October 30,2016
2:41 pm
Halloween's coming. And because patapos na ang sembreak,nilulubos lubos ko na ang page-enjoy ng pagtambay sa bahay. Puro kain,nuod ng mga horror at comedy movies, mas okay naman kase iyon para mai-segway na lang yung nararamdaman ko.
Ako nga pala si Patricia Alvares.
Simpleng tao lang, minsan invisible, minsan bida-bida. Minsan perfect attendance sa klase, minsan akala mo nag drop na. Nababanggit yung pangalan ko sa klase sa paraang.. "Pat.. Patulong sa english. Pat.., ano'ng gagawin dun sa project? Pat, late ka nanaman.. Oh di kaya, Pat! Himala aga mo ngayon aaahhhh.." Sabay lagay ng kamay nila sa leeg ko check lang kung may lagnat.
Madalas ako'ng taga-seenzone sa group chat. Magdamag guwardya ng facebook, may pasok man o wala. Matutulog mostly 5 am. Bampira nga raw eh, Minsan naman zombie malaki kase eyebag, papasok sa school walang tulog. Hindi kase talaga ako makatulog, kame ang may forever ng insomnia ko.
Mahilig ako mag gitara. Umulan bumagyo,laging kumakanta. Nagsusulat din ako ng sarili ko'ng kanta na makabagbag-damdamin. Wala. Trip ko lang.
Sa loob ng 19 years of my life. Hindi ko alam anyare. Hahah. Pag nakikita ko yung pictures ko nung maliit pa 'ko, "from there to here anyare pat?" tanong ko sa sarili ko. Siguro kung mas naging maingat ako sa mga desisyon ko bes, hindi ganito. Ewan. Basta. Masyado Kase ako'ng curious. Minsan naman, engot.
Lapitin ako ng mga kaibigan pagdating sa mga payo. Usapang pag-ibig. O di kaya family problems. Kahit ano pa iyan.
3rd year college ako, Psychology ang dapat kukunin ko, kaso hindi bet ng magulang ko dapat daw duon sa ikayayaman ko. HRM ang bet nila. Ako naman si bunso a bait a bata masunurin.
Story of my life.
BINABASA MO ANG
Drowning Demons
Teen FictionLooking through the eyes of a person who's going with the flow of colors with a self-destruct thoughts. "Who can look past through those flaws?" It's black and white inside.