Chapter 2

18 1 0
                                    

CHAPTER 2

"Hindi pa ako sigurado kung makaka-graduate ka ngayong taon"

Parang lumubog na ang mundo ko

Di pwedeng tumigil ako sa pag-aaral

Ito lang ang pinanghahawakan ko

Ito lang ang bagay na pwede makabago sa buhay namin

Ito lang ang pwedeng tumulong sa akin para hindi na kami maghirap

4th year na ako ngayong pasukan

Hindi ko nga talaga makakapaniwala na 4th year na pala ako

Excited na nga akong grumaduate noon eh

pero ngayon?

Parang malabo na yung mangyari

"Anak.." sabi ni mama

Tiningnan ko siya at kitang-kita kong umiiyak siya

Di ko rin napigilan ang sarili kong umiyak kaya hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Agad ko naman itong pinunasan

"nay, maliligo muna ako"

"Saan ka pupunta?"

"maghahanap ng trabaho" at tuluyan na akong pumunta sa banyo

Hindi ako napigilan ni nanay kasi alam din naman niyang kailangan din niya ng tulong.

Hindi niya ito magagawa mag-isa

kaya kailangan niya ako

kailangan ako ng nanay ko.

         →→→→→←←←←←

"Nay, aalis na ako" tiningnan ko siya at nginitian niya lamang ako

Umalis na ako sa bahay

habang naglalakad ako ay napaharap nalang ako sa bahay namin at pinagmasdan iyon

"Ang liit ng bahay namin" yun nalang ang nasabi ko sa isip ko

at tuluyan na akong lumakad at lumayo sa munting bahay namin

                →→→←←←

Napasipa ako sa lata na nasa kalsada

Ano ba namang iniisip ko

Asar!!!!

Eh bakit pa kasi ako umalis sa bahay

Wala naman pala akong pupuntahan

Ang tanga-tanga ko talaga

"AISH!!!!" napasigaw nalang ako

Patuloy parin akong naglalakad at pumapasok sa mga restaurant kung pwede ba akong maging waitress dun pero wala eh. Di pwede

Napaupo nalang ako sa tabi-tabi

Ang init-init ng araw

Di ko matiis ang sikat ng araw

Para na akong naliligo dahil sa pawis ko

Di pa naman ako nakakakain at hindi din ako umiinom ng tubig.

Mag alas-tres na kaya hindi na napigilan ng tiyan kong tumunog

Engot ko talaga!!!!

Bakit kasi hindi ako nagdala ng pera

Wala tuloy akong pagkain at maiinom

Pag minalas ka nga naman

Pero tumayo ako at patuloy akong naglalakad kahit ang init-init

Ano bang magagawa ko?

Kailangan kong makahanap ng trabaho kasi kailangan kong mag-aral

              →→→←←←

*tingin sa relo*

Alas otso na at hindi parin ako nakahanap ng trabaho

Gusto ko sanang makahanap ng trabaho

Yung pwede sa gabi kasi diba mag-aaral ako sa umaga tapos sa gabi edi magtatrabaho ako

Pwede naman yun kaso nga hindi ako nakahanap ng trabaho

Hirap na hirap na ako

13 hours na akong naglalakad at 13 hours na din akonhmg walang kain at maiinom

Nanghihina na ang katawan ko

Ang dilim na ng gabi

o sadyang nagdilim na talaga ang paningin ko

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko kasi parang wala na ako sa katauhan ko

Lakad parin ako ng lakad

Hindi ko mapigilang huminto

gusto kong sabihan ang mga paa ko na huminto na pero hindi ko magawa

nahihilo na ako

gutom..

uhaw..

pagod..

yan ang mga narararamdaman ko ngayon

parang tumutulo na ang laway ko dahil sa gutom at sa uhaw

parang di ko na kayang mabalanse ang katawan ko dahil sa pagod at pagkahilo na nararamdaman ko

Medyo madilim na nga

Naramdam ko na nasa gitna na pala ako sa kalsada

*beep beep*

*beep beep*

Mga tunog ng mga sasakyang naririnig ko

Ang sakit ng ulo ko

Gusto kong sumigaw pero di ko rin kaya

Walang boses na lumalabas sa bibig ko

Aray!!!!  sabi ko sa sarili ko

Parang sandali nalang at mawawalan na talaga ako ng malay

*beeeeep beeeeep*

kasabay ng pagbosena ng sasakyan ay kasabay rin akong natumba

*BOGSH!!!*

"Miss!" narinig ko nalang ang boses ng isang lalaki

Iniangat niya ang ulo ko "Miss okay ka lang ba?"

Halata namang kinakabahan ang boses nung lalaki

"Dude!! nabangga mo ang babae" sabi naman ng isang boses ng lalaki

Pinipikit-pikit ko ang aking mga mata para makita ko ng maliwanag ang lalaki kasi may pagka-blurry ang paningin ko

Lalong sumakit ang ulo ko

AARGHHH!!!!!

"Miss, dadalhin ka na namin sa hospital"

Yan yung huling salita na narinig ko at tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ko

        ————————————

a/n: Isa lang talaga ang masasabi ko kay Chan-chan. Wooohh!!! Kung makapaghanap ng trabaho; wagas! Pati kalusugan, pinapabayaan! Grabe ka talaga girl!

                 BEKAH♥

MY SLAVE IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon