Dedicated to Hydee_Kate
Ashi POV
First day of school..excited na ako.Aral -aral muna tayo ngayon.Sana magkaroon ako ng mabubuting kaibigan at kaklase.Sana maging maganda ang pagtanggap nila sa akin dito.Sana maging masaya ako buong taon.
Hayyy....kasalukuyan na ako ngayong papasok sa main gate ng school.Pagkatapos kong makapasok ay dumiretso ako sa malaking bulletin board na pinagkakaguluhan nang karamihan na mga studyante dito.Nang makalapit ako,tiningnan ko yung pinagkakaguluhan nila.
Ang nakita ko lang naman ay ang mga bawat section ng bawat klase.Nakalagay din don ang mga bawat schedule ng bawat studyante.Kaya hinanap ko yung pangalan ko.Nang makita ko ito,Inilista ko na ang aking magiging schedule sa hawak kong notebook.At pagkatapos noon ay nagsimula na akong pumunta sa una kong klase.Section 1-A,sa second floor.
Aakyat pa ako kaya,sige maya na lang ulit baka malate ako sa una kong klase.Byeee....muna!!!!
Someone POV
Nandito na ako ngayon sa school.Kung saan nandoon ang ex-girlfriend,nang fiance ko ngayon.Dito na rin mag-aaral ang fiance ko,kasama ko,at hinding-hindi ako papayag na magkalapit o magkita silang dalawa.Sisiguraduhin kong akin lang ang fiance ko.Akin lang....bwahahahahahaaa...
Hindi muna ako magpapakilala sa ngayon.May oras para jan at Hindi pa ito ang oras na yon.Kaya byee muna,maghihintay na sa akin ang fiance ko,Byee....
Cassius POV
Haisstt...bad trip
Nakakainis sila.Sumusobra na sila.Anong akala nila sa akin aso,na kahit anong ipag-utos ay susunod.Pwe's hindi ako ganon.Hinding-hindi ako magpapauto sa kanila.Kahit mga magulang ko pa sila.Kainis lang kasi,nagpa-arrange marriage na sila.Ang masaklap ay hindi ko alam,hindi nila pinaalam sa akin.At ang gusto nila doon ako mag-aral sa pilipinas,eh!! Syempre pumayag naman ako kahit galit na galit ang kalooban ko.Kasi baka eto na yung oras o yung tamang panahon para makita kaming muli.Pero hindi ko rin naman maiiwasan yung babaeng yon,na ipinagkakalat na fiance ko,pero ang totoo hindi ako sang-ayon don.
Kaya eto,naglalakad na ako kasama tong babaeng to.Na kanina pa lingkis ng lingkis sa akin.Nakakainis pero,hinahayaan ko na lang.Baka masira pa ang magandang mood ko ngayon.Lalo na ngayong papasok na kami sa unang klase namin.
Hindi kayo nagkamali,kakalase ko itong babaeng to.Pero sa susunod na subject hindi na.Laking pasalamat ko na lang din,dahil nakabalik na ako dito.May chance. na makita kaming muli.Kaya masaya ako ngayon at ayaw kong may makasira ng magandang mood ko.
Magkakatagpo pa kaya ang mga ito??
Kung may hahadlang na naman sa kanilang dalawa.At paano nila malalagpasan ang mga ito.Abangan...😘
A/N:
💗Dreaming of you💗someday...
By:@lhynnelle16(ms.advice).
.
.
.
.
.
Unang -una po sa lahat.Gusto ko lang pong magpasapamat sa inyo.Sa suporta at pagmamahal nyo.Sana'y patuloy nyo pong supportahan ang story ko po.Maraming salamat.
Mahal na mahal ko po kayong lahat.
See you in my next updated.... Byeee...😘😘😘Characters:
Chzenarine Ashi Mines
Cassius Jeff Stone
BINABASA MO ANG
💗Dreaming of you....💗....someday...💞
Lãng mạnKailan ko kaya sya muling makikita. Kailan ko kaya sya muling makakasama. Sana dumating na yung tamang panahon. Ang tamang panahon para sa aming dalawa.