Tunnel

114 5 0
                                    

Umalis na kami sa bahay ni lolo. Tinahak namin ang Bulacan, dahil doon kami lilipat. Inabot na kami ng dilim sa daan. 9 pm na, nung tumingin ako sa relo ko. Madilim at walang ilaw ang palagid. Tangin yung kotse lang namin ang may liwanag. May nakita kaming tindahan kaya huminto muna kami. Bumaba kami para kumain at magtanong na rin dahil masyado ng madilim, d na namin maaninag ang daan. Si Papa ay nagtanong kung tama pa raw ba yung ruta na tinatahak namin. Kaso lang.....

Tindera: Naku Sir ! Delikado na ho ang Tunnel dyan !
Papa: Tunnel ba kamo ???
Tindera: Opo Sir ! Kung mapapansin mo po wala na pong mga motoristang dumadaan.
Papa: Bakit naman ?
Tindera: Eh ! Nakakatawa mang isipin,, pero may Babaeng nagpaparamdam dyan..
Papa: HaHa ! Hindi naman sa nakakatawa pero,, Modernisado na po ang panahon ngayon. D na po uso ang mga multo na yan..
Tindera: Basta Sir,, binalaan namin kayo.. Ingat na lang po.

Umalis na kami sa tindahan. Malapit na kami sa tunnel, kung saan may babaeng nagpapakita.kapansin pansing ang tahimik sa daan, walang mga kotse, ilaw, o kahit mga bahay. Mahamog din ang paligid na syang mas nagpakilabot sa akin. Kaming dalawa lang ni papa, ang bumiyahe. Si nanay ay hindi sumama. Pero susunod sya. Sa kadahilanang aayusin nya yung bahay ni lolo.

10:30 pm na nung tiningnan ko ang relo ko. At nakita ko rin ang napakalaki't madilim na tunnel. Tanging liwanag ng kotse, at ng buwan ang ilaw namin sa daan. Papasok na kami,, at ramdam ko ang malamig na hangin.. Ng biglang may dumaan sa gilid ng kotse. Sa harap kasi ako nakaupo katabi ng driver.. Ng may dumaan. At tinignan ko'y wala naman. Asa kalagitnaan na kami ng tunnel ng bigla huminto ang kotse.. Kaya bumaba si papa para tignan ang nangyare. Ako naman ay naiwan sa sasakyan.. Nung tinitignan ni papa ang makina. Nakita ko .............. Nakita ko ............. Ang isang babaeng madugo,,,,, maputi,,,,, pero nakakatakot ang itsura..... Sa tingin ko ito yung babaeng sinasabi nung tindera

Sumigaw ako pero nakasarado ang bintana kaya d rinig ang boses ko. Bumusina ko ng biglang nakita ko sa salamin ang babae na nasa loob na ng sasakyan.. Hihiyaw ako ng malakas ng biglang tinakpan ang bibig ko.... Lumapit sya sa akin at may sinasabi pero d ko naman maintindihan.. Parang may gusto syang iparating pero d ko alam... Pumikit ako... Nagdasal at pagdilat ko wala na sya at ayus na ang sasakyan.... Umalis na kami at paglabas ng tunnel nakita ko sya doon at nakatitig sa akin....

Ikatlong MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon