Starting Line

99 6 5
                                    

Who’s The Fallen Angel ?

 (Short Story)

[Tune’s Point of View]

“ILANG BESES KO BANG DAPAT ULITIN SAYO? HINDI AKO MAGKAKAGANITO KUNG MAYROON KANG MAGANDANG TRABAHO!!” Malakas na bulyaw ni mama kay papa. Nag-aaway na naman kasi sila, halos araw-araw naman silang ganyan eh pero kahit pilitin ko ang sarili kong masanay hindi ko talaga magawa.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko kasama ang kapatid kong babae na si chin 9 years old at ang bunso kong kapatid na lalaki si chad 4 years old.

“Tuya tune batit tumitigaw na naman ti mama?” Malambing at inusenteng tanong ni chad ang bunso kong kapatid na lalaki. Nakayakap siya sa akin dala ng takot niya, nagsisigawan na naman daw kasi si mama at papa. Natatakot din daw siya dahil nakakarinig siya ng mga bagay na nababasag.

I tap his head. “Wala yun chad nag-uusap lang sila.” Malambing at nakangiti kong sagot sa tanong ni chad. Hindi ko naman pu-puwedeng sabihin sa kanya ang totoo dahil kahit naman sabihin ko ito masyado pang mura ang kanyang kaisipan para ang mga nangyayaring ito ay kanyang maintindihan.

 Pagkatapos kong sabihin yun yumakap na uli si chad at ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.

“HINDI NAMAN AKO ANG PROBLEMA DITO EH, IKAW!! ANG PAGHAWAK MO SA PERA ANG PROBLEMA!! HINDI KA MARUNONG!! ANONG GINAWA MO SA MGA PERANG IBINIBIGAY KO SAYO? WALA!! WALANG NANGYAYARE DAHIL BAON NA BAON KA SA UTANG!!” Sigaw ni papa.

Tahimik lang kaming nakaupo sa aking kama sa loob ng kwarto. Si chad ay nakaupo sa aking naka Indian sit na mga binti habang si chin naman ay nakaupo sa aking tabi habang nakayuko ang kanyang ulo at akap-akap ang kanyang mga binti. Dumiretso na ang ulo ni chin sabay tanong. “Kuya, Paano pag naghiwalay na sila kanino ka sasama?” Kung kay chad kaya ko pang itago ang mga nangyayaring ito kay chin hindi na, dahil siya ay nasa sapat ng gulang at kanya nang nauunawaan itong mga kaganapan.

Tinignan ko siya ng diretso sa mata. Batang bata pa si chin subalit kung titignan mo ang kanyang mga mata parang meron siyang gustong ivoice out pero hindi niya magawa. Hindi muna ako sumagot sa tanong niya at yumuko nalang ako para mag-isip.  Kung mangyayari nga iyon kanino nga ba? Kanino nga ba ako sasama?

Sa totoo lang malayo ang loob ko sa kanilang dalawa. Si mama hindi ko maramdaman ang pagmamahal niya. Yeah right, she’s spending times with me but I can’t feel the quality. Diba dapat ramdam natin yun? Yung tinatawag nilang QUALITY TIME. Pero bakit ganon? Tuwing magkasama kami hindi ko yun maramdaman.

Si papa naman ganun din. Like mom he’s spending times with me but in times of trouble lang. Pag nag-aaway lang sila ni mama. Pag nag-aaway nga sila diretso siya sa akin eh, kinakausap niya agad ako at ramdam kong he is trying to get my sympathy.

Pero hindi ako TANGA I know that both of them are wrong. Nagsisigawan lang sila pero hindi naman nila iniintindi ang side ng bawat isa. Oh diba, ang saya? Daig pa nila ang kumausap ng nagsasalitang estatwa. Dahil parehas nga silang nagsasalita pero hindi naman nakakaunawa.

OPEN YOUR MIND BEFORE YOUR MOUTH.

Sinabi ko na sa kanila yan dati pero hindi nila ako pinakinggan. Sino nga ba naman kasi ako sa pamamahay na to diba? SILA MAGULANG AKO ANAK LANG. Pero kung tutuusin yung sinabi ko tama naman diba?

Pero sadyang hindi nila yun naunawaan dahil both of them UNDERESTIMATE me.

KUNG MATUTUTO KANG MAKINIG SA IBA MAMUMULAT ANG IYONG MGA MATA.

Who's The Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon