Chapter 1

44.3K 695 17
                                    

The Transferee

Tumunog nang napaka-lakas ang aking alarm clock kaya napa-bangon ako kaagad at napa-balikwas, pinindot ko ang itaas na bahagi nito upang tumigil sa pagtunog.

"Nelle, anak gising na. Tanghali na!" sigaw ni mama sa akin kaya agad na lang akong tumayo.

"Opo andiyan na!" sigaw ko pabalik at pasuray-suray na pumunta sa banyo para maghilamos ng mukha.

My name is Janelle Sharlot Alonjuela at ganito lang ang cycle ng araw ko.

Gigising sa umaga, maliligo, kakain,papasok sa school, uuwi, kakain ulit, gagawa ng assignment at matutulog, 'yan lang naman. Masyado akong loner sa school walang kaibigan since elementary wala na talaga.

Kaya nga binansagan ako na nobody sa school. Bukod sa hindi ako maganda weird pa ako.

Alam nyo ba kung bakit mahilig ako sa baril? Si Papa ang nagturo sa akin noon, para daw sa self-defense ko.

Sus! 'Di na kailangan. Wala naman magbabalak na gahasain ako eh, Sa panget kong 'to? May magkaka-gugusto ba dito? Ha, malamang sa alamang, WALA! Sinungaling ako kung sasabihin ko na maganda ako, kaya PANGET AKO okay? 'Yun naman talaga ang totoo eh.

Pagkatapos kong maghilamos ay napag-desisyonan ko na lang na maligo.

Pagkatapos ko maligo, nag-bihis na ako ng uniform.

Bababa na lang ako para kumain at pwede na akong umalis ng mansion.

"Oh Anak! Halika na dito, kumain na tayo at baka mahuli ka pa sa klase mo." sabi ng mama ko, tumango ako at umupo na. Hmm ang sarap. Pancake with whip cream! Sumubo ako at ngumuya ng marahan! Yum~ Yum~ Chalap Chalap!

Siguro nagtataka kayo kung nasaan ang papa ko. Wala na siya. Namatay siya noong bata pa daw ako. Sabi ni mama namatay daw si papa sa car accident.

"Anak."

"Ano po iyon mama?"

"Kailan mo ba ako bibigyan ng apo huh?"

Nabilaukan naman ako sa sinabi ni mama.

"Ma, di ba po sabi ko sa inyo na magtatapos muna ako ng pag-aaral bago ko po kayo bigyan ng apo?" sabi ko.

Weird din 'tong mama ko eh. Paulit-ulit nag re-request na bigyan ko na ng apo. Dapat daw marami.

Haaaay grabe. Sorry na lang si mama pero wala talaga akong balak na bigyan siya ng apo.

Tapos na akong kumain, nakapag tooth brush na rin ako at kinuha ko na rin ang aking bag.

"Ma, alis na ako." paalam ko kay mama at hinalikan siya sa pisnge.

"Mag-iingat ka anak huh?" saad ni mama at inihatid ako sa tapat ng gate kung saan na-andoon na ang kotse namin.

Okay, para familiar kayo sa school na papasukan ko, mag-aaral ako sa Academy of Sinclair High bilang isang college student, transferee ako doon.

Lumipat kasi kami ng Mansion kaya lumipat din ako ng ibang Academy. Isang private and prestigious school ang ASH.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng Academy kaya bumaba na ako ng kotse, buti na lang walang nakapansin ng pagbaba ko, gusto ko kasi yung profile ko, low lang. Gusto ko 'yong walang makaka-alam na galing ako sa isang mayaman na pamilya. Dahil wala naman silang gagawin sa 'yo kung hindi ang perahan ka at hindi maki-pagkaibigan.

Pumasok ako sa hallway at pinag-titinginan nila ako, may mga naririnig pa nga ako na negative tungkol sa akin. How nice talaga pero Dedma lang, tsaka ko na sila papatulan kapag maganda na sila.

Married To A Heartless Mafia Boss [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon