" Introduce yourself"
" I'm Winter Faye Henrick. 18 years old. Favorite color blue. Favorite song Baby dont cry by Exo. Likes singing, dancing and facebooking. Dislikes uhm, many to mention -- " hindi pa ako tapos magsalita ng may biglang sumingit.
" Ano yan slambook?!!" sigaw nung mukang unggoy kong kaklase. Ngumiti na lang ako habang nagtatawanan yung iba ko pang mga kaklase sa biglang banat nitong unggoy na to.
" Dont be rude Robert" saway naman nung teacher.
" Ehe Ehem, as I was saying Im Winter and nice to meet you, sana maganda ang trato niyo saakin"
Then I gave them my sweetest smile.
" Mamili ka na lang kung saan mo gustong umupo Ms. Henrick"
" Ok ma'am"
Naglakad ako patungo doon sa bandang likod, malapit doon sa may lalaking nakatingin sa labas. AHihihi. Ano kaya ang magiging reaction niya pag nakita niya ulit ako.
" Alis" Malambing kong sabi doon sa matabang lalaking nakaupo sa katabi nung nasa pinakadulo malapit sa bintana.
" Pero dito ako nakaupo" sabi naman niya.
" Sabing ALIS " madiin kong sabi. Natakot naman ata kaya niligpit niya yung mga gamit niya at umalis na sa upuan.
Inayos ko naman yung mga gamit ko. Pagkatapos kong ayusin, kinalabit ko yung katabi ko, yung lalaking kanina pa nakatingin sa bintana.
Unti unti siyang lumingon. Unti unti ko namang nasisilayan ang matangos niyang ilong, mapupulang mga labi, singkit niyang mata at maging yung black niyang hikaw na mas nagpapagwapo sa kanya.
Pagkaharap niya, muntik siyang nalaglag sa upuan niya. Parang nakakita ng multo.
"Hi!!" masaya kong bati.
"BAKIT KA ANDITO?!!" sigaw niya habang nakatayo at tinuturo turo ako.
" Mr. Randall, ano nanamang gulo ang ginagawa mo?!!"
"Psh" yan lang ang sinabi niya at padabog siyang umupo.
Woah , ang angas niya at dahil dun mas lalo akong naiinlove sa kanya. WAhihihihi.
" Humanda ka saakin mamaya" bulong niya saakin.
" Okay" kinikilig kong sabi sa kanya.
" Psh, Crazy"
Buong klase namin hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Iniisip ko kasi kung ano ang mangyayari mamaya.
Yayayaiin ko ata siyang makipagdate saakin mamaya? O kaya naman magpapahatid ako sa bahay namin para sabay kaming umuwi.. Ahihihi Kinikilig talaga ako.
Pagkaring nung bell, bigla na lang siyang tumayo at lalabas na ata ng classroom sinundan ko naman siya. Sasabay akong maglunch sa kanya.
Nakalabas na siya ng classroom kaya naman nagmadali ako para mahabol siya, nasa may hallway na siya at nung naabutan ko naman na siya ay nilinkis ko ang kamay ko sa braso niya.
"F*ck"
"Hi! ^_^v"
"Bitawan mo nga ako" pagtataboy niya sa kamay kong nakalinkis sa braso niya.
Nginitian ko lang siya at mas hinigpitan yung kapit ko.
"Sabay tayong kumain" yaya ko
" The heck, alisin mo nga yang kamay mo"
" Tatanggalin ko to kung sabay tayong maglunch"
Bigla naman niyang nilapit yung muka niya sa muka ko. Nakakatakot yung tingin niya, parang kakain ng tao. Kinilabutan ako bigla pero nabawi yun nung narealize ko kung gano kalapit yung muka niya sa muka ko. Yung puso ko naghaharumentado na sa sobrang kilig. Ang gwapo gwapo niya kahit na nakakatakot yung titig niya.
" Ayaw" tugon niya sa sinabi ko kanina.
Ilalayo na sana niya yung muka niya sa muka ko ng bigla ko siyang ...
*Chup
Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya tumakbo ako palayo, baka patayin niya ako eh.
Pero bago ako nakalayo, tumigil muna ako para tignan siya. Tulala siya ngayon, nabigla ata sa ginawa ko.
"By the way that was my first kiss, see yah later Louise Randall!!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/10759823-288-k508322.jpg)
BINABASA MO ANG
I Found my GANGSTER
RomanceAnother Gangster story? Maybe yes maybe no, but really I Don't Know. This is a story about a girl who is in search for his 'GANGSTER'. Gusto niya kasing tulad ng mga story sa wattpad ang kanyang Love Life. But will her story go as she planned? Again...