TMG- Chapter 37 (Updates)

584 18 1
                                    

Chapter 37

Updates

Third Person's Point of View


Hindi iniinda ni Frosty ang tama sa kanyang dibdib kahit na sobrang kirot nito ay di niya pinapahalata sa mga taong nakapaligid sakanya.

Sa ngayon ay nasa laboratory siya kung saan naka-confine si Clara at Gin na dalawang araw ng walang malay ngayon. Under observation pa ang lagay ng dalawa. Hinihintay silang magising sa loob ng tatlong araw.


Hinawakan ni Frosty ang kamay ni Clara.


"Clara, I miss you. You told me you will never die in battle, so please wake up." Malungkot na wika ni Frosty. Naglakad naman siya sa gawi ni Gin. Hinaplos niya ang noo ni Gin.


"You are tough, Gin. Don't die like this. You said you love to create your own family. Wake up and marry Clara." Naiiyak si Frosty habang kinakausap niya ang walang kamalay malay niyang mga kaibigan.


"You know that you're not just my colleagues, you guys are also my friends, my family." Tumulo ang isang patak ng luha sa mata ni Frosty kaya agad niya itong pinunasan.


"I will come back later. And I hope, I'll see you guys smiling at me." Wika ni Frosty sa dalawa at hinalikan ang noo ni Gin at Clara.



Pagkalabas ni Frosty ay dumiretso siya sa kwarto niya upang i-check ang sugat niya. Mabisa naman ang gamot na gawa ni Kid, mabilis ang pag hilom ngunit nandoon parin ang kirot dahil dalawang araw pa lamang ang nakalilipas.



"Fuck!" Mura niya nang makita ang masaganang paglabas ng dugo mula sa sugat niya.



Agad niyang inalis ang benda sakanyang dibdib. Nilinis niyang muli ang sugat niya at binudburan ng gamot na gawa ni Kid. Mabilis niya rin nilagyan ng bagong benda ang kanyang dibdib.


Lumabas siya para tingnan ang kalagayan ni Vix kasama ang ibang assassins na nakakulong.


"Hey. Saan ka pupunta?" Tanong ni Athena.


"I will check our prisoners." Maikli niyang wika. Lahat naman ay malungkot sa nangyari. Lahat sakanilang magka-kaibigan ay malungkot at ramdam iyon ng bawat isa.


"Me too." Maikling sagot ni Athena at sabay na silang nagpunta sa underground jail ng hide out nila.


Nang makarating sila sa underground jail ay nadatnan nila si Myr na isa isang niche-check ang vital signs ng mga bihag.


"How are they?" Tanong ni Frosty habang nakahalukipkip.


"They are not okay. Gumagawa kami ng test sakanila. Mayroon mga bagay na di namin maintindihan." Wika ni Myr na naka-suot ngayon ng lab gown.


"Like what?" Tanong ni Frosty.


"Their minds is awake. Pilit na ginigising ang buong sistema ng katawan. Hindi ganoon ang natural na effect ng poison bullet. Ang natural na epekto ng poison bullet ay managinip sila ng magagandang bagay na nangyari sakanila. Dapat ay hindi nahaharumentado ang isip nila, dapat ay kalma lamang iyon." Paliwanag ni Myr.



"Did you test the poison bullet? Baka may problema sa bullet?" Tanong ni Frosty dahil hindi siya makapaniwala.


"Yeah. We tested the bullet for almost twenty times. It's perfect for dreaming good memories. Hindi talaga namin maintindihan kung bakit ganoon ang epekto sa mga assassins na iyan." Sagot naman ni Myr.


That Mysterious GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon