Bata pa lang ako, madalas na kong makakita ng mga kaluluwa. Mga kaluluwa na naghahanap ng katarungan. Sinasabi nila, na ang mga multo, ay mga kaluluwang may nais iparating. Kaya nandito ko,, Para ibahagi ang mga karanasan ko tungkol sa mga nakakakilabot, at nakakapanindig balahibong mga engkwentro.....
Ako si Kate, 14 yrs old, third year high school. Nagsimula ang lahat ng nabuksan ang tinatawag na THIRD EYE. Paano ba ko nagkaroon nang aking third eye ???? Wala ka talaga literal na mata na bubuksan, ang pagkakaroon ng third eye ay nangangahulugang pagpapalawak ng kamalayan or consciousness ng tao.. Tsaka lahat tayo ay may third eye. Hindi nga lang bukas yung sa iba...
Sa bahay namin sa nueva ecija, sa edad na 9 .... May mga nararamdaman na kong anino na sumusunod, parang may pangyayaring nauulit,, sensitibo sa pandinig, sensitibo sa pakiramdam, laging sumasakit ang ulo, madali rin akong mapikon,, at di mapakali.. Signs daw yan na active ang third eye mo. Sa matandang bahay, na pamana ng aking lolo. ( sa part ng mami ko ). Dito ko lumaki. Kasabay ng paglaki ko, namulat ako sa katotohanang, hindi lang pala kami ang nakatira doon. May nakikita kong bata. May dalang manika. May dugo na tumutulo sa mukha, at damit na sira sira. Palagi syang nakaupo sa may hagdan. Dahil dalawang palapag lang ang bahay. Nakaupo sya at palaging Nakatitig sa akin. Nais makipaglaro. Ngunit natatakot ako dahil puro sya Dugo. Kwinento ko kay mami pero ayaw maniwala.
Hindi lang iyon ang nagpapakita sa bahay namin. Nagpaparamdam din si lolo. Sa ikalawang palapag. Meron kaming sala. May rocking chair kung saan paborito ni lolong upuan. Tuwing madaling pagpatak ng alas 3. Naririnig ko. Ang tunog ng rocking chair na parang bang may nakaupo. Naririnig ko ito dahil sa baba kami natutulog sa baba mismo ng sala. Paulit ulit rin ang pagyabag ng paa na animoy may hinahanap. Pero awa ng Diyos. Hindi naman nanakit ang mga ispirito.
Nag alala ang aking mga magulang sa mga nakikita ko na hindi nila nakikita. Kaya naiisipan naming lumipat. At lumpat kami sa Bulacan.
BINABASA MO ANG
Ikatlong Mata
HorrorAng mundo ay nababalot ng mysteryo. Mga mysteryo na hindi kailanman maiintindihan ng tao. Kaya narito si Kate upang alamin ang lihim ng mundo.