Chapter 39- Pernben and Harper

436 13 3
                                    




TMG- Chapter 39

Pernben and Harper

Frosty Emmanuels Point of View


Isang hapon, katatapos lamang ng aking ensayo ay nagpasya na akong umuwi upang makapag pahinga at tapusin ang mga trabahong hindi 'ko pa natatapos.

Nakangiti akong pumasok saamin mansion ngunit isang sigaw mula kay Stormy ang aking narinig.

"Hanggang kailan niyo ako kokontrolin? Ayoko na ng mga pinapagawa niyo! Pagod na pagod na ako!" Sigaw mula kay Stormy kaya nagmadali akong pumasok sa loob.

Isang sampal ang nanggaling saamin ama ang umalingawngaw sa buong mansion ang naabutan 'ko nang makapasok ako.

Hinawakan ni Stormy ang kanang bahagi ng kanyang mukha kung saan tumama ang palad ng aming ama. Isang patak ng luha ang nakita 'ko sakanya.

Si kuya Phoenix ay na sa likod ni Stormy. Tila gustong awatin ang aming ama at ina sa pagpapagalit kay Stormy. Silang apat lamang ang magkakaharap at wala ang ibang assassin na madalas ay nakabantay dito sa loob ng mansion.

Ang aming ina may masamang tingin kay Stormy tila ikakahiya niya ito.

"Kailan ka pa natutong sumuway? Utang mo saamin ang buhay mo, tandaan mo iyan!" Nanggagalaiting wika ng aming ama. Mahina ngunit bakas ang diin at galit sa kanyang pinagsasabihan.

"Ngunit anak niyo ako! Bakit ako lamang ang walang pagmamahal na natatanggap sainyo? Dad, ayokong maging assassin. Gusto 'kong mamuhay gaya ng pamumuhay ni Frosty! Ayokong pumatay ng mga taong walang kasalanan saakin! Ayokong pumatay dahil lamang pinag-uutos ninyo, pagod na po ako." Nagsusumamong wika ni Stormy.

"Umalis ka sa harap 'ko! Hindi magbabago ang pasya namin. Mananatili ka bilang assassin. Huwag mong kainggitan ang iyong kapatid bagkos ay mahalin mo ang trabahong aming inatas saiyo. Magpasalamat ka at ikaw ang pinagkakatiwalaan namin."  Madiin ang bawat bigkas ng aming ama, puno ng pagpipigil ng galit.

"Dad, nagmamaka-awa ako. Gusto 'ko pong mamuhay ng maayos kasama si Landon." Lumuhod si Stormy sa harapan ng aming mga magulang. Gusto 'kong patayuin si Stormy at kumbinsihin ang aking mga magulang na ibigay na lamang ang gusto nito ngunit isang sampal muli galing saamin ama ang tumama sa pisngi ni Stormy.

"Mamatay ang lalaking iyon!" Sigaw ng aming ama tila di na nakapag pigil sa galit niya.

"No! Hindi pwede Dad. Mahal 'ko po si Landon. Please, huwag po." Pagmamaka-awa ni Stormy. Gustong gusto 'ko siyang tulungan sa kalagayan niya ngunit takot ang namamayani saakin. Takot sa aming mga magulang, kahit kailan ay hindi sila nagsalita ng hindi totoo, ang salitang lumabas sa kanilang bibig ay aming batas. Bawal suwayin dahil hindi namin gugustuhin ang resultang mangyayari kapag hindi kami sumunod.

Ang aming mga magulang ay hindi pangkaraniwan. Sila ang namumuno sa negosyong namana pa saamin ninuno. Ang tindig at ang aura nila ay kinakatakutan ng marami lalo na sa mga nakakakilala sakanila. Magulang namin ang namumuno sa Cray's Empire. Madaming negosyo ang naka-ilalim sa pamamalakad ng aming magulang isa na dito ang pinaka malaking petroleum dealer sa Asia, America, Europe, at Australia. Sakop rin ng aming negosyo ang isa sa mga nangungunang electronic company sa mundo.

Tila hindi kami mauubusan ng yaman, bukod sa negosyong aking nabanggit ay mayroon pa kaming isang negosyo na siyang ina-ayawan 'ko at ngayon ay pati si Stormy. Iyon ay ang pag-patay at paggawa droga. Sa madaling salita ay isa ang pamilya 'ko sa may negosyo sa Black Market, at isa kami sa pinaka kinatatakutan.

That Mysterious GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon