Chapter 5: 18th Birthday

20.1K 337 11
                                    

Janelle's P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Janelle's P. O. V

"Ikaw lalaki tinatanggap mo ba si Janelle bilang kabiyak ng iyong puso?"

"Opo Father" saad ng lalaki.

"Ikaw babae tinatanggap mo ba si....."

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!*

Lintek naman oh! Ang ganda ganda na nga ng panaginip ko magigising na lang ako bigla-bigla. Pesteng yawa eh.

Binaling ko ang aking paningin sa gilid ng kama ko at tiningnan ko 'yong orasan, shemay 7:45 a.m na pala. Haiissttt naman!

Nagmadali akong pumasok sa banyo dala-dala ang tuwalya ko.

*sabon*

*sabon*

*kuskos*

*kuskos*

*buhos*

Waaaaaaah! Ba't ba ang lamig ng tubig? Tapos ay nagbihis na ako at dinala ko 'yong bag ko.

Bumababa na ako sa hagdanan nang makita ko si mama na nakangiti, nang makita niya akong nasa baba na at nakabihis bigla siyang sumimangot.

"At saan ka naman pupunta?" Saad ni mama habang nakataas ang isang kilay niya with matching cross arms pa. Pak ganern!

"Mama naman late na ako sa school. Alis na ako!" Bago pa ako maka-alis hinablot ni mama 'yong braso ko at hinila ako paharap sa kaniya.

"Honey, wala kayong pasok." Sabi ni mama.

"Kaya nga po aalis na ako e--- walang pasok?!" Gulat kong sigaw.

"Yes honey, ang mabuti pa mag almusal ka na lang muna at matulog ka na lang kung gusto mo" tumango na lang ako. Tutal gutom na rin lang naman ako eh tsaka naligo pa ako ng pagkalamig-lamig tapos wala palang  pasok?! Sayang lang ang effort ko maligo. Anak ng tinapa naman eh!

"'Nak, ito na 'yong pagkain mo Tsaka nga pala Happy birthday anak ko" Nakangiti niyang saad sa akin.

"Ha, birthday? Sino po 'yong may birthday?" Tanong ko habang busy sa pag-kain ko, hmmm chalap-chalap ng food.

Married To A Heartless Mafia Boss [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon