relasyon.

"Is it a.yes?" Napaka-matter-of-fact pa rin ang tono ni Idan. Parang isang business deal lang ang pinag-uusapan nila.


"I—I need time to think, sir."

"Idan."Ang pabulong na pakli ng lalaki. Binihag uli ang isang palad niya para paulanan ng mga mumunting halik. "Call me Idan whenever we're alone."


"Idan..."Nanginginig ang tinig ni Mia dahil niyayanig ng maraming mala-tsunaming sensasyon ang buong katawan. Napakasensitibo pala talaga ng palad niya.

"Get out now, woman—before I lose control." Itinaboy siya ng lalaki bago tumindig at tumalikod sa kanya.

Pinuwersa ng dalaga ang mga biyas na naninigas para makalakad palayo sa lalaking nagdudulot ng kaguluhan sa puso at isipan niya.


Gusto niya ang pangako ni Idan na tutulungan siyang makalimutan si Jerome. Pero paano naman niya kakalimutan si Idan kapag naghiwalay na sila?


"Kapag..."Sinunggaban ng rebeldeng sarili ang isang katagang nagkanulo sa desisyong lihim na nabuo. Ang ibig bang sabihin ay payag siyang maging secret mistress?

Nang makabalik sa kuwarto, nahiga na agad si Mia sa kama. Ibinaluktot niya ang katawan sa ilalim ng makapal na kumot. Sabay na giniginaw at nagbabaga ang pakiramdam niya. Ngunit ang isipan ay tuluyan nang narahuyo sa pangako ni Idan.

Kapag nakalimot na siya, makakauwi na siya sa Cebu. Makakabalik na uli siya sa dating buhay. Hindi na siya masasaktan sa tuwing magkikita sila ni Jerome...


Ang isang bahagi ni Mia na likas ang pagka-oldfashioned ay tutol pa rin sa mistress proposal ni Idan ngunit gusto ring makalimot na kaya pumayag na rin.

Ang natitirang pangamba na lang niya ay ang magiging reaksiyon ng lalaki sa pagiging 'frigid and cold' niya.

"Well... at least, you'd have the experience,"katwiran ng rebeldeng sarili ni Mia. "Enjoy your freedom, girl. You'll be old soon."

Nakatulugan niya ang ganitong estado ng pag-iisip kaya nang gumising si Mia kinaumagahan, buo na ang resolba niyang maging adventurous kahit minsan lang sa buhay. Tatanggapin niya ang proposal ni Idan Alvarez—and she will enjoy it while it last!


Nakadulog na sa dining table ang mag-ama nang makarating siya sa kumedor. Wala na sa kuwarto ang bata. Marunong nang maghilamos at magbihis mag-isa ang alaga.


"Good morning, Mia!"Masigla ang pagbati ni Bella nang makita siya.

"Good morning, Bella. Good morning, sir."Lihim niyang ipinagmalaki ang pagiging kalmado ng tinig.


"Good morning, Miss Samonte." Pormal pa rin ang tono ni Idan. Ipinagpatuloy ang pagbabasa sa hawak na diyaryo matapos tugunin ang pagbati niya.


Parang hindi nangyari ang mapusok na tagpo kagabi.

Sinupil ni Mia ang nadamang disappointment. Nagsalin siya ng mainit na kape sa puswelo niya at itinutok na ang buong atensiyon kay Bella.

"Saturday today, Mia. Swimming competation namin kaya hindi pupunta sa office si Daddy. Sasama siya sa school para manood." Sumulyap ang bata sa gawi ng ama.

Lalong sumigla ang ekspresyon nang makita ang tahimik na pagtango ni Idan bago muling ibinaling ang tingin sa binabasa.

"Oo nga pala. Inihanda na natin ang swimsuit at towels mo sa bag kagabi, hindi ba? Nandoon na rin ang sunblock, lotion at googles mo. Ano pa ba ang kulang?"Sumimsim ng kape si Mia bago nagpahid ng manipis na mantekilya sa isang piraso ng toast.

"Hmm, wala na... ay! Ang digital camera pa pala!"

"Ako na ang bahala sa camera mo."Pinigilan ni Mia si Bella nang akmang aalis sa silyang inuupuan.

"Thank you, Mia. You're the best!"Ngumiti pa nang ubod tamis ang paslit.

"You're welcome." Bumuntonghininga si Mia dahil nanatiling nakatago sa likod ng diyaryo si Idan. Hindi pa nag-uumpisa ang sikretong relasyon, nadi-disappoint na siya. Was she really a mistress material?

Nakinig na lamang si Mia sa mga kuwento ng bata habang dahan-dahang hinihiwa-hiwa ang piraso ng toast. Parang may bara sa lalamunan niya kaya hindi makakain.

........................................................................................................................................................................

My All [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon