wed/oct/10/2018

0 0 0
                                    


ang sabi
sipag at tiyaga
may nilaga na
pero bakit ganun?
ang hirap
nandun ang 101% effort
bilad sa araw
ngalay na mga paa
umaatungal na tiyan
sakripisyo sa araw-araw
para mapunan lahat ng kailangan
pero palaging kapos
kulang
bitin
nag-nenegatibo pa
hanggang kailan?
gusto kong
ishortcut
kaso alam ko
basta tuluy-tuloy
sabi rin nga
kung nasa pinakababa ka na
wala ka namang pupuntahan kundi pataas na
eksayted na ako sa araw na
hindi na ako maiiyak
dahil sa gutom
di na ako mamomroblema
kapag dadalawin kami ng sakit
di na ako iiwas
kapag yung iba ang sagana
yung lahat ng magiging effort
na ilalaan ko
magiging sapat para mabuhay kami

insideWhere stories live. Discover now