Ang Babae Sa Apartment (HORROR)

32 4 5
                                    

>Ang Babae Sa Apartment<

Ako si Gina Rose Domingo. Isa akong sales lady sa isang mall. Bago lang ako sa trabahong ito. Lumuwas ako ng manila dahil masyado ng mahirap ang buhay sa province.

Nang makarating ako dito ay agad akong naghanap ng trabaho. Swerte namang natanggap ako sa mall. Yun nga lang masyado siyang malayo sa bahay na tinutuluyan ko. Sa tita ko. Kaya napag desisyunan kong humanap ng apartment malapit sa mall.

Swerte naman na nakahanap agad ako ng apartment. Masaya dahil mura lang ang rent do'n. Yun nga lang may kung anong kakaibang pakiramdam sa loob ng apartment.

"Hija. Iwan na kita dito.." sabi ng care taker.

Maaga akong lumipat para hindi na hassle dahil bukas ay magsisimula na ako sa trabaho.

"Sige po, Manang.."

Agad na akong iniwan ni manang. Isinara ko na ang pinto at iniayos ko ang gamit ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng apartment.

Sa may sala ay may dalawang upuan na sa palagay ko'y antique dahil sa itsura nito. Masyado ng luma pero maayos pa naman.

Pumunta ako ng kusina. Pag pasok ko palang ay muli ko na namang naramdaman ang kakaibang pagaspas ng hangin sa aking balat. Agad na nagtayuan ang balahibo ko.

"Bakit ba ganito ang pakiramdam ko sa apartment na 'to? Parang may nagmamatyag sa kilos ko.." bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko na pinanansin pa ang kakaibang presensya na 'yon. Muli kong binalikan ang mga gamit ko. Ngunit halos lumuwa ang mata ko ng makita kong nakakalat na ang mga gamit ko mula sa aking bag.

"A-Anong nangyare?" Takang tanong ko sa sarili ko.

Halos magtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa takot.

"M-May tao ba dyan?" Sigaw ko.

Ngunit ang pag pagaspas lang ng kurtina ang siyang sagot sa aking tanong.

Agad kong iniayos ang gamit ko at dumeretso sa kwarto. Ramdam ko ang pangangatal sa aking katawan.










Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok sa trabaho.

Hindi ko pa din nalilimutan ang nangyare kahapon. Gusto ko mang tanungin si manang tungkol do'n ngunit baka pagtawanan lang niya ako at sabihang baliw. Kaya minabuti ko na lang na sarilinin ang nangyare kahapon.

Pagkarating ko sa mall ay agad na akong nagsimula sa trabaho.

Masaya ako sa ginagawa ko. Ngayon lang ako nakapasok sa mall. Ganito pala kasarap sa feeling na maramdaman ang lamig ng aircon. Dahil sa province nanin, tanging sariwang hangin lang ang dumadampi sa balat ko.

Kinatanghalian ay nakipagpalit na ako sa aking kasamahan dahil.kailangan ko ng kumaen ng lunch. Ngunit bago ko gawin 'yon ay dumeretso muna ako sa restroom para maghilamos.

Pagpasok ko ay siyang labas ng mga tao.

Agad akong dumeretso sa sink para maghugas ng kamay. Ngunit agad akong kinilabutan ng biglang mamatay ang ilaw at isang nakakakilabot na boses ang aking narinig.

"Hihihihi. Mamamatay ka.." *isipin niyo na lang 'yong tawa na nakakakilabot..*

Halos mapaluhod ako sa aking narinig. Ngunit mas lalo akong kinilabutan ng makita ang isang babae na duguan. Punong puno ng dugo ang kanyang damit. Tumutulo ang luhang dugo mula sa kanyang mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOM ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon