Enrollment
"Bakit ba kailangan naka makeup ka pa? Sa school lang naman tayo pupunta." Tanong ko kay Gemm habang nag hahanda ako ng dadalhin namin para sa enrollment.
"Ano ka ba syempre kailangan mag paganda." Depensa niyang sagot habang naglalagay ng liptint sa pisngi.
"Bahala ka, basta bilisan mo na lang diyan baka pag dating natin sa school marami ng tao." Sabi ko habang nag susuklay ng buhok.
"Opo ito na nga." aligaga niyang sabi habang nililigpit ang kanyang makeup kit.
"Ikaw ba hindi ka man lang ba maglalagay ng kolorete sa mukha?" Tanong niya sakin.
"Para saan pa? Wala namang mag babago kung maglalagay ako niyan." Turo ko sa mga abubot sa mukha na naka kalat sa room ko.
"Grabe ka naman uy!! meron naman kahit papaano matatakpan yang mga pimples mong ayaw kang iwan." Patawa niyang sabi.
"Oo na ako na may tigyawat, anong gagawin ko masyado nila akong mahal." Pabiro ko na lang sabi sa kanya.
"Ikaw naman kasi bakit ba ang hilig mong mag puyat ayan tuloy lagi ka nag kaka breakout, you know naman that you need enough of sleep to get a healthy and beautiful skin just like me." Pag bibida niya sakin
"Kahit hindi naman ako mag puyat nag kaka pimples pa rin ako at tyaka common problem naman ito sa mga teens hindi lang ako."
"Oo nga pero factor na rin yung pag pupuyat, palibhasa puro pagbabasa ng mga novel ang inaatupag mo tuwing gabi, halos hindi mo nga ako pansinin dahil lagi kang busy diyan sa mga fictional boyfriend mo." nagtatampo niyang sabi.
Tinawanan ko na lang ang sinabi niya.
Hindi ko pa rin akalain kung paano kami naging mag kaibigan nito ni Gemm, kung tutuusin nga magkaiba kami ng interest sa mga bagay
Nahilig kasi siya sa mga cosmetic products habang tumatagal, basta kahit anong bagay na may kinalaman sa pagpapaganda.
Every month lagi siya may bagong make-up, hindi na rin naman nakapagtataka yun dahil ang mommy niya ay ganun din ang hilig like mother like daughter pero at least yung pinambibili niya sarili niyang pera hindi siya lagi humuhingi kay tita.
Ako naman on the other hand, mas nahilig ako sa pag collect ng mga libro.
I mostly prefer spending my own money on buying new books rather than makeup products. Ang dahilan ko naman dito hindi naman ako lagi nag aayos kapag aalis, sapat na sa akin yung may iilan lang na nilalagay sa mukha.
Sa loob nang anim na taon na pagkakaibigan namin masasabi ko na lubos na naming pinagkakatiwalaan ang isa't isa.
"Tara na sa baba para makapag breakfast na tayo." Sabi ko habang sinusukbit ang bag.
"Okie doks." Naka ngiti niyang tugon.
Sa pagbaba namin sa hagdanan agad naming nakasalubong si mama.
"Good morning Ladies! breakfast is ready." Masiglang pabungad ni mama.
"Good morning tita Wynn." Agad na sabi ni Gemm sabay halik sa pisngi ni mama.
"Good morning ma."pagbati ko.
"Okay let's go na sa table." Pag akay ni mama.
Habang kumain napagusapan ang balak naming kuning strand ni Gemm sa Senior High.
Hindi lingid sa kaalaman ni mama na HUMSS (Humanities and Social Science) ang gusto kong kunin pero hindi sang ayon dito si mama. Gusto niya kasi na inclined sa business ang kunin ko pero hindi naman yun ang gusto ko.
"Gemmy anong gusto mong strand sa SHS?"Tanong niya.
"Actually tita undecided pa po ako I'm torn between HUMSS and ABM both strand po kasi are great." Naka ngiti niyang sabi.
"Okay, but if I were you ABM na lang ang pipiliin ko."
"Ma." Saway ko sa kanya.
"What? Nag suggest lang naman ako anak."
"Let her decide what she want, huwag natin siya pangunahan." Seryoso kong sabi while sipping on my coffee.
"Okay lang naman Rye sa totoo nga niyan gusto ni mommy na yun ang kunin ko." May pag aalangan niyang sagot.
"Pero yun ba talaga ang gusto mo?" Tanong ko.
"Ah...siguro magugustuhan ko naman yun." Mahihimigan ang hindi kasiguraduhan sa kaniyang sagot.
Hindi na lang ako nag react sa sinabi niya. Alam ko naman na kahit magkaibigan kami ni Gemm hindi ko parin dapat panghimasukan ang mga gusto at decision niya.
Nang matapos kaming mag breakfast ay nag handa na kaming umalis.
"Mag ingat kayo." Paalala niya sa amin.
"I'll text you once we get there." Paalam ko sabay halik.
"okay, pero Rye samahan ko na lang kaya kayo sa school." Pagpupumilit niyang sabi.
"Ma." Saway ko.
"Hindi na kailangan tita, kaya na po namin ni Rye and kasama naman po namin yung iba naming friends, so you don't have to be worry about Rye." Naka ngiti niyang baling kay mama.
"Okay fine sabagay malaki naman na kayo, I'm just worried about Rye dahil nasanay siya na lagi akong kasama." Malungkot niyang sabi.
"Dati yun ma, I can now take care myself."
"But I just---."
"We go ahead na po tita."Mabilis niyang pagsingit.
Sinamahan kami ni mama hanggang sa paglabas namin ng bahay, naghihintay na samin si kuya Nilo para i-pag drive kami papunta sa school.
We had our final goodbyes before we decided to get going. While we're on are way tumawag ang mommy ni Gemm para kamustahin siya, kasalukuyang nasa Rizal ito dahil may inaasikaso para sa pag branch out ng kanilang family business.
Habang nag uusap sila, ako naman ay naka tanaw lang sa bintana at pinagmamasdan ang tanawin na kadalasang makikita sa paglabas ng subdivision.
Naputol nga lang ang pagmumuni-muni ko nang kalabitin ako ni Gemm.
"Rye kausap ko si mommy pinapatanong niya kung ano gusto mong pasalubong."
"Gusto ko sana yung kakanin ni Aling Kika, Ang tagal ko na ring hindi nakakakain ng kakanin."
"Okay sige, mommy gusto daw ni Rye---."
Binaling ko na lang ulit ang paningin ko sa labas ng bintana at tahimik na nakikinig sa musika na kasalukuyan pinapatugtog sa sasakyan. Tamik na tinatahak ang daan patungo sa school na pinapasukan namin.
+++++
©AnnAmazing
BINABASA MO ANG
This is the First Time (Time Series #1)[on going]
Romance"There's always a first time for everything"