Rumors never come with a better rhyme.

1 0 0
                                    


Throwback tayo.

Naalala ko nuon. Umagang umaga pagkagising. Salat salat ng unan "asan na cp ko takte....." (masakit pa mata with matching muta) 

Anlakas ng tunog ng messenger. Pagka kuha ng cellphone. Si Sarah nag chat. Bungad " PATRICIA CHECK MO FB NI ANTHONY DALI"...     

"KELANGAN TALAGA DAY CAPSLOCK PARA DAMA?" 

sagot ko. Ayokong i check. Alam mo yung pakiramdam na may invisible knife na tinutusok sa puso mo tapos makirot? GANON YUNG FEELING BES. KABADO Ako nung umagang iyon. 

Si Sarah nag screenshot ng newsfeed niya. Sinend pa sakin. 

"ANG SWEET NILA P*TA SAY HI TO THEM" sabi ni sarah. 

"HAHAHAHAHAHAH" reply ko. Sa loob loob ko para akong sinaksak,yung stomach ko parang pinilipit. 

Si anthony nga.. Yung naka MU ko sa school na krass ng lahat. Yung punta ng punta dito sa bahay mahal niya raw kase ako. Si anthony na may baby na pero lumandi pa rin. Yung dahilan kung bakit ako nabansagan sa school na "THIRD PARTY". Yung minahal ko,at hanggang ngayon undefined ang feelings ko Gago kase siya bes at tanga ako nuon.

One thing I'm sure of; I don't want him back. 

One thing that I'm not sure of; Kung ano ba talaga yung feelings ko kase bes months na lumipas pero MASAKIT PA RIN.  

*TEARY EYES* sabay lapit sa kwarto yung bestfriend ko'ng si Paula. Nag reply kay Sarah. 

"Bes wag ka manaket, ayoko magdala ng kaibigan  sa ospital. Pau here. Hahahah" 

Tara na 'te Pat! Almusal muna! Iyakan mo pa yan HARUUU JOSKO." sabe saken ni pau. Sabay lapit si Ateng Marice "Oy ano yan Pat? Kumain muna dito, borjakin namen yang tony na yan eh KALIMUTAN MO NA YAN." 

"Oo ate mar... Kalma lang kayo, kakain na. Nabigla lang ako. To kasing si sarah. Hayyss........"

And then the day went on. Oo, Third party ang bansag saken sa school. Pagkatapos ko kase mag chat kay Anthony na huwag niya na ko'ng lalapitan o ihahatid dito sa bahay, eh girlfriend nya na ang sumagot "WATCH OUT PAT, BAKA MAGULAT KA MAY SAMPAL NA DUMAMPI DYAN SA MUKA". Yon ang reply. Pagkatapos non, pakiramdam ko yung mundo ko gumuguho. Para ba'ng kala mo napaka baba mo'ng klaseng tao. Ganun yung pakiramdam. 

Sumunod pa yung pag post nila na "Happy together, sweet forever" kuno na finloodlikes ng mga taga school. Sabay sabe saken ng bakla sa school.....

 "Anyare sayo te? kala ko ikaw ang bet ni anthony,nagka history pa kayo tapos ngayon pinagpalit ka? pinagpalit ka o tinry mo lang siya agawin? Kawawa ka naman, mag isa ka ngayon teh! HAHA" 

...

Ansaya saya nga nila. Ni anthony at ng girlfriend nya. Yung mga taong chismoso't chismosa sa school. 

Well yung papa anthony na sinasabi nilang lahat ay may anak na at di nila alam. Sila na may forever. Di ko naman pagkakalat na batang ama na ang papa anthony kuno nila, kase wala ko'ng pake elam. 

At sumunod na ang mga comment saken

"Kaya pala binusted mo si Mark! kase bet mo si Thony Hahahah bet mo yung tao na may gf na oh ano ka ngayon fail ka mas mahal niya gf niya" 

Yung kapatid pa ni thony na si Christian, makikipag eye to eye pag makakasalubong ko sa school. Na tila ba sinasabing...

 "Binusted mo yung tropa ko kase gusto mo si kuya, nilandi mo si kuya alam mo namang may anak na at secret pa iyon ng family namen." 

Ang galing bes! Sikat na sikat ako... 

Ouch. 

At hanggang ngayon, bet pa rin nila ang usapang iyon. 

Pero okay lang. Ganon pa rin ang routine ko, papasok sa school maga aral ng matino. Magpapatawa, Magpapayo sa mga kaibigan. Gagala sa mall. Uuwe. Kakaen. Matutulog.

Trying hard ako in distracting myself. Kaya tinutulungan ko kaklase ko sa projects kahit halos wala ng time. Just to be busy. That's what I've been doing. It's been months now. Still the same. 

Drowning DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon