CHAPTER 46

1.5K 10 0
                                    

"Buntis ka iha."

Nagulat ako sa sinabi ng doktor nakatingin sila Red, Mama at Papa sa akin.

Di  ko kinaya kaya unti-unti akong naluha, paano kung ipalaglag ni Papa ito? Paano kung di kaya ni Lance na panagutan ako?

"Bu--buntis ka?" nagulat si Mama at niyakap ako bigla.

"Mama!" ayan lang ang nasabi ko at itong traydor kong luha, unti-unti  na namang tumulo.

"Anak."

Umalis si Papa at ako ay tumayo sa pagkakahiga.

"Sam." sabi ni Red.

"Anak, iiwanan ko muna kayo!" sabi ni Mama na lumabas ng kwarto.

"RED!" niyakap ko siya.

"Lance is here, nasa park siya..gusto mo bang siyang makita?"

Tumango lang ako at sinamahang pumunta sa park. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na halos di ako makalakad o makatingin kay Lance.

"Iwan ko muna kayo." sabi ni Red.

Niyakap lang ako ni Lance.

"Nahimatay ka daw?" hinalikan niya ang noo ko at tinaas ang baba ko.

"Okay lamang ako."ngiti ko.

"May sakit ka ba?" hinipo niya ang leeg ko at noo ko.

"Wala naman." ngiti ko ulit.

"Nag-alala ako sa iyo!"

"Sus! oks lamang ako di ba? olet-olet?"

Umupo ako..

"Sam." tumingin siya sa akin

"Hmm?"

"I'm sorry!" yumakap siya sa akin

"Bakit? may ginawa ka na namang di ko magugustuhan?" diretso kong tanong.

"Oo."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"I Love You!" hinalikan niya ako ng marahan.

"Same here." sagot ko.

"Sam, tapatin mo nga ako.may problema ka nuh?"

"Wala nga!" >.<

"Meron!"

MDITY2: THE COMEBACK [ completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon