SUPERSTAR

23 1 1
                                    


Baozi's Note : Ate Cherreng Eto na ang requested mong story nyo ni Bryan ^o^

P.S. Kuya Bry, Kuya Byron . Kung mabasa niyo man po ito.. sorry na agad ^^v . Rinequest lang po ito ni ate Cherry eh. Hehe. Peace yow
------

Cherry's POV:

Hi People! Ako nga pala si Cherry Joy Victoria. Cherry For short ^~^
Isa nga pala akong 4th year student sa isang kilalang university dito sa Manila. Ang Gorgeous University, kung saan Ang mga magaganda at gwapo lang Ang pwedeng pumasok. Kagaya ko. Charought lang xD

"Treceeeeeh~" sigaw ko ng makita ko ang bespren ko na naglalakad na parang timang sa gilid. Ang buong pangalan niya ay Tracy Mae Yorin bespren ko since birth ^_^

Napatingin naman siya sa akin kaya agad akong kumaway. Yung Pabebe wave style. Kumaway rin naman siya sakin sabay takbo para pumunta sa tabi ko.

"Musta Ang buhay buhay Bespren?" Nakangiti nyang Tanong sa akin sabay akbay. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad.

"Eto naghihintay pa rin na mapansin ng Prince ng buhay ko" pagda-drama ko kay bespren.

"Hanggang ngayon ba naman Cherreh? Akala ko ba nakamove on kana?" Inirapan ko naman agad siya sa sinabi niya

"Duh! As if naman Madali lang yun! Wag mo kong itulad Sayo na paiba-iba na lang ng boyfriend kaya Di na kailangang mag move on" Ibang klase rin naman kasi itong si Tracy. May pagka playgirl, Akala mo kung sinong maganda mas maganda naman ako *flip hair* (a/n: Alam ko na ngayon kung San galing si bagyong lawin)

"Kasalanan ko bang maganda ako?" Sabay irap rin sa akin "Atleast ako Yung nagugustuhan kong lalake Ang nagiging boyfriend ko eh ikaw?" Agad ko naman syang hinampas dahil sa sinabi niya

"Sige Treceh pangalandakan mo pang walangya ka!" Agad naman siyang natawa sabay batok sa aking oh so precious head "Leshe kang babae ka! Nagiging battered Bestfriend na ako dahil dyan sa ginagawa mo! Your always hurting me! Not just physically but also emotionally!" Taray English! Nosebleed xD

"Ay umi-english si inday" Sabi naman niya sabay tawa "Bespren, payong kaibigan lang. Sana gumising ka na sa katotohanan. Na yang pinapangarap mo eh sobrang hirap abutin. Magka-gusto ba naman sa isang model slash superstar? Tsk tsk. Maghanap ka na lang ng iba Cherreh. Yung lalakeng makakaalam na nage-exist ka at kaya kang mahalin pabalik." napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Kahit kailan talagang babae ka napaka supportive mo ano? Buset! Paano ba kita naging Bespren? Ay heyt you!" Pagtatampo ko. Pero imbes na icomfort ako, tinapik lang ako sa balikat ng bruha

"Gising gising rin pag may time Bespren." Tumingin siya so orasan niya bago ulit siya tumingin sa akin "Malapit na palang magumpisa Ang klase ko be. Mauuna na ako. Toodles~" Sabi niya at nakapagbeso pa sa akin bago tuluyang umalis.

Dumiretso naman ako sa room ko habang Ang utak ko eh nakarating na atang outerspace dahil sa iniisip ko Yung sinabi kanina ni Tracy. Tsk. Kung makapayo kasi Waga---

*Boogsh!*

"Aray ko naman!" Sigaw ko dun sa lalakeng nakabanggaan ko.

"Hala! Sorry miss! Nagmamadali kasi ako eh. Sorry talaga" Sabi niya at nagbow pa ng ilang beses bago nagpatuloy sa paglalakad. Pero agad ko naman siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak ko sa braso niya.

"Hep Hep! Sa panahon ngayon Di na uso Ang sorry sorry lang kuya" Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mukha niya.. Omo! Bakit kahawig niya si Prince ko?! *O*

Napakamot naman siya ng Ulo ng dahil sa sinabi ko

"Ano bang gusto mong kapalit? Tsk! Parang nabangga lang eh" naiinis nyang Sabi

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon