Part 3

2.5K 56 14
                                    

Warm Welcome

Manila, Philippines

"Gosh! Ang init talaga sa Pinas! Kakayat ang make up ko!" Itinaas nga niya ang kaniyang shades at hinanap ang susundo sa kaniya.

"Chammie!" Nakita niya ang isang babae sa hindi kalayuan nakasuot ito ng white na polo at may hawak itong batang babe na maliit.

"Gosh! Ate Celia!" Patakbo niya nga itong sinalubong bitbit ang kaniyang maletang mabigat. Nagtitinginan ang nga tao sa kaniya nakakita ata ng artista.

"Chammie! Ang ganda ganda mo at ang laman ha." Sabi nga ng pinsan niya. Nahampas naman niya ito ng wala sa oras.

"Gagita ka talaga kahit kailan Celia!"  Nakinig naman niya ang munting pagtawa ng bata na kasama nito.

"Celia? Siya na ba si Celestine?" Tukoy niya sa batang kasama nito. Tumango naman ito bilang pagsagot.

"Ohmygee! Ang gandang bata manang mana sa akin. Ang lusog!" Puri niya sa bata. Ang sarap lang nitong kidnappin. Hihihi

Sumakay na nga sila sa van ni Celia at nagtungo sa kanilang rest house sa may Batangas. Ito na daw ang nagpresinta na sumundo sa kaniya dahil pinaplano na naman ng kaniyang ina na ipasundo siya sa isang kachupoy. Nakakastress talaga itong si Mamang.

"Buti naman at nagpresinta ka na Celita." Pangaasar ko sa una nitong pangalan. Imbes nga na mainis ay natawa na lang ito. Aba improving ang gaga hindi na pikon. Iba na talaga kapag nanay.

"Oo naman ayokong mastress ang pinsan kong malaman." Bawi nito sa akin at natawa nga na parang luka-luka nako kung wala lang ang anak nito nabatukan ko na ito.

"Hindi kita bigyan ng chocolate e." Sabi ko naman dito. Lalo lang ito natawa ang gaga talaga.

"Anyways, Chammie hindi nga lang pala ikaw ang uuwi ngayon sa rest house." Sabi ni Celia sa akin habang pinapadede ang kaniyang anak.

"Talaga? Hindi pa pala ako ang VIP? Sino naman yang uuwi na yan? Don't tell me si Stella yan yung gagang inaanak ni Mama." Sabi ko kay Celia. Natawa na naman ito sa inasta ko. Ano ako clown? Maitatapon ko na talaga itong pinsan ko.

"May tama ka chammie! Tamang tama pa ang paguwi mo dahil ikakasal na si Stella kaya naman double celebration ang magaganap." Paginform pa sakin ni Celia.

"Sino naman ang malas na lalaki?" Tanong niya sa pinsan. For sure, magsisisi yun na pinakasalan si Stella maldita kaya yun atsaka ang kapal lang na makiuse ng rest house namin para sa kasal niya. Ang cheap lang.

"Si Dward. Dward Magsisisi. Yun tama siya nga. Crush mo yun dati di ba?" Sabi ni Celia sakin. Well dati yun hindi ngayon. Mas pinili niya pala si Stella kaysa sa alindog ko kaya MAGSISISI talaga siya forever. Inaminan ko kaya siya na crush ko siya nung highschool kami pero dahil nga type niya yung mga petite o mga posporo type like Stella ay yun yung mas pinili niya.

"Anyways, I'm happy for them." Sabi ko na lamang. For sure magsisisi aila sa isa't isa.

"Napakaplastic mo talaga couz! Kaya fave kita e. Hahaha. Anyways din sabi ni Conching dumating na daw yung mga entourage sa kasal and ito pa ang hot daw ng mga grooms men ni Dward." Kinikilig na sabi ni Celia. Gagang ito may asawa na ang kire!

"Not interested! For sure mga nalipasan na yun ng panahon at may mga asawa na." Sabi niya sa pinsan. Kinuha niya ang eye mask sa kaniyang bag dahil kulang pa talaga siya sa kaniyang tulog.

"Gisingin mo na lang ako kapag nasa rest house na." Sabi niya sa pinsan.

"Buhay babes (baboy) talaga." Sabi nito kaya naman ay inapakan niya ito.

