3

689 26 6
                                    

RAM POV

Paano na to wala akong assignment! Squat talaga ako neto mamaya! Kainis! This is not my lucky day ya know!

"Ouch!" Sakit nun ah! Langya naman O binato pa ko sa ulo

Tumingin ako sa paligid pero parang wala ni isa sa kanila ang pwede kong pagbintangan namato sakin, baka di lang sadya siguro

Nakapangalumbaba nalang ulit ako at iniisip kung paano ko lulusutan ang pag iisquat mamaya ng biglang...

"Aray! Ano ba!" Kainis binato nanaman ako at sapul ako sa ulo nanaman

Inis akong tumingin sa likod pero wala parin akong mapagbintangan

Pagharap ko ay nakita ko ang dalawang papel na ibinato sakin kaya naman pinulot ko

[wala kang assigment no?! Gusto mo tulungan kita?]

Sabi dun sa papel na una kong binuksan

[kopyahin mo nalang to, nalukot na eh bilisan mo baka abutan ka ni mam]

Sabi sa pangalawang papel..hulog to ng langit! Akalain mo may nagpakopya pero di ko malaman kung sino basta tska nalang siguro

Nakalagay sa pangalawang papel ang lupang hinirang at panatang makabayan na assignment, agad ko itong kinopya at bahala na kung parang kinalahid ng manok ang sulat ko nagmamadali nako eh

Oo di ko kabisado to dahil di ko mahilig umattend ng glag ceremony namin dati lagi kaya akong late nun!

Natapos ang klase namin na di ako pinaisquat, salamat sa nagpakopya sakin hulog talaga ng langit eh grane pala magpasquat yung teacher buong subject e halos 1 oras din yun no!

Lunch break na at ang dami dami tao dito sa canteen, pero may baon naman ako.. Ako pa?! Eh takot kaya akong magutom! Haha

Nagpasya nalang akong kumain sa may garden ng school atleast dito medyo tahimik..

Habang kumakain ako ay pinagmamasdan ko ang mga estudyante ang daming lalaking estudyante ang iisa lang ang gupit at parang mga katchupoy ang buhok nila

Pati pantalon nila iisa din puro mga nakabaston at malalaki ang polo gangster yata tawag sa mga to e my mga bling bling pa nula hikaw na malalaki at kwintas na silver

Bakit naman ako simpleng get up lang naman pero malakas ako manghatak ng fans! Hehe

Habang sinusubo ko ang sandwich na baon ko ay may tumani naman na babae sakin, tingin ko kaedad ko lang siya pero bahala nga siya basta ako kakain ako

"Hi! Bago ka ba dito?" Napalingon ako sa kanya habang ngumunguya

Tumago lang ako saka ulit ako sumubo

"Cute nga suplado naman" rinig kong sabi niya medyo pabilong kasi eh

"Ha? Ano yon?" Kunwaring tanong ko kahit narinig ko naman na

"Ah..wala sabi ko cute ka bingi ka lang hehe" sus nagmamalinis pa eh

"Ah okay" tipid kong sagot saka ako uminom mg juice

Habang hinihigop ko ang Zest-0 ay nililingon ko siya may pagka maputi tong babaeng to maayos din ang damit niya di tulad ng ibang nakikita kong haragan na babae kung umasta

"Pasulyap sulyap pa kunwari..patingin tingin sa akin..hummm..hummm.." Bigla ko siyang narinig na kumanta at humarap sakin na ikinataranta ko at agad na tumingin ng direcho

"Sus! Tinititigan mo ko eh! Kala mo ah! Haha" parang nahiya ako at nardaman kong umakyat ang dugo sa mukha ko

"H-ha?! Hinde ah!" Kabang Pagtanggi ko

"Weh?" Sabi niya at may kasamang liyad pa siya tipong nangaasar

Tinignan ko lang siya at siguro nakaramdam na napipikon ako kaya naman agad siyang bumawi

"Joke lang grabe pikon agad?" Sabi niya sabay tulak ng marahan sakin

Feeling close lang???

"Ahe, hindi" sabi ko nalang at napakamot ako sa ulo

"By the way hi-way, ako nga pala si Trish, pero mas kilala ako dito bilang si Irish at ikaw si?...." Tanong niya at lahad nadin ng kamay niya sakin

" ah... Eh...R--Rafaelle..Ram for short" sabi ko at nakipagkamay ako sa kanya

"Nabubulol ka pa, pangalan mo nalang di mo pa alam?" Natatawang sabi niya

Bully din tong babaeng to e pakonyat nga isa lang!

Di na ko umimik bahala siya!

"Kamusta naman ang assignment mo? Hirap bang magsulat pag nagmamadali?" Tanong niya

Napakunot naman ang noo ko.. Bat niya alam yun??

"O relax, di ako kaaway mo ha" tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko "ako kasi nambayo sayo kanina mung mga papel kawawa ka naman kasi mukha kang problemado..yung totoo! Siguro tamad ka mag-aral no?!"

Nagulat ako sa mga sinabi niya,siya pala yun!

"Nag-aaral ako no! Konti lang" sabi ko at ginaya ko pa ang commercial ng isang sikat na fastfood chain

"Eh bat di mo alam yun? Ha? Ha? Ha?!" Hinahamon ako netong babaeng to ah

"Lagi kasi akong late non eh! Eh! Eh! Eh! Kaya di ko kabisado yun! O masaya kana?! Ha! Ha?! Ha?!" Sabay kaming natawa sa pinaggagagawa namin mukhang engot lang eh

"Oo haha! Tara na nga balik na tayong classroom simula ngayon ako na buddy mo dito! Pasalamat ka maawain ako sa mga batang walang muwang sa mundo!!"

"Okay na sana eh, kasi may kasama pang panlalait!" Sabi ko at di ako tumayo sa kinauupuan ko

"Arte pa?! Sige na nga joke lang yun! Hinila niya ko at agad naman akong tumayo

"Wow ha napilitan kapa nun!" Reklamo ko sa kanya

Di na niya ko pinansin at diredirechong naglakad papunta sa room namin

===========================

Guys! Sana suportahan po niyo itong story na to..SALAMATS!!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One That Got Away (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon