Umaga na, bandang 7:30 ng makarating kami sa Bayan ng Bulacan. Sa Plaridel kami napadpad, wala kaming gaanong kilala kaya kami ayyy nangupahan sa isang malaking apartment meron itong apat na palapag. At may 5 na kwarto na pang isang pamilya ang loob. Mapapansin mo dito sa apartment ang kalumaan, Puro basura, eh hindi na nga siguro to naalalagaan. Nangupahan kami roon, at nagstay kami ng 1 linggo. Bakit ?? Dahil sa mga nangyare.....
Paakyat pa lang kami dahil ang kwarto na nakuha ay nasa pinakaitaas. Habang umaakyat napansin kong naging manipis ang ihip ng hangin habang tumataas. Nakita ko ang kawawang mukha ng mga taong nakatira dito kaya napakapit ako kay papa. Pagdating sa kwarto namin sa taas, bigla na lang akong kinilabutan. Mapapansin sa lugar na to ang kakaibang mga guhit sa pader. Madumi, amoy na mabaho, at mga poon na walang ulo. Naglibot ako at nakita ko ang rooftop. Sa rooftop makikita ang sampayan, mga halaman at mga lumang gamit na nakalagay sa kahon.
Tumawag si Papa kay mama at sinabi ang aming lokasyon. Hapon na ng dumating si mama, at nakilala ko ang isang bata na kapitbahay namin sa apartment. D sya palakibo at nung siya'y napagsalita ko, nalaman ko ang takot na bumabalot sa Apartment. Kaya dahan dahan kong inalam yon. 7:30 pm na.... Madilim na sa labas. May mga nagiinuman sa labas ng apartment sa baba. Sa 3 at 4 na palapag ay tahimik naa. 6 pm pa lang kasi e kumain na ng mga hapunan para maaga raw makapagpahingaa..
Pumasok na ko sa kwarto ko, nahiga. Kapansin pansin mas umaamoy ng mabaho. Kaya bumangon ako naglibot ako at narating ko ang rooftop. Att nakita ko ang imburnal sa likod ng malaking building ng apartment. At nakita ko ang mga sako bukas na ito kaya tanaw sa taas. Nakita ko ang bungo ng tao tatlo ito at magkakahiwalay. Kinilabutan ako kaya bumaba na ko. Sa hagdan, bago ko bumama biglang may, tumawa. Hindi ko nakita pero meron akong narinig e ! Tas nakita ko yunggg batang lalake may dalang bola. Naghahanp ng kalaro, lumapit ako para kausapin ng biglang may humatak sa akin. At nakita ko yung batang nakilala ko kanina. Kinausap nya ko.
Batang lalake: Shhh ka lang !
Kate: ( pabulong ) Bakettt ??
Batang lalake: Hindi bata yan Multo yan !
Kate: Multo ?!?!
Batang lalake: Oo..... Tignan moHumarap ang batang may bola at nakita ko na wala syang mata kaya bumaba na kami ng batang lalake. Marami daw elemento dito sa apartment kaya maaga pa lang e natutulog na silaa sapagkat kinikilabutan daw silaa. Isa lang yang batang yan sa marami pang elemento sa apartment. Sabi nung bata na nakilala ko meron pa raw at bukas namin ng gabii hahanapin yonn. Hehez
BINABASA MO ANG
Ikatlong Mata
HorrorAng mundo ay nababalot ng mysteryo. Mga mysteryo na hindi kailanman maiintindihan ng tao. Kaya narito si Kate upang alamin ang lihim ng mundo.