"I heard you Celita. Hindi talaga kita diyan papasalubungan e kahit namiss kita ng kahit slight." Sabi niya sa pinsan pero totoo naman talaga na namiss niya ito.

"Ito naman si couz, joke lang miss lang kita asarin sige sleep tight ka na malay mo sa panaginip mo mahanap mo na ang icing sa ibabaw ng cupcake mo." Sabi nito sa kaniya at kumanta kanta pa nga. Wish niya lang na makatulog talaga siya sa biyahe.

---
"Chammie! Chammie! Malapit na tayo wakey wakey na!" Nararamdaman ko ang malalakas na sampal ni Celia sa akin kaya bigla akong bumangon.

"Aray ha! Ang bigat ng kamay mo. Saan na ba tayo?" Tanong niya dito.

"Ito sa gate ng rest house niyo." Sabi nito sa kaniya. Pagbukas na pagbukas pa nga lang ng gate nila ay tumambad na sa kaniyang paningin ang mga nagsisipamahalang mga sports car.

"Celia, don't tell me nag bu-buy and sell na si mama at papa ng mga sports car? Bagong business?" Tanong niya sa pinsan.

"Gaga! Yan yung mga sasakyan ng groom's men." Wow! Yaman naman ng squad ni Dward well-off din naman ang pamilya ng mga ito kaya di na siya nagtataka. Ginagala niya pa ang paningin sa paligid ng matigil ang kaniyang mata sa ibang nilalang.

"Celia, sino yung kakaibang nilalang na yun?" Tanong niya sa pinsan at napansin niya na nanlali ang mga mata nito.

"Chammie, m-may third eye ka ba?" Nahampas ko naman ito agad at nginuso ang lalaki na may kakaibang kagwapuhan na tinutukoy ko.

"Ah kala ko naman nakakakita ka na ng kung ano. Si Rinx Morales yan yung best man ni Dward." Sabi ng pinsan niya. What a hot best man. Tinitignan ko pa ito at ang walo nitong pandesal ng may lumapit ditong babaeng surfboard at hinalikan ito.

"Sino naman yun Celia?" Napangiti naman si Celia. Alam ko ang iniisip nito.

"Yung surfboard na babae ba? Si Lila yan so called gf daw ni Rinx. Ano nakahinga ka ng maluwag?" Pangaasar ni Celia sa kaniya.

"Gaga! Hindi no. Hindi ko siya type." Sabi niya agad sa pinsan niya.

"Guilty lang? Bakit kanina mo pa tinititigan si Rinx?" Pangaasar muli ng punsan niya.

"Ewan ko sayo!" Hindi niya na lang pinansin ang pinsan at pinagmasdan na lang hotness ni Rinx minus si Surfboard.

Nakita ko na napatingin siya sa van na sinasakyan namin at kumaway ito at sinamahan pa ng pagkindat. Hindi ko alam kung para sa akin ang kaway na yun pero napakaway ako ng wala sa oras.

"Huy! Chammie! Hindi tinted ang salamin ng van." Nanlaki naman ang mata ko sa sianbi ni Celia. What the?! Bakit hindit nito sinabi. Kaya naman pala may plastic pa ang ilan sa upuan ng van dahil kabibili pa lang so bago pa nga kaya walang tinted.

"Bakit hindi mo sinabi? Luka talaga. Napakaway tuloy ako ng wala sa oras." Sabi niya sa pinsan.

"Malay ko ba na kakaway ka? Malay ko rin ba na tutulo laway mo kay Rinx. Tsk." Hinipo niya ang gilid ng kaniyang labi at may laway nga. Ewwwww! Gross!

"Gosh! I'm doomed!" Nasabi na nga nga lang niya sa kamalasan niya.

"It's part of growing up couz. Well, goodluck. Labyu. Baba na tayo." Pagaya nito sa kaniya pero gusto na niyang magpalamon sa lupa ng nakita niyang papalapit si Rinx sa kanila.

Gosh, somebody save me!

---
A/n: after 123456678 updated hihihihi. Update ko lang po ito kalag nasa mood ako. Charing ❤️ Wholesome po ito pwamis. Hihihihi. Charing ulit.

Love you 💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You So BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon