Chapter Twenty-Five

1.7K 52 1
                                    


MAY SAYANG humaplos sa puso ni Hyde nang makita na nagkakatawanan si Devin at si Clyde. Maluwang sa kanyang kalooban ang kaalaman na magkasundo ito kahit na unang araw pa lamang ng pagkikita ng mga ito. Isang bagay ang ibig sabihin lamang niyon: Gusto ni Clyde si Devin para sa kanya, o kaya naman ay gusto nito ang ugali ni Devin. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil charmer si Devin.

Lumuwang ang pagkakangiti niya ngunit alam ni Hyde na makikita pa rin sa kanyang mukha ang lungkot na nadarama sa namagitan na pag-uusap nila ni Jake kanina sa loob ng kwarto. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang mga bagay na ginagawa ni Jake, ang simpleng pagporma nito at ang pagpapadama ng pagmamahal para sa kanya. Hearing those word coming from his mouth made his heart ache for him. Fickle-minded, iyon ang bagay na tamang ilarawan sa kanya. Kung sana nakinig siya at ginawa niya ang mga sinabi ni Clyde bilang paalala sana hindi sila humantong sa ganoon nito. Sana hindi niya ito mas nasaktan pa at hindi siya ganito karupok mag-isip at magbigay ng desisyon para sa sarili.

"Okay ka lang ba, Hyde?" Tanong ni Devin nang makalapit siya sa mga ito.

"Okay lang ako. Bakit mo naman naitanong 'yon?" Aniya. Nginitian niya ito saka tumabi dito.

Nagpaalam naman sa kanila si Clyde. Mukhang natunugan nito na kailangan nila ng privacy ni Devin kahit na nasa party sila at nag-iingayan ang mga nasa tabi nilang mesa pati ang ibang bisita.

"Parang may nagbago sa 'yo, eh. Tell me? May nangyari ba sa loob sa inyo ni Jake?" Tanong nito. Sa pagkakataong iyon ay tiningnan siya nito ng matiim sa mga mata. Sinalubong naman niya iyon kahit na naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito.

"Walang nangyari sa 'min ni Jake sa loob. May iniisip lang ako," pagdadahilan niya.

"Hindi ka naman nagsasabi ng totoo. N'ung nandito ka sa labas, kasama ako, okay ka pa. Pero n'ung pumasok ka at bumalik dito," umiling-iling ito. "Something change."

"Masyado kang mapaghinala." Aniya.

"Kapag sa 'yo talagang nagiging ganoon ako."

Bumuntung-hininga siya. "Sabihin mo sa 'kin, Devin. Minsan ba may mga desisyon ka na nagagawa pero hindi pa nga parang nagdadalawang-isip ka? Iyong tipo na parang hindi mo mapanindigan ang dapat mong gawin kahit alam mo na tama naman."

Kumunot ang noo nito. "Naguguluhan ako sa tanong mo."

"'Wag mo ng sagutin."

"Bakit Hyde? May mga gagawin ka bang desisyon na alam mong tama pero pakiramdam mo ay mali?"

Natigilan siya sa tanong nito. Tiningnan niya ito saka nag-iwas ng tingin. "Wala."

Bumuntung-hininga si Devin. "Bakit ang pakiramdam ko kasama ako sa pinagdadaanan mo. Parang may kinalaman din sa akin'yan."

"Devin..."

"May kinalaman ba ako diyan Hyde?"

Hindi siya nakasagot. Ibubuka pa lang niya ang bibig nang marinig niya ang pagtawag ni Clyde sa kanya. Pareho silang bumaling ni Devin dito. Nakatayo ito ilang kilometro sa kanila.

"Puntahan mo na si Clyde," sabi ni Devin. Mahihimigan ng panghihinayang ang boses nito bukod pa roon ay hinampo.

Napabuntung-hininga siya saka tumayo at lumapit kay Clyde.

"Bakit Clyde?"

"Uuwi na raw si Jake."

"Ganoon ba?"

"Oo. Baka gusto mo siyang ihatid sa labas o sa kotse man lang niya." Anito.

"Okay."

"Parang napipilitan ka lang, ah. May problema ka ba?"

String from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon