Scott's POV
Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung napaaway si george at biruin niyo? Di pa siya nagkaka boyfriend after nun! Whoah.
1 week na survive niyang walang pinaglalaruan na lalaki. Grabe lang talaga.
"Iniisip mo?" kasama ko nga pala siya ngayon kumakain kami sa cafeteria at nag aaral na din.
"Wala. Nag mememorize ako sa utak ko" bumalik naman siya sa pinag aaralan niya.
"Ang seryoso mo yata diyan sa cell biology?" nakakunot noo niya eh.
"May mga bagay lang na di ko maintindihan. Panu naman kasi ako mag chi chill kung ang punyetang teacher natin di man lang nagbigay ng coverage! Letse. Halos lahat ng libro nahiram ko na sa library"
Tumahimik na lang ako at nag aral din. Nga pala si george? Top 1 yan sa med tech's. Akala niyo pariwara buhay niyan? Naman! Saksakan ng talino yan. Nux! Makapuri naman ako. SYEMPRE! Proud ako diyan eh.
"Aalis muna ako" sabi niya at tumayo na.
"San ka pupunta?"
"Bibili lang. May gusto kang ipabili?" wow! Perstaym!
"Tubig lang sana" tumango lang siya at umalis.
Bakit parang may mali? Parang ewan!
"Eto na tubig mo" kinuha ko naman agad.
*Ring Ring*
Tumayo si george dahil may tumatawag sa kanya.
Huh? Iba talaga. Pag may tumatawag kasi sa kanya kahit marinig ko ok lang naman. Pero? Aish! Bakit ba ako na pa praning?! Letse.
"Alis muna ako S! Iwan mo na lang ang mga libro diyan. Ay teka!" Tumalikod siya at hinablot niya yung isang estudyanteng nerd na pumipila sa mcdo
"Pakisauli nito sa library ha? Eto I.D ko oh" nakakaawa naman yun. Ang mean talaga nitong bestfriend ko.
"Pano yung I.D mo?" nakaalis na kasi yung nerd bitbit yung 6 na malalaking libro.
"Sa susunod na lang. Makikita ko rin naman ulit yun. Isa pa nakakapasok naman ako kahit walang I.D. Alis na ko! Bye S!" tumalikod na siya at umalis
Pupunta na nga lang ako sa room.
*Diane Calling...*
Huwaw! Ba't napatawag tong demonyang to?
"Hello?"
(He's Back)
*Call Ended*
Parang napako ako sa kinatatayuan ko dito sa hallway. Sino ang ibig niyang sabihin?
--------------------------
George's POV
Papunta ako ngayon sa lugar kung saan magkikita kami ni kuya.
Opo may kuya ako, MGA kuya to be exact. 10 kaming magkakapatid at ako lang ang babae.
Ang pinakamatanda samin ang makikipagkita sa akin ngayon.
"Kuya!" gad. I miss him.
"Kumusta prince?" nah. ang sweet <3
"I'm fine. Ikaw? I mean kayo. Asan ang iba?"
"Ikakasal na ko. Nasa states pa. Next year pa siguro. Nandito naman si scott para samahan ka sa christmas at new year" oo naman! Sanay na ko eh.
"Ok lang naman. Pero ikakasal ka na? Who's this bitch?" tinaasan ko siya ng kilay. Bigla na lang akong nainis.
"Hey. Chill! I'm already 27 prince. Nasa tamang edad na ko. She's a victoria secret model." eh ano ngayon?
"so what? I want to meet her" nagtatampo talaga ako pag may ibang babaeng mahal ang mga kuya ko
Dati kasi nung nandito pa kami sa pilipinas naninirahan eh inaaway ko mga girlfriends nila.
"Soon prince. Ngapala! Iba pinunta ko dito. Hey, Listen" hinawakan niya ang magkabilang braso ko, bigla naman akong kinabahan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita ulit.
"She's back" napanganga ako sa sinabi niya. Anong sadya niya dito?
Hindi na ko umimik. Bigla nalang akong naglakad papunta sa sasakyan ko at pinaharurut ito. I te text ko nalang si kuya.
Pinark ko muna ang sasakyan sa gilid at nagtext kay kuya
To: Kuya Jerome
Sorry sa inasal ko kanina. Nabigla lang ako. I'll make it up to you
Sent!
*Toot*
From: Kuya Jerome
It's okay. Pabalik na ko sa states. Pumunta lang ako diyan para sabihin sayo. You take care, okay? We love you. Remember that!
Di na ko nagreply. Grabe! Bakit ngayon pang ok na ako at bumalik na naman siya?
5pm pa lang at matutulog na muna ako.
*toot*
From: 09*********
I'm back. See you soon blaire ;)
o_O
(Christmas Break! :)) Yipee! Nga Pala! Nag Offer Yung OP Ni Ales Na Gagawan Niya Ko Nga Cover Sa Story Ko. THANK YOU! Much Love :**)
