Chapter 11

1 1 0
                                    

Natapos na rin ang mahaba haba kong paliwanag kay bakla ang hirap pa naman magsinungaling dun ang lakas makaradar ng tunay mong ginawa. Sana pala ng investigator na lang siya jusko! mauubusan ako ng palusot sa Ian na yan.

Masaya akong nagtipa sa laptop ko para tapusin ang nasimulan kong short story nung unang araw ko dito. "Yummy ba talaga yung nabingwit mo kagabi bes?" Tanong na naman nito kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango.

"Grabe ka bes may kalandian ka rin pala side." Binalewala ko na lang ito baka mamaya madulas ako dito hindi pa naman ako sanay na may tinatago sa isang to!

"Baka may friends yang lalaki mo bes?" Masanay na kayo sa katarayan niyan mas malandi yan sa akin. "Oo itatanong ko bumalik ka na sa trabaho mo baka may makakita pa sa atin isumbong pa tayo sa nakakataas." Tatawa tawa ko saad dito. Napakakulit!

"Wow nagexchange sila ng digits." Pang-aasar nito. "Sira!"

Maghapon kong hindi nakita si Clint pero nakatanggap naman ako ng message dito kaninang lunch time. May meetings daw siya kasama ang mga boss napakasipag talaga ng babe ko tapos mamaya may rehearsal siya para sa darating na tour nila. Lalo ako nahuhulog sa lalaking yun.

"Oh! Hindi na napuknat yan ngiti mo mula umaga pa yan." Nginitian ko lang ito. "Inggit ka lang."

"Naku! Careful baka masaktan ka na naman bes." Bigla naman kumabog ang dibdib ko sa sinabi nito. Sana naman hindi na mangyari yun natatakot man ako ngayon pero nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya tatagan ko na ang sarili ko ngayon para sa amin. May pinanghahawakan na ako ngayon and I give my trust to him again.

Tumunog ang cellphone ko hudyat na may mensahe sa messanger ko.

Clint Henry:
Babe where are you?

Sinabi ko na nasa opisina pa ako may tinatapos pa kasi akong trabaho gusto ko rin sana mag-over time kaya lang na mimiss ko na si Clint.

Clint Henry:
I'll fetch you im just wait you inside my car My love

Napakasimpleng mensahe pero napakalalim ng nilalaman.

Aloyha Chen:
Okey My love take care😉☺
I love you 😘😍

Minadali kong magligpit ng gamit ko siguro hindi ko na muna dadalhin ang trabaho ko sa tinutuluyan kong hotel baka kasi tumambay si Clint sa place ko. Bumababa ako kaagad ng building pagkatapos kong mag-ayos para naman maganda pa rin ako sa harapan niya mahirap na famous ang boyfriend ko kailangan talbog ko pa ang mga nakakasalamuhan niya babae para hindi na maghanap at mabaliw na sa akin. Napapangiti na lang ako sa kalokohan iniisip ko.

Natanaw ko naman kaagad ang sasakyan nito pero bago ako tuluyan lumapit dito tumingin muna ako sa paligid. Nang makalapit ako sa pinto bigla ito bumukas inabot pala nito ang lock ng pinto dito sa tayo ko para hindi na siya lalabas. "How's your day babe?" Hinalikan ko ito sa pisngi na ikinasimagot nito kinurot ko na lang ito sa tagiliran ang takaw takaw kasi.

"Why you didn't kiss me on my lips? You didn't miss me My love?" Ngunguso nguso nitong himutok habang nagdadrive.

"Because we kiss a lot last night." pagpapaliwanag ko dito baka naman mapudpod ang labi ko sa isang to! Pagmakahalik pa naman ito para madadala ang labi ko manipis pa naman.

"But I want your lips..... I want you too." Naiskandalo naman ako sa bulalas nito hindi ako sanay sa mga ganito pero na gugustuhan ko kapag siya ang bumabanat. "Clint!"

"Hahahahaha-- you face hahahahaha." Namimilipit ito katatawa habang nagdadrive na kinainis ko naman.

Hanggang pagkababa namin sa sasakyan niya hindi ko siya pinapansin kahit imik siya ng imik sa akin manigas siya pati yung alaga niya hindi siya makakaisa sa akin.

Fallen To The Sh** Person~~ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon