Chapter Thirty-Four

1.3K 50 5
                                    

"ANO ANG IBIG sabihin nito?"

Ang bungad na tanong ni Theo sa kanilang dalawa, partikular na sa kanya nang walang babala itong pumasok sa loob ng kwarto. Pagtataka at pagdududa ang emosyon na nasa mukha nito. Ngunit sa dalawang iyon ay mas lamang ang pagdududa.

Kumalas mula sa pagkakayakap kay Jake si Hyde. Pinunasan niya ang luhang naglandas sa pisngi niya. May pagkailang na sinalubong ang tingin ni Theo saka tuluyang umalis sa pagkakalapit kay Jake.

"Walang ibig sabihin ang nakita mo."

Napatingin siya kay Jake. Ganoon din si Theo.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, Jacinto. Kailan ka pa naging tagapag-salita ni Hyde?"

"Walang ibig sabihin iyon."

Pumalatak si Theo. "Paano niyo nasasabing 'wala' lang ang bagay na nakita ko? You two were hugging each other like no air can pass between the two of you. Tell me, Hyde, iniiputan mo ba sa ulo ang kaibigan ko?"

Hindi siya nakasagot. Pakiramdam niya ay nalulon niya ang kanyang dila na sinabayan pa ng pagkaka-choke niyon.

"Hindi iyon gagawin ni Hyde kay Devin. Don't put the blame on him. Don't talk like Hyde is doing something that would hurt Devin."

"Can you keep your mouth shut, Jacinto!" Nanggigigil na sigaw ni Theo kay Jake.

Nagulat siya. Napapitlag.

Paano ba niya ipagtatanggol ang sarili sa mga sinabi at tanong ni Theo sa kanya? Hindi niya ito masisisi kung ganoon ang sabihin nito sa kanya. Siya man ay nagsisisi sa mga nagawa ngunit may magagawa pa ba iyon? Mababago at malilimot ba niyon ang mga bagay na nagawa na niya? Hindi man natuloy ang nangyari sa kanila ni jake ay maituturing na iyon na pagtataksil. Hinalikan niya si Jake. Nakipaghalikan siya rito. Muntikan na nilang magawa ang ganoon na bagay.

Naramdaman niya ang pagtulo ng kanyang luha.

Hindi niya magawang magsalita kaya si Jake ang gumagawa niyon. Pinagtatanggol siya nito dahil hindi niya kaya ang sarili niyang ipagtanggol.

"Tell me, Hyde, niloloko mo ba si Devin?" Ulit na tanong ni Theo. Sa pagkakataong iyon ay humina ang tinig. "Nag-aalala sa 'yo si Devin nang sobra. He even called me just to make sure that you are okay. Na wala kayong problemang dalawa at naalala niya na malapit na ang second monthsary niyo. Tapos ganito lang ang makikita ko."

"Wala kaming ginagawang masama ni Hyde. What you saw was just a simple hug. A friendly hug. Walang ibang kahulugan iyon."

"Cut the crap. Shit! Iba ang nakita ko."

"Wa-wala kaming ginagawang masama ni Jake. Hi-hindi ko lolokohin at sasaktan si Devin." There, he found his voice, trembling.

Masakit para sa kanya ang magsinungaling pero ito lang ang tanging paraan para manatili sa kanya si Devin. Hindi niya kayang malayo at magalit sa kanya si Devin.

"Sigurado ka, Hyde?" Paniniyak ni Theo. May pagdududa pa rin sa boses.

"Pwede bang tigilan mo ang pagtatanong kay Hyde ng kung anu-ano. Hindi gagawa si Hyde ng bagay na makakasakit kay Devin." Pagsingit ni Jake.

"Pwede bang tigilan mo ang pagsabat sa pag-uusap naming dalawa, ah, Jacinto! Hindi ka kasali rito. This is out of your concern."

"It was out of my concern but I'm concern to Hyde."

"Lumabas ka na lang. Pwede?"

Akmang sasagot pa sana si Jake ngunit tumigil ito nang mapatingin sa kanya. Tinanguan niya ito. Isang tango na nagsasabing kaya na niyang mag-isa.

String from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon