I - Mga Basang Unan

78 6 9
                                    

**
I - Mga Basang Unan

Sa ilalim ng init ng araw,
Ang mga unang 'kong nakabilad ang matatanaw,
Sapagka't ito'y nabasa ng aking mga luha,
Na ang tanging kasama 'ko sa kalungkutan hanggang umaga.

Siguro nga'y sa gabi,
Sunod sunod ang paghikbi.
Dahil ikaw ay hindi masungkit,
Ng puso 'kong umiibig.

Makalipas ang ilang oras,
Ayan na darating na naman ang bukas.
Hawak 'ko ang mga litrato mong kumukupas,
Na sariwa pa rin ang mga alaalang lumipas.

Mga panahong nagdaan,
At ika'y tuluyang lumisan.
Iniwanan mo ako, ng magisang lumuluha,
Pagka't sino nga ba ako? Hindi naman mahalaga.

Tunay ngang 'kay sakit ang umibig,
Sa taong puro lamang lambing.
Mga mabulaklak na salita,
Na siyang humahaplos sa aking diwa.

O' kay napakagaling magpakilig,
Pero iiwanan 'ka din, sapagkat iyan ay pekeng pag-ibig.
Dahil sa kagustuhan lamang ay lumandi,
Hindi 'ka naman masasamahan hanggang sa muli.

Nasaksihan ng lahat ang maliligayang sandali,
Ngunit tanging unan at ako lang ang nagpighati.
Hawak 'ko ang katawan ng unan 'kong malambot,
Na nagpapaalala ng yakap mo'y dala sakin ay lungkot.

Kaya 'kong iyong mamarapatin,
Sa iyong pagalis, ako sana ay may sasabihin,
Salamat sa mga alaalang iyong dinala,
Pero patawad dahil ngayon lamang ako bumitaw.

Sapagka't ito na ang huli,
Na ang mga mata ko'y luluha pa muli.
Dahil wala ng ipapatak ito mula sa mapait na nakaraan,
Na dadaloy mula sa 'king mga kagamitan.

Wala nang luhang ipapatak,
Dahil pag-ibig 'ko sayo'y wala ng pakpak.
Dahil nagsawa sa pgmamakaawa,
Kaya paalam mahal, ika'y malaya na.
**
All rights reserved © 2016 by RyllastixGirl
- S. Ryl
• 1/11/16•

Her Pièce de RésistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon