"Ohhhh" I don't know what is happening to me but having a taste of this Matcha Frappe giving me chills.
"Yuck Chams! Ano ka ba naman Matcha Frappe lang yun pero dinaig mo pa ang babaeng nakarating ng ika-pitong langit" Pangaalaska ng kaibigan niyang si Maureen. Inirapan ko na lang siya at itinuloy ang paghigop sa aking Matcha Frappe.
"Chams, tumawag nga pala si Tita kanina kinakamusta ka na niya wala ka ba daw balak umuwi?" Bigla akong natigilan sa paginom ng aking frappe at naalala ko ang aking ina. Panigurado ako na yang itinawag niya ay upang tanungin lang ako kung may lalaki na ba na nagdilig sakin.
"Mau, alam mo naman na kapag umuwi ako sa amin ipepressure na naman ako ni Mama about sa "hardinero" na kailangan daw magdilig sa akin." Pagrereklamo ko naman sa aking kaibigan.
"Well, you know tita gusto ka na niya maging ganap na babae." May pilyang ngiti nitong sabi sakin. Isa pa itong si Maureen kampi pa ata kay Mama pake ba nila kung ayoko pa magpadilig.
"Huwag ka nga ngiti ngiti diyan porke experienced woman ka lang diyan e."
"Yun na nga Chams. Sinasabi ko sayo once you have experienced it babalik balikan mo trust me." Hinala ko may binabalak itong kaibigan kong bruha na ito e.
"Nagsalita ang babaeng tigang for how many years na nga ba?" Pangaalaska ko naman sa kanya. Inirapan niya lang ako at uminom ng kanyang Frappe. Well, kung gusto mo patahimikin si Mau ipaalala mo lang ang kanyang ex-husband or memories niya dito.
"Pero seriously Chams, in 3 years magiging 3 na ang umpisa ng age mo at you know na kapag hindi ka pa nakakapagdilig ikaw din baka wala ng mahumaling sayo."
Naiisip ko rin naman ang mga sinasabi ni Maureen pero it feels like na ayoko naman ibigay ang puri ko kung kanikanino lang. Ayoko naman yung one night stand lang no atsaka sa buhay ko na NBSB gusto ko rin yung feeling na may forever ka na nga may pornever pa. Harot lang di ba.
"Mau, you have a point in there pero ayoko naman ng one night stand lang no ayoko yung isang gabing pagkakamali lang I want yung unang warak ko ay sa taong mahal ko talaga." Umatake na naman pagiging hopeless romantic ko.
"Atsaka Mau, sino ba ang lalaki na magnanasa sa babaeng plus size. Aber?"
"Ayan ka na naman sa insecurities mo Chams e kaya hindi na boboost ang iyong confidence. Look at yourself"
"Mataba." Ugh. I hate myself for being like this.
"Gaga ka talaga. Sinong mataba diyan? Mataba ba ang babaeng may 34D bust Size 29 waist at tumataginting na 43 hips di ba pak na pak na vital statistics" Pinalo naman ni Mau ang aking pwet. Oo nga malaki nga ang aking pwet at sinasabi din ng iba na ito daw ang aking greatest asset.
Sa lahat ata ng ipapasalamat ko kay Lord ay binigyan niya ako ng full hot butt. Oo hot kasi kinaiinggitan ito ng mga babae pati na mga beki. Self-defense ko rin ito kapag may masamang tao daganan ko lang sila gamit ang aking pwet fo sure tutumba sila.
"Chams, may naisip ako G ka ba?" May pilya niyang sabi sakin.
"I sense something naughty diyan sa naiisip mo. Spill it girl" Curious and somehow excited ako sa naiisip ng gaga na ito.
"Well, Chams I have this plan. Let's called this Oplan: Hanap Hardinero"
At ipinakita sakin ni Mau ang mga pictures ng iba't ibang lalaki. May Italian, British, Brazilian, Australian at iba pa. Nagulat ako at ang gaga ready na ready daig pa ang may Modeling Agency dahil sa pictures na nakasave sa phone niya.
"Legit ba yan?" Tanong ko sa kanya kasi baka naman sinave niya lang yan sa google. Hilig kaya ni Mau magsearch ng mga hot guys sa google at pinterest kapag bored.
"Gaga oo naman! Trust me it would be fun. Wait lang imemessage ko lang ang Hardinero #1" Ayaw sabihin ni Charms kung sino si Hardinero #1 pasuspense pa ang gaga masurprise na lang daw ako.
Hays. Bahala na nga kung ano man ang mangyari basta I just want to get laid. Ugh. Pathetic at Desperate na pero frustrated na talaga ako. Please Lord I know it's bad patawarin mo ako. Gosh.
"Alright, Chams nagreply na si Hardinero #1 at magmemeet kayo ng 6 pm sa Nylon Coffee Roasters. I gotta go na girl ha wear decent tomorrow and flaunt your hot ass." Nakipagbeso beso siya bago umalis tapos na daw kasi ang kanyang coffee break.
Hindi ko nga pala nasabi kahit may pagkagaga si Maureen isa siyang mahusay na pediatrician at ako isa naman akong Interior designer. Highschool Friends kami ni Mau at sabay din kami nagapply sa Singapore at ito dahil parehas kaming sinuswerte nandito na kami for almost 5 years.
Lumabas na ako sa coffee shop at bigla akong napatingin sa isang window glass ng isang shop tinignan ko ang aking asset.
"Well, sabi nila asset daw kita tignan natin kung ano ang maipapakita mo bukas."
A/n: Short Update muna po ito nangangapa pa ako sa iuupdate dahil matagal tagal na rin since ang last na story na nagawa ko. Feel free to comment po :)
BINABASA MO ANG
I Love You So Bad
ChickLitChammie Serene Calzada Ako ang Babaeng pinagpala ng kalakihan ng pwet. Kinaiinggitan ito ng kababaihan at pinaglalawayan ng kalalakihan. Ewww. 27 years old na ako at frustrated dahil sa edad ko ay hindi pa ako nadidiligan. Oh wag kayong side comment...