Chapter 29

2.7K 50 1
                                    



"Magkaibigan kami ni Jerome magmula pagkabata, Idan."Iyon lang ang nagawa niyang sambitin."Ang mga magulang namin ay mag-best friends."

Si Idan naman ang bumuntonghininga. "I couldn't possibly erase the years of memories with just a few weeks of secret affair." Isang magaan na halik ang iginawad ng maskulinong bibig sa dulo ng ilong niya. "But you made me so happy, Mia."

"Are you saying goodbye, Idan?" Pinahiram siya ng lakas ng loob ng ilang kopitang alak na kinunsumo niya.

"I don't know..."Tila unang pagkakataon iyon na naging hesitante si Idan. "I should... You don't deserve someone like me. I have nothing to offer that you'd want to accept."

"What if I don't want to say goodbye?"Pabulong ang tanong ni Mia. Halos sarado na kasi ang lalamunan niya.

"You need to go back to Cebu, Mia."

"No."

"Naghihintay si Jerome."

"Of course not."Nawala ang conviction sa tono ni Mia dahil naalala ang tungkol sa business proposal ng dating nobyo.

Ilang araw na nga ang sunud-sunod na pagtawag at pag-text ni Jerome sa celfone niya. Ngunit dahil ipinaubaya na kay Tita Anabelle ang proseso, wala siyang planong sumagot sa kahit na isa sa mga messages.

"You don't have to lie, my love Mia."Sinapo ng mga palad ang magkabilang pisngi niya bago dinampian ng magagaan na halik ang kanyang mga labi.

"Idan..."

"Because I still want you even if you belong to another man, my lovely mistress."

"Idan, I—"

I love you...

"Ssshh... I need you now. Let's not talk anymore. Let's make love, love. All through the night, love."

Ang pag-ibig na hindi maihayag ay ipinadama ni Mia nang buong init at buong sidhi kay Idan. Kapwa sila tutol na matapos agad ang gabing iyon dahil halos wala silang madamang pagod. Ang uhaw na nadarama nila para sa isa't isa ay tila walang pagkatighaw.

"Oh, Mia, Mia, I'll never get enough of you. I need you again."

"Yes, Idan, yes."Palaging lubos ang pagpapaubaya ni Mia. Dahil malapit na silang maghiwalay, ang lahat ng inhibisyon niya ay nawala. Ipinadama niya ang pag-ibig nang buong alab. Ang nais niya ay makapag-iwan ng maraming alaala kay Idan, na singdami ng mga alaalang nakaimbak sa memorya niya.

Pinupunit na ng liwanag ang madilim na langit nang gupuin sila ng pagod. Magkayakap pa rin nang makatulog sina Mia at Idan.

Ngunit nag-iisa na lang siya sa kama nang magising. Mataas na ang araw sa kalangitan kaya nahulaan ni Mia na tanghali na.

Bumalikwas siya ng bangon at patakbong binuksan ang pinto ng kuwarto. Isinungaw niya ang ulo at ang kalahati ng katawan para tanawin ang dulo ng maikling koridor na patungo sa living area.

"Idan?"Inilakas niya ang boses kahit paos dahil bagong gising lang.

Katahimikan ang sumalubong sa pagtawag niya. Isang nakabibingi at malungkot na katahimikan.

My All [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon