♥︎1♥︎

2 0 0
                                    

"Ivy! Cleaners ka! Wag ka nga tumakas! Taena neto ah!" Sigaw ng kaibigan ni Ivy sa pintuan ng kanilang silid aralan na nagngangalang V. Nakakapagtaka bakit isang letra lang ang ipinangalan sakanya ng kanyang magulang. Nagtitipid siguro.

Pero parang walang narinig si Ivy dahil patuloy parin sya sa paglalakad palayo sa kanilang silid aralan. Animo'y nagiisa sya at walang katao tao. Pero ang totoo nagpapatansya nanaman sya kay Prince J.

Bigla naman syang binato ng eraser ng isa pa nyang kaibigan na si Jhope

"Ivy! Leshe ah? Di kaba nagsasawa sa pagpapantasya kay Prince? Alam namin na crush mo sya pero huta naman walang takasan kapag cleaners ka!" Pagrereklamo ni Jhope.

"Ang sakit nun ah! Hindi ba pwedeng tawagan nyo nalang ako? Kailangan mambato pa ng eraser? Jhope ah! Nakakailan kana bibingo kana sakin!" Medyo galit na saad ni Ivy. Oo nga naman tama si Jhope kelan ba sya titigil sa pagpapatansya kay Prince? Hindi ba sya napapagod? Nagsasawa? Umaasa sa wala?

"Tawagan? Eh sa pagpapantasya mo parang may earphone ka na nasa max volume eh! Wala ka ng naririnig sa paligid mo. Siguro kung bubusinahan kana ng makakasagasa sayo di ka parin tatabi kakapantasya sakanya" singit naman ngayon ni Jungkook. Ganyan talaga sila mag usap. Mga nakalunok ng microphone.

"Sige pagtulungan nyoko! Kaibigan nyo ba talaga ako? Eto na nga eh maglilinis na! Dami pang sinatsat eh. Nakalimutan lang" Sinabi ni Ivy sabay nirolyo ang mata sa kanila. Napasinghap nalang ang mga kaibigan nya sakanya.

"Sa Gym daw ang toka natin ngayon guys! Shete! Sa tingin ba nila malilinis natin yung buong yun ng tayong apat lang?! Nahihibang na ba sila?!" Pagrereklamo ni Jhope. Teka teka nga lang! Nagtataka talaga ako dito bakit nakakapasok parin to ng school eh. Bawal sharp objects hindi ba?

"Edi hingi nalang tayo ng tulong kena Namjoon at Jin!" Suggest naman ni Jungkook. Matalinong bata.

"Tapos papalibre nanaman si Jin ng sandamakmak na pagkain at ipangrereto ko nanaman sa magagandang chix si Namjoon? H'wag nalang Jungkook" May pagka dismayang sabi ni Ivy.

"Eh yun nga lang pero Ivy no choice baka abutin tayo ng gabi kapag tayong apat lang ang naglinis ng kabuuan non" Sabi naman ni V. Sabagay, baka mapingot nanaman kasi sya sa nanay nya at akalaing naglakwatsa sya.

"Ok fine. Kayo na kumausap. Pupunta nako sa Gym sumunod nalang kayo mag uumpisa nako maglinis para lalong mapabilis" Pagkasabi nun ni Ivy eh nagsimula na syang pumunta sa Gym na kanilang paaralan. Marami syang nakitang ibang studyante na pauwi na at nakaramdam sya ng inggit dahil dun.

"Tsk buti pa sila uuwi na kabanas bakit pa kasi sa gym?!" Galit na bulong nya.

Nang makalapit na sya sa Gym may naririnig sya ng mga kaluskos ng sapatos. May tao pa sa loob. Naghintay muna sya ng mga tatlong minuto nagdedesisyon kung bubuksan ba o hindi dahil baka maging istorbo sya. Pero binuksan parin nya at tumambad sakanya si

"Prince?!" Gulat na bulong ni Ivy. Hindi sya makapaniwala sa nakikita nya. Wet look Prince is hot af. Nagsimula ng makaramdam ng mga paru paro sa tyan ni Ivy at Walang sawang pagtibok ng mabilis ng kanyang puso na tila ba may mga kabayong nagkakarerahan doon. Napatigil si Prince sa pag eensayo ng Basketball ng marinig nyang nabuksan ang pintuan ng Gym. Gulat din pero isang kurbang linya ang kumawala sa kanyang mapupulang labi kasabay non ang pagka hilis naman ng linya ng kanyang mga mata

"Ikaw pala Ivy. Anong ginagawa mo dito?" Inabot ni Prince ang kanyang water jug at face towel para magpunas. Tila ba naging estatwa naman si Ivy na nakatayo doon at di parin makapaniwala lalo na't nakipag usap sakanya si Prince at kilala nya ito.

"Ivy? Ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo" Prince slightly chuckle. Nabalik naman sa wisyo si Ivy.

"A-ano c-cleaners kasi kami d-dito hehe" Nauutal na sabi ni Ivy. Nerbyos ba ito? Oh pagka concious?

I.D(o) (One Shot)Where stories live. Discover now