Gusto mong magwala
Gusto mong sumabog
Sa utak mo may nagaganap na giyera
Lungkot
Takot
Sakit
Hinayang
Hinanakit
Gusto mong ilabas lahat
Pero paano?
Narealize mo na mag-isa ka lang pala
Lahat ng tao sa paningin mo hindi sapat
Lahat sila, sa mata mo, hinda naman makakarelate
Kaya mas pipiliin mong kumalma hanggang sa palipasin na lang ang nararamdaman.
Walang emosyong mukha
Blangkong mata
Matigas na labi
Tikom na bibig
Laging nauuwi sa ganoon kasi sa bandang huli sarili mo lang naman ang lubos na makakaintindi sa'yo.Pero alam mo sa sarili mo
Yung sobrang bigat na dinadala ng puso mo
Madadagdagan na naman.
Kasi yun ang pinili mo
Manahimik
Magkimkim
Kahit gusto mong magwala
Sumigaw
Magsumbat
Pero lilipas ang ilang segundo
Maiisip mo na wala naman silang pake
Makatanggap ka pa ng pekeng pag-aalo
Mas mabuti pang palipasin na lang muli ang nararamdaman.Gustuhin mo mang umiyak
Pero paano?
Iiyak ka nga
May makakakita
Pero walang makakaintindi ng buo
Maiisip mo na walang saysay ang luha na nilabas mo.
Sabi nila nakakagaan kapag niluha mo
Pero ang totoo
Walang maitutulong yun hangga't walang nakakaintindi sa'yo ng buo.