Part 6. Im dying

254 7 0
                                    

Kai POV

Hirap pala ng ganito. Sabi nila, love is sweeter, the second time around? Eh bakit kung kelan muling magbubukas Na ang puso ko, sa bakla pa. Ano ba naman tong buhay Na to.

Sabado, Wala akong ginawa kung Hindi ang umikot at umikot Dito sa loob ng kwarto ko. Wala naman Ako sa mood gumawa ng design collection...walang inspiration Na pumapasok sa utak ko...walang ibang laman kung hindi Ang mga ngiti at mukha ni NC, Ang kanyang mga chinito eyes...wahhhh

Nagulat pa ako ng nagring ang phone ko, until I get over you  ni Cristina Milan p ang ringtone super hugot db?

"Yes, hello?" Tanong ko dahil unknown number lang ang nagregister.

"Hugot ang ringback mo friend huh" sagot ng nasa kabilang linya

Oo nga pala, un din ang ringback tune ko. mapalitan Na nga. Wrecking ball Na lang hahaha

Speaking of the devil..ay angel pala.

"Hey, NC." Bati ko sa kanya.

"I just want to ask kung napanood mo na yung bagong movie na Dr. Strange?" Tanong nito.

"Ay naku hindi pa, gusto ko nga sanang manood kaso wala akong mayaya dito" sagot ko.

"OK lang ba kung ako Na lang...Kasama Mo?"

NC POV

"OK lang ba kung Ako na lang...Kasama Mo?" Sinadya kong tumigil sa pagsalita dahil sa muntik ko nang masabi Ang ibang salita..

Hindi ako mapakali...gusto ko Makita Siya Araw Araw, buong lingo magkasama sa school...pero Hindi Ako nagsasawa na makausap siya. Namimiss ko kaagad ang mga ngiti at lambing niya..ang paghawak Niya sa braso ko Na nagdudulot ng kiliti sa buong kalamnan ko...Ang pag aalala niya kung may assignment na ako...ang pagsipa niya sa upuan ko pag Hindi Ako agad tumatayo pagtawag ng professor dahil busy ako sa katitingin sa kanya... Hayyy kasi I have fallen to a married woman. Sana Ako Na lang Ang Asawa Niya...

"Are you still there?" Tanong ng kausap ko sa phone.

"Y...yeah, so?" Sagot ko

"I said sure, siguro boys lagi sa utak kaya nabibingi. wait lang maliligo lang ako" sabi Niya.

"Ikaw lang nasa isip ko" bulong ko.

Kai pov

"Ikaw lang nasa isip ko...
Teka tama ba ang dinig ko? O sa TV nanggaling ang mga salitang Yun?

Sa TV siguro kasi naka on nga pala Ito...

After 30 minutes..

Wearing a simple floral dress, with matching headband..

He was wearing a plain gray shirt at maong shorts at rubber shoes...pareho kaming mukhang model pangsummer.

"Selfie muna tayo" yaya ko sa kanya

"OK lang ba sa hubby Mo nang ganito? Hindi ba Siya magagalit?" Tanong ni NC

"You know, American are liberated...Hindi makitid utak nila" Sabi ko. "And besides, it's a bff date db" dagdag ko. Hirap magpalusot, bakit kasi ang hirap magpanggap.

Pumasok na kami ng cinema pagkatapos bumili ng popcorn at drinks.

Dahil hindi Ako nakatulog ng maayos kagabi tapos dagdag mo pa ang lamig ng Aircon. Parang Ang sarap matulog...

NC POV

Nagulat ako ng may biglang sumandal sa balikat ko. Nakatulog Na Pala si Kai. Ngumiti ako dahil malaya kong mapagmasdan ang mukha niyang napakaamo...bakit ba maaga kang nag-asawa...Ang Alam ko lang ay arranged marriage dahil nakabased din sa Guam ang parents niya.

Sana ako na lang...

Sana ako lang ang puwedeng humalik at yumakap sa iyo...
Gusto ko maramdaman ang tamis ng...my gad...ano ba to.

"I'm dying for you Kai..."bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Tinapik ko ng dahan dahan upang magising ang angel sa tabi ko.

"Hmmm" sambit niya. Dahan dahang siya nagmulat at nagpout

My gad, wag mong gawin yan, pakiusap baka hindi ko mapigilan sarili ko, gustong gusto ko ng halikan ang kanyang mga labi...Hindi ko Alam kung pano natitiis ng Asawa nito na Hindi siya makasama kahit isang minuto lang.

Mr. and Ms. Great PretenderWhere stories live. Discover now