George's POV
o_O
"Diane?" totoo ba talaga to?
"Yes dear! Miss me?" kumindat siya kay scott at pumasok sa condo namin.
Sinundan naman siya ni scott, ako? Heto parang pinako ang mga paa ko at di ko na magalaw.
"Anong ginagawa mo dito diane?" narinig kong tanong ni scott
"Bakit? Masama bang dalawin ka? At ang pinakamamahal kong-----"
"Tumahimik ka na diane! Umalis ka na dito" Sabat naman ni scott
Sinara ko na ang pinto at hinarap si diane. Ang laki na ng pinagbago niya!
"Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong sabi.
"Bar tayo!" masigla niyang sabi.
Ang lakas ng loob niyang magyaya sakin pagkalipas ng ginawa niya sakin dati!
"Hindi siya aalis! Umalis ka na diane" kalmado na din si S.
"Psh. Ang KJ niyo naman. May ipapakilala lang naman ako sa inyo" nag pout pa siya! Ang kapal talaga ng mukha.
"Wala kaming pakialam. Umalis ka na" tumalikod na ko at pumunta sa kwarto. Naiirita talaga ako sa babaeng yun.
*ring ring*
"Hello?"
(Prince) si dad lang pala
"Bakit?"
(5pm tomorrow nandyan na ang fiance mo. Sa mansyon kayo magkikita dahil dun siya pansamantalang titira)
"And so? Ipasundo niyo na lang siya sa driver. Di naman siya magugutom dun eh" psh. Pa special!
(Prince. Habang nandyan siya sa mansyon ka na muna titira isama mo na si scott)
"Pero dad"
(That's an order young lady)
"Oh sige po"
*toot toot*
Argh!!!!! Alam niyo yung feeling na badtrip na badtrip na parang gusto niyong pumatay ng isang libong palaka?!! Bwisit.
Lumabas ako at nadatnan kong nanunuod ng TV si diane.
"Ba't hindi ka pa umaalis?" tanong ko.
"Dito muna ako. Nakakatamad sa bahay" Aba! Pa chill niya pang sabi.
"Naknang! Lumabas ka na nga!" sigaw ni scott na kakalabas lang sa kwarto niya kay diane.
"Geh, bar tayo" Sabi ko. Gusto ko nga kasing uminom.
Nakita kong naningkit ang mata ni scott. Malamang galit na yan. Samantalang si diane parang nanalo sa lotto.
"Huh? Hindi georgina! Mapapahamak ka dun!" pasensya na scott pero di mo ko mapipigilan.
"Yehey! Let's go?" sabi ni diane.
Tumalikod na ako at magbibihis na. Sinundan nanaman ako ni scott.
*boogsh*
Nagulat ako dahil ang lakas lakas ng pagkakasara ng pinto.
" Ano bang problema mo george?! Hindi ka pa ba nagtanda?!" galit na galit na sabi ni scott.
"Sumama ka na lang kung gusto mo" kalmado kong sabi.
"Hindi! Walang aalis" medyo kumalma na yung boses niya.
"You can't dictate me scott and you know that" matigas na pagkakasabi ko
Nagbihis na ko. Naka short at t-shirt lang ako at naka tennis.
Palabas na sana ako ng may marinig ako
"Tandaan mo to diane! Pag may nangyaring masama kay georgina mapapatay kita! Mapapatay ko si steven!" si scott yun.
Steven? Bigla akong kinabahan. Nandito siya? Siya ba ang tinutukoy ni S kanina na 'He's Back'? Siya ba ang ipapakita ni diane sakin ngayong gabi?
Parang ayaw ko ng tumuloy pero na e excite naman ako sa mga mangyayari.
Dire diretso akong lumabas.
"Saang bar diane?" tanong ko
"Sa frosty" pagkasabi niya agad akong umalis at bumaba na sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko.
Nag umpisa na kong mag drive. Kinakabahan ako na parang ewan. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko.
Magkikita kami ulit.
Nandito na pala ako sa parking lot ng bar. Nakahawak lang ako sa manibela. Nag iisip kung tama ba tong gagawin ko.
Aish! Bahala na nga!
Lumabas na ako at pumasok na sa bar. Grabe ang amoy ng alak at yosi.
Nakita ko namang kinawayan ako ni diane. Diretso akong pumunta sa inuupuan nila.
</3
Malayo pa lang siya ay tanaw na tanaw ko na ang mga magaganda niyang mata.
"Hi" kailangan kong magpakatatag dahil eto ang pinili kong gawin ngayong gabi.
"Hindi sumama si scott georgina?" mataray na tanong ni diane
"Hindi" matipid kong sagot.
"Kumusta ka na?" parang binuhusan ako ng isang balde ng ice ng magsalita ang nag iisang lalaking minahal ko NOON.
"O-okay lang" nyeta! umurong yata ang dila ko ngayon.
"Sayang. Ma mi miss ni scott ang three forths ng buhay niya" sabi ni diane.
"Bakit?" sabi ko.
"Nevermind george! Enjoy the night" ngumiti lang siya at umalis na.
Spell awkward -.-
Kami na lang ang naiwan dito dahil umalis si diane. Alam kong part ito ng evil plans ni diane.
"Bakit hindi sumama si scott?" Hai. Ang sakit nito sa pakiramdam.
"Nag away kami"
Alam niyo yung feeling na dati pag pumupunta kami dito sa frosty magkatabi kami tapos nakayakap pa siya sakin kasi gusto niyang malaman ng lahat na may nag mamay ari na sakin? Ang sarap lang sa feeling na pinagmamalaki at pinagdadamot ka ng taong mahal mo.
"Blaire?"
o_O
(A/N: Hello! Busy Si OP Eh! :D Alam Niyo Na Kolehiyala :DDD HAHAHAHAHAHA)
![](https://img.wattpad.com/cover/10532237-288-k33968.jpg)